- 4 -

6 0 0
                                    

Lunes, isang linggo matapos ang contest namin sa gymnasium. Pag pasok ko palang ng silid ay nakatingin na ang mga kaklase ko saakin. Lahat sila nakangiting aso pero hindi ko na 'yun pinagtuunan ng pansin dahil inaantok ako. Alas dose ako humiga sa kama kagabi pero maga-alas tres na ako nakatulog. Gaya ng dati, Wattpad ang dahilan.

Dirediretso akong pumunta sa upuan ko. Nilapag ko sa sahig ang aking bag at isinandal ang ulo sa arm rest, kaso may tumusok sa aking pisngi. Napaangat ang aking ulo. Doon ko lang namalayan na may isang rosas palang nakapatong sa arm rest ko. Medyo nadaganan ko yung bulaklak. Mabuti nalang at wala na itong tinik kundi baka nagdugo na yung mukha ko.

"Kanina pa yan jan," sabi saakin ni Faye kahit hindi naman ako nagtatanong.

Kinuha ko ang rosas at binasa ang nakasabit ditong note.

"I'd give you all my love

But you don't need it

So I'd just give you my eyes

So I could watch you smile

Good morning, Jill :)'

Nakacomputerize ang sulat kaya hindi ko matukoy kung kanino iyon galing. Wala ring pangalan na nakalagay.

"Kanino ito galing?" tanong ko kay Faye na nakatingin din sa note.

Umiling siya. "Hindi namin alam. Sabi ni Mayor nandito na raw iyan pagkarating niya."

Tumango ako. Hindi ko alam kung ano ang kinalaman nung note sa rosas kasi parang hindi naman sila connected, pero hindi ko na iyon inintindi. Inaantok ako. Nilapag ko ang bulaklak sa ibabaw ng aking bag, ipinasak ang earphone sa tenga at natulog.

Recess ng gisingin ako ni Faye. Binilihan nya rin ako ng mainit na sopas. Sinubukan kong bayaran 'yon pero tumanggi siya kaya nagpasalamat nalang ako. Kinopyahan nya rin ako ng notes sa Aral Pan at pinahiram sakin ang Filipino notebook nya. Mahaba haba kasi ang pinakopya doon.

Alam kong gusto ni Faye makipagkaibigan sakin kaya niya ginagawa iyon. Ewan ko ba sakanya kung bakit. Para sakin, seatmates kami at sapat na iyon. Hindi kasi ako palakaibigan. Gaya ng sa pag ibig, naniniwala akong hindi din minamadali ang pagkakaroon ng kaibigan. Kailangan kilala mo sila at komportable silang kasama.

Kinopya ko ang notes ni Faye sa Filipino at natapos ko iyon bago magsimula ang Gen Sci. Inaantok parin ako pero pinilit kong makinig sa guro dahil chemistry ang pinapahapyawan niyang leksyon.

Kalagitnaan ng klase sa Gen Sci ay pinasahan ako ni Faye ng isang papel.

Nasa labas si Rei.

Kunot noo ko siyang nilingon. Ngumuso lang si Faye papunta sa bintana kaya ibinaling ko ang tingin ko doon. Gaya ng sabi nya, nasa labas nga yung chubby na lalaki. Nagwala nanaman yung puso ko na siyang ikinairita ko. Ano ba ang problema ko kapag nakikita siya?

Nakita ni Rei na nakatingin ako sakanya kaya kumaway siya, dahilan kung bakit nagpawis ang kamay ko. Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon sa guro. Kaya lang nagkekwento nanaman siya ng talambuhay nya at tila nalimutan na ang leksyon kaya tinitigan ko sya ng matalim. Pesteng guro 'to, sinasayang ang oras namin! Dahil sa kabagutan inilibot ko nalang ang mata ko sa silid. Kalahati ng aking mga kaklase e tulog na. Ito ang problema sa section namin - masyadong matatalino ang mga tao kaya wala nang nakikinig sa guro. Kahit si Faye inaantok na din.

Forever and AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon