Nahihibang na ako. Iyon lamang ang naiiisip kong rason sa pagkawala ng lahat ng logic na meron ako. Ayokong pumasok ngayong araw at napagdesisyunan ko na ito kaninang 2:48 ng madaling araw. Hindi ako papasok kahit na may exam ako sa Gen Sci at rush na ang lessons dahil malapit na ang periodical exam.
"Jill?" Kumatok si Mama pero agad din namang binuksan yung pinto sa kwarto ko. "Bakit hindi ka pa bumababa? Naghain na ako."
Sinubukan kong magmukhang may sakit. Hindi ako nagsisinungaling kay Mama kasi naguguilty ako. Unang beses ko itong gagawin para sa mababaw na rason. Hindi ko rin alam kung tatalab 'tong plano ko pero...
Suminghot ako. "M-mama... hindi po maganda ang pakiramdam ko." Ginawa ko ring paos ang boses ko para kapanipaniwala.Umubo ubo pa ako para dagdag effect.
Ngumuso si Mama.
Please please please sana mauto ko siya. Lord, hindi ko na po 'to uulitin pagtagumpayin nyo lang ako ngayon. Please please please, Lord, tulungan nyo po ako makumbinsi sya sa pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung maganda bang humingi ng tulong Sainyo sa masamang gawain pero please tulungan ninyo ako.
"Hay nako, Anjella Liann. Wala kang sakit, katamaran lang iyan. Bumangon ka na. Weekend naman bukas saka ka na humilata buong araw."
Aray naman. ANG HIRAP MAGSINUNGALING TAPOS GANUN KADALI NIYA LANG NALAMAN? Sumimangot ako pero bumangon din kasi naghihintay si Mama. Wala rin namang katuturan kung magiinarte ako ganog bistado naman na ang plano. Saka lang siya umalis ng kwarto nang papasok na ako sa banyo.
Nakakainis! Ayoko talaga pumasok.
Halos hindi ko maitungtong ang mga paa ko sa loob ng school. Ewan ko ba, naestatwa na yata ako rito. Kahit anong lalim ng paghugot ko ng hininga nanginginig parin ang aking kamay at paa. Hindi ako makahakbang.
"Uy, Jill. Good morning!" Yinakap ako ni Faye. Sa normal na araw mapipikon ako sa pagyakap nya sakin. We're not friends. And seatmates don't hug each other. Hindi nya ako dapat basta basta niyayakap na para bang masaya syang makita ako kasi hindi naman ako masaya sakanya. Pero hindi ito normal na araw. And I'm so happy na nandito sya ngayon.
Hindi pa ako nakakasagot sa pagbati niya ay hinila nya na ako hanggang silid. Daldal sya ng daldal dahil wala raw pumapasok sa isip nya kagabi. Babagsak daw sya sa Gen Sci. Gumawa ako ng mental note na pagayahin siya mamaya sa exam, pagpapasalamat ko para sa paghila nya sakin papasok.
"Well, great. There's the bitch." Ani Samantha sa harap ko. Inirapan nya ako.
"Ang aga aga, Samantha. Ano ba ang problema mo?" Pagtatanggol saakin ni Jill.
Pero alam ko na ang problema ni Samantha. Dahil sa upuan ko, may isang dambuhalang pabilog na boquet ng mga rosas. Red, pink and yellow. Hindi ko inaakala na magandang kombinasyon pala ito. Pink at blue ang wrapper na nakapalibot dito. Sa gitna ng bilog ay mga lily, ang paboritong bulaklak ko. Magandang maganda ito at alam kong mahal ang lilies, lalo na kung imported. Halos sumabog na ang puso ko dahil sa tuwa. Kaso, hindi ko parin magawang maging tunay na masaya dahil alam ko kung kanino ito galing.
"Tss. Whatever." Sabi ni Samantha nang makitang nakatulala na ako sa mga bulaklak. Agad siya bumalik sa upuan nya kahit na may binubulong bulong pa na hindi maganda tungkol sakin.
Deep breaths, Jill. Be calm.
Saka lang napansin ni Faye ang mga bulaklak. "Ahh! Ang ganda! OMG, Jill, baka magpapakilala na ang nagbibigay nito. Ang engrande, ang ganda!" Hindi naman siya ang binigyan, a? bakit tuwang tuwa siya? "Kaya pala nagseselos ang isa jan." Parinig pa nya. Umirap lang si Samantha.
