- 1 -

22 0 0
                                    

Malimit akong tulog sa klase. Hindi dahil sa nagsusunog ako ng kilay pag gabi, na siyang lagi kong dahilan kina Mama tuwing napupuna nila ang pagpupuyat ko. Ang totoo niyan ay adik ako sa Wattpad. Madalas, inuumaga ako kakabasa dito.

Karamihan ng mga importanteng pangyayari sa buhay ko ay nagaganap tuwing tulog ako. Gaya ngayon. Nagising ako sa hiyawan ng aking mga kaklase sa gitna ng leksyon sa Aral Pan.

Inis akong tumingala para tignan ang nangyayari. Istorbo! Mga walang galang, kita nang may natutulog! Kumulubot ang noo ko ng nakitang nakatitig sakin ang buong klase na nakangiting aso.

Sabay ng pagdapo ng tingin ko sa bisitang may dalang mga rosas ay ang pagtaas ng kamay ko sa aking bibig. Hindi ako nagulat, tinignan ko lang kung may tumulo o panis na laway ba ako. Wala naman.

"Ang swerte mo talaga, Jill!" Bulong ng katabi ko na si Faye.

Nginitian ko siya at pinasalamatan bago tumayo papunta kay Dane. Nang-aasar ang mga kaklase ko at kinikilig na nakangiti.

"Salamat. Nag-abala ka pa," sabi ko nang matanggap ang mga rosas. Inamoy ko pa ito pero wala namang kakaiba. Hindi ko alam kung bakit inaamoy ang rosas; alam kong hindi sila mabango pero ginawa ko parin para kunwari e may pakialam ako.

Medyo namula si Dane. Nakatingala siya sakin dahil mas matangkad ako sakanya. Ganun daw talaga dahil nauunang tumangkad at magdevelop ang mga babae. "You're welcome, Jill." Aniya.

Babalik na sana ako sa upuan para makatulog ulit pero naramdaman kong may gusto pa siyang sabihin. Hinintay ko 'yun para hindi magmukhang bastos.

"Pwede ba tayong lumabas sa Sabado? Magpi-fiesta kasi saamin kaya naisip kong baka gusto mong dumalo. May mga magaganda akong booth na nakita kaya, uh, naisip kita. Kasing ganda mo kasi sila."

Nairita ako sa pagkumpara niya sakin sa mga booth. Sa tingin ko hindi nararapat na ihalintulad ang ganda ko sa mga tiange sa fiestahan. Pero ngumiti ako dahil nagtilian na ang mga kaklase ko sa kilig. Deep breaths, Jill, be nice.

"Naku, pasensya na," sagot ko "hindi kasi ako pwede sa Sabado. May earlier commitment ako."

Hindi naman ako nagsisinungaling. May check-up ako dahil sa pagiging anemic. Pero kahit wala akong gagawin, hindi parin naman ako sasama sa kanya.

Nalaglag ang mukha niya at nag-'aww' ang mga kaklase ko bilang simpatya.

"Next time nalang siguro," sabi ko para umalis na siya at makabalik na ako sa pagtulog. Nalalaglag na ang mata ko.

Gaya ng inaasahan, tumango si Dane at nagpasalamat sa guro ko. Sa labas natanaw ko siyang umiling sa mga barkada niyang naghihintay ng sagot. Nagtawanan ang mga ito at tinapik siya sa likod. Nakita ko siyana nakipag-high five kay Dane.

Sumimangot ako. Jack de los Reyes, akala ko ba gusto mo ako? Bakit nakikisimpatiya ka sa iba?

Recess nang lapitan ako ni Celine habang nakasimangot. Inaasahan ko ito dahil malamang sa malamang ay pakana niya ang nangyari kanina sa Aral Pan.

"Binasted mo ang best friend ko sa harap ng buong klase mo," matabang niyang sabi.

"Good morning," sarcastic kong sagot. "Matagal na siyang basted, 'di ba? Tinanggihan ko lang yung pagyayaya niya."

Umiling-iling siya. "Jill, Jill, Jill. Kelan ka ba papayag sa pagyayaya nya? Alam mo namang mahal na mahal ka nung best friend ko."

Napangiwi ako. First year high school. Ano ba ang alam namin sa pagmamahal? Naiiirita ako sa mga nagmamadali magkarelasyon, para bang mauuubusan ng mga single sa mundo. "Onse anyos palang ako. Bata pa ako para dyan. Tigilan mo na ang pagtulay saaming dalawa." Seryoso kong sabi habang nakatingin sa mata niya.

Ngumuso siya saka tumayo. "Hmp. Sungit." bulong niya. Alam kong tumakas lang siya sa klase niya dahil hindi kami magkaklase at hindi sabay ang recess namin.

Hindi ko nalang siya pinansin. Ano naman kung masungit ako? Ayaw ko sa kaibigan niya at hindi 'yun magbabago anytime soon. 11 years old palang ako at wala pa yan sa isip ko. First year high school na nga ako, pero dahil lang yun sa maagang pag preschool at accelerated ako ng ilang baitang. Kahit anong sabihin, bata pa'ko.

Inubos ko ang aking mainit na sopas bago bumalik sa silid. Nang nagsimula ang General Science ay ipinatong ko ang aking ulo sa mesa. Sinubukan ko ulit matulog pero pakiramdam ko ay may tumititig sakin. Pinakiramdaman ko ito, baka kasi guni-guni ko lang.

Nang hindi mawala ang pagtitig, idinilat ko ang aking mga mata.

Nagwala ang puso ko ng makita ang isang lalaking nakatitig saakin sa labas ng salamin. Nagtagpo ang mata namin kaya nag-iwas siya ng tingin kasabay ng pagpula ng mukha niya. Pinagpawisan ang kamay ko. Hindi uso saakin magblush. Ako kasi yung tipo ng babaeng nababasa ang kamay at kili-kili kapag kinikilig o kinakabahan.

Pumikit ako uli ngunit naramdaman uli ang pagtitig ng lalaki. Nag-iwas ulit siya ng tingin ng mahuli ko siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi ko iyon maintindihan. This time, umupo ako ng maayos para tignan siya ng maigi.

Naglilinis pala sila sa labas kaya siya nandoon sa bintana. Nakita ko si Celine na nagbubunot ng damo kaya alam kong section 2 ang lalaking tumititig sakin. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Matangkad at malinis. Medyo chubby. Matalim tumingin ang mga mata. Halos kumikinang ang kutis sa ilalim ng araw, pero hindi ko masuri kung maputi ba talaga siya o nadadaya lang 'yon ng ilaw.

"Faye," tawag ko sa katabi ko ng hindi inaalis ang mata sa lalaki.

"Mmm?"

"Kilala mo ba siya?" sabay nguso ko sa direksyong ng bintana.

"Alin dyan?" namangha ako sa haba ng leeg ni Faye habang tinatanaw nya ang labas ng bintana.

"Yung, ehem, yung maputi," medyo naiilang kong sagot. Nagulat ako sa reaksyon ko, hindi kasi ako mahiyaing tao pero parang tinatablan na ako ngayon.

Medyo naging dreamy ang mata ni Faye. Crush nya ba 'yun?

"Ahh, Oo. Yan si Rei. Ang gwapo niya, no? Hihi." Confirmed. Crush nya nga yung Rei.

Tumango ako. "Magkakilala kayo?"

"Oo," sagot ni Faye. "Nung grade 5. Alam mo ba ang bait bait niyan! Napaka-gentleman. Chivalry is NOT dead ata motto niyan e." humagikhik ulit siya.

Hindi na ako sumagot dahil inaantok nanaman ako. Kailangan ko na atang magbawas ng pagbabasa ng Wattpad, masyado akong nakukulangan ng tulog. Nilagay ko iyon na note sa utak ko. Sleep Early Tonight. Ginawa ko siyang mantra para di ko malimutan.

Nasa kalagitnaan ako ng conciouseness at sleep ng may kumalabit sa kanang braso ko. Dinedma ko 'yon dahil inaantok ako at nangangain ako ng tao tuwing naiistorbo. Hindi ko na naiiintindihan ang talak ng guro sa Gen Sci, pero malakas kong narinig ang bulong ni Faye.

"Nakatingin sayo si Rei."

Forever and AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon