Limas na limas na ang utak ko. Huling linggo na ng Agosto, at iisa lang ang ibig sabihin nito: hell week. Kakatapos lang ng 1st periodical exam namin, at wala na akong lakas para sumagot pa ng isang tanong. Sadistang mga guro namin iyon, magbigay ba naman ng 50 items matching type? Halos magkaduling-duling na ako kakahanap ng mga sagot. Mabuti nalang talaga at alam ko ang mga sagot, si Faye halos mangiyak ngiyak na sa Math nang makita na 100 items yung test. Hindi ko siya pinagaya.
Isang buong linggo na rin ako hindi nagtetext at nagwa-Wattpad. Kating-kati na ang mga kamay ko. Si Jack, kamusta na kaya? Hindi rin kasi kami nakakapag-usap sa school. Naging mailap ako sa mga tao dahil puro paghahanda para sa exam ang ginawa ko. Isa pa, ayoko ring makita sina Rei at Pierre.
Isang buwan na ang lumipas mula doon sa Crisostomo Hotel. Nakakainis kasi ang lungkot ng mukha ni Pierre hanggang matapos ang gabi. Sumayaw pa kami bago ako magpasundo kay Mama, pero hindi na ngumingiti si Pierre. Napagtanto ko na gusto niya talaga ako ligawan pero hindi niya magawa. Siguro nafu-frustrate siya. Nagi-guilty ako dahil malungkot sya pero ano naman ang magagawa ko 'di ba? Isa pa, naiinis din ako sakanya. Kung hindi niya sana inutusan si Rei maglagay ng mga bulaklak, edi hindi sana ako nag-expect! Nakakasar talaga pag naaalala ko 'yon! Kasalanan talaga nilang dalawa kaya nagka-maling akala ako.
At si Rei. Ugh, si Rei na hindi ko alam kung may girlfriend ba o wala. Wala naman akong nasasagap na balita, pero ano iyong nabasa ko sa CR? Alam ko na dapat ay itanong ko nalang sakanya kung gusto ko malaman ang totoo, pero kasi! Baka isipin nya pa na interesado ako sa buhay niya. Totoo, medyo interesado nga ako pero hindi niya na kailangang malaman 'yon. Mamaya mas dumagdag pa yung pang-iinis niya sakin.
"Jill." Tawag niya sakin.
Lumingon ako para makita ang isang nakangiting de los Reyes. "Tara na?" Tanong niya.
"Kunin ko lang ang bag ko," pumasok ako ng silid para kunin iyon at bahagyang tumingin sa salamin. Maayos naman ang buhok ko kaya hindi na ako magsusuklay.
"Tara na," ngumiti ako pagkalabas. Naghihintay si Jack sa gilid ng pintuan ng silid ko. Napagkasunduan kasi namin noong nakaraang linggo na sabay kami uuwi tuwing Biyernes. Magkaiba ang subdivision ng bahay namin pero nagkalapit lang naman kaya ayos lang na nagsasabay kami.
"Kamusta ka na? Namiss ko ang pagti-text natin," nahihiyang sabi ni Jack.
"Namiss din kita," sagot ko, pang-aasar sakanya. Pumula yung mukha niya kaya napatawa ako. Yumuko siya para hindi ko makita yung pamumula niya. Nagpunas ako ng kamay sa berde kong palda.
"Kamusta ang exam?" tanong niya ulit.
"Nakakapagod! Pero nasagot ko naman lahat. Ikaw?"
"Ayos lang. Madali ang Math at Science para sa'kin." Pinauna niya ako sa pagbaba sa hagdan para nasa likod siya.
"Nakakainis 'yung English di ba? Ang hahaba ng babasahin."
"Nakakaantok. Halos makatulog na nga---" Naputol yung sasabihin niya sa pagsigaw ni Faye.
"Jill! Jill!"
Lumingon kami ni Jack sa likod. Hinihingal si Faye pero nakangiti siya. "Saan ka pupunta? Hindi ka ba aatend sa party ni Pierre?"
"Ha?" inosenteng tanong ko. Anong party?
"August 29. Birthday niya ngayon, di ba?" Nagngiting-aso si Faye. Tinignan naman ako ni Jack.
"Uh..." ang tanging nasagot ko. Hindi ko alam na birthday pala ni Pierre ngayon. Hindi ko naman kasi alam ang birth date niya.
Nanlaki ang mata ni Faye. "Hala! Wag mo sabihing 'di mo alam?!"
