Engkanto 33
"Manong, matagal pa po ba yan?" naiinip na tanong ni Nadine habang nakapikit-pikit ang mata.
Gabi na at inaayos pa rin ng driver ang makina ng bus. Yung iba nilang mga kasama ay naglakad-lakad muna para hindi masyadong mainip. Sya naman ay hindi mapakali. Nasa parte kasi sila ng kakahuyan. Oo nga't malapit na sila sa nasabing resort ngunit ayaw naman nyang iwan nila ang driver lalo na't mag-isa lang nitong inaayos ang makina.
Humalukipkip na lamang sya. Nang tignan nya ang kanyang mga kaibigan ay nakasandig pa ang mga ito sa isa't-isa habang naka-indian sit. Walang pakialam kung marumihan ang damit basta lamang makatulog kahit sandali. Hindi nya maintindihan kung bakit pagod na pagod ang mga ito. Sa pagkakaalala nya, hindi pa naman sila abala sa paaralan dahil wala pang masyadong binibigay na takdang-aralin ang kanilang mga professor.
Nang hindi na sya makatiis sa pagkabagot ay nilapitan nya ang driver. "Manong, matagal pa po ba yan?" aniya.
Nangunot ang kanyang noo ng hindi man lang ito sumagot. Kaya marahan nyang tinapik ang binti nito. Nakahiga kasi ito dahil nasa ilalim na parte ng bus ang makinang inaayos nito. "Manong, ang sabi ko po, matagal pa po ba yan?" muling tanong nya dito.
Napasinghap sya ng bigla na lamang syang patirin nito. "Mauna na kayo sa resort. Malapit na naman iyon. Lakarn nyo na lang." tanging sagot nito sa kanya.
Nagtaka sya sa tinuran nito. Tila galit at bahagyang lumalim ang boses nito. Pinalis niya iyon sa kanyang isipan. Hindi makabubuti sa kanya ang maging paranoid sa oras na ito. Lalo na't alam nyang marami sa kanyang mga kaklase ay matatakutin.
Nang ilibot nya ang kanyang paningin ay nakita nya ang pagkainis sa mga mukha ng kanyang mga kaklase. Dahil sya naman ang nag-imbita sa mga ito, sinabihan nya na lang ang mga itong maglalakad na lang sila upang makarating na sa resort.
Ang akala nya ay aangal pa ang mga ito pero laking gulat nya ng matuwa pa ang mga ito. Adventure daw kasi na maglalakad sila sa daan kung saan may madadaanan silang parte na maraming puno. Naiiling na lang sya sa pinag-iisip ng mga ito. Kung alam lang ng mga ito kung gaano nakakatakot at nakakawala ng katinuan ang makakita ng mga nilalang na hindi nila kauri ay ewan na lang nya. Basta ang tanging masasabi nya, hindi exciting ang makakita ng ganun.
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]
FantasyEngkanto. Totoo nga ba sila o kathang isip lamang? Ano na kaya ang magiging reaksyon mo kapag sila ay nakatayo na sa iyong harapan? Hindi para manakot kundi para manligaw. Paano mo maiisip na Engkanto nga ito kung di hindi ka naman naniniwala na may...