Engkanto 28

5.7K 186 24
                                    

Ilang sandali na ang lumipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Janus sa kanyang silid. Hindi nya maipaliwanag ang kabang kanyang nararamdaman. Parang lalabas na sa kanyang katawan ang kanyang puso dahil sa lakas ng tibok nito. Ano nga ba talaga ang nangyayari sa baba? Nag-aalala sya para kay Janus. Baka may nangyaring masama rito.

Hindi rin naman nya maaasahan ngayon ang kanyang mga kaibigan dahil sobrang himbing ng tulog ng mga ito. Ngayon, ang gusto nya lang ay ang makalabas sa kanyang silid upang matulungan si Janus sa kung ano mang nangyayari.

Idinikit nya ang kanyang tenga sa kanyang pintuan. Nagbabakasakaling may marinig sya at para makakalap ng kahit konting impormasyon. Para syang tanga kung titignan ngayon. Paano ba naman, nakatuwad pa sya at pilit ring binubuksan ang kanyang pintuan.

Bigla na lamang syang tumilapon nang bumukas ang pinto. "Indira!" sigaw ni Janus at tinulungan syang makatayo.

Himas-himas pa nya ang nasaktan nyang balakang at napangiwi pa sya ng makaramdam ng sakit. "P-pasensya na. H-hindi ko alam na nasa may pinto ka pala." nag-aalalang saad pa nito sa kanya.

Napasinghap sya ng bigla syang buhatin nito papunta sa kanyang kama. "A-ah, Janus ibaba mo na ako." nahihiya nya pang sabi. Pero parang wala itong narinig bagkus ay inihiga pa sya nito at pagkatapos ay kinumutan.

Nagtataka sya kung bakit parang nanghihina ito. Muntik na kasi itong matumba ng ibaba sya nito. Napasimangot sya ng may maisip na pwedeng dahilan. "Mabigat ba ako, Janus?" aniya.

Umiling naman ito. "Hindi naman. Sadyang pagod lang ako, mahal ko. Matulog ka na." anito bago inayos ang pagkakakumot sa kanya.

Kung hindi pa siguro nya kilala ng lubusan si Janus ay maniniwala sya sa sinabi nito. Ngunit napansin nya kasi na ilap ang mga mata nito sa kanya. Halatang may itinatago nga ito. Nang hindi sya magsalita ay hinagkan sya nito sa noo bago muling lumabas sa kanyang silid. Nakita nya pa ang paghampas ng mga kamay nito sa hangin. Marahil ay ginamitan na naman nito ng majika ang paligid ng kanyang silid upang hindi sya makalabas.

Pinilit nyang ipikit ang kanyang mga mata ngunit hindi nya iyon nagawa lalo na ng makarinig sya ng kung anong nagbagsakan sa baba. Binundol na naman ng kaba ang kanyang dibdib. Agad syang nakausal ng dasal na sana ay ayos lang si Janus. Wala syang lakas ng loob upang itanong dito kanina kung ano ang nangyayari. Wala sa sariling napahawak sya sa kanyang kwintas at paulit-ulit na ipinagdasal ang kaligtasan ni Janus.

Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon