Engkanto 22

5.4K 218 8
                                    

Sabay nilang tinitigan ang maliit na palangganang pinatakan ng albularyo ng mga nauupos na bahagi ng kandila. Sabay pa silang tatlo na napatingin sa isa't-isa na nakakunot noo bago binalingan ang albularyo na ngayon ay nakapikit ang mga mata habang may hawak hawak na mga preskong dahon at may inuusal na orasyon.

Matapos nyang pumayag sa suhestiyon ni Nadine na pumunta sa isang albularyo ay agad-agad sila nitong kinaladkad dito sa maliit na bahay na di umano ay tinitirhan nito. Nasa kabilang bayan lang sila at ang albularyong ito ay matagal na daw na napapabalitang magaling manggamot ayon kay Nadine. Wala naman kasi syang kaalam-alam sa mga ganitong bagay.

Ayaw pa nga sanang sumama ni Rhian dahil natatakot daw ito. Baka kasi ano ang itsura ng albularyo. Maging sya ay nag-alangan pa nung una ngunit kailangan nyang harapin ang takot kung gusto nyang malaman ang mga nangyayari. Isa pa, alam naman nilang hindi sila iiwanan ni Nadine. Kahit naman may pagkabaliw ito, may konsensya pa rin naman ito.

"Nakikita nyo ba ang nakikita ko, mga hija?" tanong nito sa kanila habang nakatunghay sa palangganang may tubig.

"A-ano pong nakikita mo, manong?" nahihintakutang tanong pa dito ni Rhian na agad pang kumapit sa braso nila ni Nadine. Nasa gitna kasi nila ito.

Bahagyang umangat ang labi nito. "Wag kang matakot sa akin, hija. Hindi ako nangangagat." anito kay Rhian ana binuntunan pa ng tawa.

Naramdaman nya namang mas lalo nitong siniksik ang sarili sa kanila na syang dahilan upang mas lalo pang tumawa ang albularyo. Maging sya ay kinilabutan.

Tumikhim si Nadine. "Ah, manong. Wag mo naman pong takutin ang mga kaibigan ko. Hindi po yan ang ipinunta namin dito eh."

"Pasensya na hija. Kung tingnan kasi ako ng kaibigan mo eh parang nangangagat ako." anito.

Napahinga naman sila ng maluwag ni Rhian. Siniko pa nito si Nadine at din ito kinurot din ng huli. Maya-maya pa'y sumeryoso na ang mukha ng matandang albularyo habang nakatingin sa kanya.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon