- 7 -

5 0 0
                                    

Nagmukha akong tanga. Nakakainis! Nakakaasar! Nakakakairita! Buong akala ko si Rei ang makakasama ko ngayong gabi pero bakit si Pierre ang naririto? Si Rei yung pasikretong naglalagay ng bulaklak pero si Pierre ang ka-date? Ay, mali. Hindi nga pala date 'to.

"Uhm," ani Pierre. Nakalahad nga pala ang kamay niya at hindi ko pa ito iniaabot. Galit at naguguluhan ako kay Rei pero hindi naman ako bastos at wala namang ginagawang masama si Pierre sakin. Kaya naman, ipinatong ko ang kamay ko sa palad nya.

Nginitian niya ako at dinala sa mesa. Doon ko lang napansin na maganda pala ito. Pink na pink ang mga bulaklak na nasa gitna at mabango ang usok mula sa mga kandila. Kung 'di ako nagkakamali, vanilla scented candles ang mga ito. Nahagip din ng mata ko ang champagne glasses. Iinom ba kami? Umiinom ako ng champagne kasama si Mama towing New Year pero hindi ko yata pwede gawin 'yon ngayon. Fine dining ba ito? Alam ko na iniisip ni Pierre na date ito. Halata sa nanginginig nyang kamay na kinakabahan siya. Ako rin naman, kahit papaano ay pinagpapawisan na rin.

Nakaformal long sleeve pa sya. Inaamin ko, ang gwapo nya talaga tingnan. Hindi nakakapagtaka kung bakit madami ang may crush sakanya. Siguro magugustuhan ko din siya kung hindi ako masyadong bata. Kung naniniwala sana ako sa mga ganyan, baka crush ko din siya. Kaya lang, hindi e. Masyado rin syang immature. At hindi nya naiintindihan na hindi ako nagpapaligaw.

Umupo siya sa tapat ko matapos nya ako lahadan ng upuan. 13 years old na nagpapaka-gentleman. Cute, pero hindi ba trying hard ang ganitong set-up? Parang nasobrahan ata si Pierre sa kakapanood ng mga romantic movies. Isinapuso nya ata yung mga surprises. Sa totoong buhay kasi, hindi naman kasing tamis ang mga pangyayari. Kadalasan, korny at kakutya-kutya lang ang kinalalabasan.

May lumapit na isang lalaking waiter na may dalang isang bouquet. Iniabot niya saakin iyon. Violet ang kulay ng mga rosas. Ni hindi ko alam na may mga ganito pala. Akalo ko puti, pink, pula, at yellow lang ang meroon.

Ngumiti si Pierre. "Beauty and love is best when it's distant." Aniya na nakakuha ng attention ko. Ngumiti ulit siya. "Sorry kung inilihim ko na ako ang nagbibigay ng mga rosas, Jill. Gusto ko lang maiba. Gusto kong tumatak ang mga ginagawa ko para sayo. Nagustuhan mo ba ang mga 'yon?"

"Ha?" Kumunot ang noo ko. Si Pierre ang nagbibigay ng mga rosas? Paano nangyari 'yon, 'di ba si Rei ang naglalagay sa upuan ko?

"Oo. Ako yung secret admirer mo. Pasensya ka na, sinubukan ko lang yung advice ni Kuya Rod sakin." Tumawa siya.

Hindi ko parin maintindihan. Nagsisinungaling ba si Pierre? Nakita ko mismo si Rei nang ipatong niya ang mga bulaklak.

Luminga-linga ako sa paligid. Patuloy parin ang pagtugtog ng piano sa background at madilim parin ang lahat. Yung mesa lang ang nasisinagan ng ilaw kaya wala akong makita. Hindi ko sya makita.

"Nasaan si Rei?" tanong ko kay Pierre ng hindi ako makapagpigil.

"Huh?" siya naman ang nakakunot ang noo ngayon.

"Si Rei," sagot ko.

"Rei?" nagtataka parin si Pierre. Naiinis na ako sakanya. Bakit hindi niya alam?

"Yes. Si Rei. Andrei Marcus Ignacio? Yung best friend mo? Nasaan siya?" paglilinaw ko. Parang hindi nya kasi kilala si Rei kung makapagtanong siya.

Mas nagsalubong ang mga kilay niya. Bakit ganun? Kahit anong ekspresyon, ang gwapo niya padin. Parang napaka-photogenic niya. Kahit yata gumulong siya sa putik, gwapo parin siya. "Nasa bahay nila?" naguguluhan niyang sagot. "Bakit mo siya hinahanap?"

Keep your cool, Jill. Be nice to Pierre, mabait siya sa'yo.

Forever and AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon