Special Chapter 1
"Naiinis ako sa pagmumukha mo! Wag ka munang magpakita sa akin."
Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ni Janus ang binitawang salita ni Indira sa kanya. Hindi na nya ito maintindihan. Bigla-bigla ay naging bugnutin ito at madalas pa syang hindi pinapansin o di kaya nama'y pinag-iinitan sya. Wala naman syang naalalang may nagawa syang kasalanan dito.
Napahugot na lang sya ng hininga dahil sa labis ng kalituhan. Napasabunot pa sya sa kanyang buhok dahil hindi na nya alam kung ano ang kanyang gagawin para amuhin ang kanyang asawa.
Minsan kasi, kapag sinusubukan nyang makipag-usap dito ay iiyak na lang itong bigla. Baka nagsawa na ito sa kanya? Naku, wag naman po sana. Hinding-hindi nya kakayaning mangyari iyon. Higit isang taon pa nga silang kasal nito tapos ay ganito nya.
Hindi sya susuko. Para saan pa ang mga sakripisyo nya para dito kung susuko lang din naman sya? Napailing sya. Baka may problema lang ito kaya kailangan nya itong intindihin kahit mahirap.
Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa sofa upang maghanda ng tanghalian. Wala naman syang trabaho ngayon sa resort na pinamamahalaan nya kaya sya na mismo ang maghahanda ng kakainin nila ng misis nya.
Naisip nyang magluto ng menudo na syang paboritong ulam ni Indira. Siguradong makakatanggap sya ng matamis na halik mamaya dahil matutuwa ito sa kanya. Napangiti sya at mas lalo pang naging ganado upang gawin ang naiisip.
Nagsisimula na sya sa paghihiwa ng mga sangkap ng bigla na lang may sumulpot sa harapan nya. Nang mag-angat sya ng tingin ay napangiti sya ng makita ang kapatid nya.
"Napadalaw ka, Atlas?" aniya at ibinalik ang atensyon sa kanyang ginagawa.
"Nababagot ako sa kaharian kaya naisipan kong dalawin ka kahit saglit."
BINABASA MO ANG
Ang Manliligaw Kong Engkanto [Completed]
FantasyEngkanto. Totoo nga ba sila o kathang isip lamang? Ano na kaya ang magiging reaksyon mo kapag sila ay nakatayo na sa iyong harapan? Hindi para manakot kundi para manligaw. Paano mo maiisip na Engkanto nga ito kung di hindi ka naman naniniwala na may...