Engkanto 19

5.8K 191 4
                                    

Patuloy lang sya sa paglalakad kahit na kanina pa sya tinatawag ng mga kaibigan nya. Ayaw nya munang makausap ang mga ito sapagkat hindi pa nya kayang ipaliwanag ang mga nangyari mahigit isang linggo na ang nakakalipas.

Napabuntong hininga sya. Naalala na naman kasi nya ang tagpong iyon na syang naging dahilan kung bakit umaakto sya ng kakaiba. Maski ang mga kasama nya sa bahay ay nag-aalala na rin sa kanya ngunit ipinagpawalang-bahala na lamang nya iyon. Alam nyang walang sinuman sa mga ito ang makakatulong sa kanya sa sitwasyong ito.

Pinahid nya ang luhang tumulo sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa kanya ang mga nangyari. Sa tuwing naiisip nyang kung hindi sana nya ginawa ang kanyang mga naging desisyon ay baka masaya sya ngayon. Baka hindi nya kailangang masaktan ng ganito, na para bang pinupunit ang kanyang puso sa isiping ipinagtabuyan nya ang lalaking kanyang minamahal.

Napapikit sya ng mariin ng maramdaman ang pagdantay ng kamay sa kanyang balikat.

"Indie..."

Tuluyan na syang napahagulhol nang marinig ang pagtawag sa kanya ng kaibigang si Rhian. Humarap sya dito at nakita ang nag-aalalang mukha nito pati na rin ni Nadine na naluluhang inabot ang kanyang kamay.

Walang sabi-sabing niyakap nya ang mga ito ng mahigpit. Bakit ba napakatanga nya? Bakit nya nilalayuan ang mga ito na syang tanging nakakaintindi sa kanya sa tuwing may dinadamdam sya. Kahit paano ay hindi pa rin sya nag-iisa dahil alam nyang palaging handa ang mga ito upang damayan sya.

"Ano bang nangyayari sayo, Indie? Bakit mo ba kami iniiwasan?" tanong sa kanya ni Nadine habang hinahagod ang kanyang likod. Alam nyang umiiyak na rin ito dahil ramdam nya ang pagbasa ng kanyang balikat.

Kumalas sya sa mga ito at pinunasan ang kanyang pisngi na hilam ng luha. Simula kasi ng pangyayaring iyon ay iniwasan na nya ang mga ito. Ewan ba nya pero sa tingin nya ay wala syang mukhang maihaharap sa mga ito. Palagi na lang kasing sya ang dinadamayan ng mga ito at sa tingin nya ay napakawalang-silbi nyang kaibigan dahil hindi man lang nya natutuunan ng pansin ang mga ito. Masyado nga ata syang nahumaling sa lalaking kailanman ay hinding-hindi na magpapakita sa kanya.

Umupo sya sa kalapit na bench sa gilid nila at agad naman syang sinundan ng mga ito at umupo sa magkabilang gilid nya. Nasa plaza sila ngayon para sa kanilang activity sa Filipino. Katatapos lang ng naturang event at takip-silim na rin.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon