Lumundag ang puso ko. Pakiramdam ko ay tumakbo ako ng dalawampung kilometro sa bilis ng pagkabog nito. Talo ko pa ang hinabol ng kabayo.
"Congratulations, Jill!" Napangiwi ako sa nakakabinging sigaw nya. Aray ha!
Tinanggal ko ang pagkakayakap nya sakin. Nakakairita! Sino bang nagsabing pwede nya ako yakapin? Ugh! Baka marinig nya yung pagkalabog nung puso ko, isipin pa nito weirdo ako. Siya kaya ang weirdo! Kaya ako ninenerbyos lagi e, hindi mo alam ang mga susunod niyang gagawin.
Nakangiting aso parin siya sa harap ko. "Ang galing natin! Hindi man lang tayo nakalimot ng linya! At yung sayaw niyo, astig!"
Umirap ako sakanya, pero di ko maiwasang mapangiti. Panalo kami sa sayawit! Dalawang linggo rin namin itong pinaghandaan. Malamang sa malamang mataas ang makukuha naming marka sa Values Ed.
Dinumog na kami ng mga kagrupo at kaklase na nakangiti. Puro "Congratulations!" ang naririnig ko. Nakakairita kasi thank you ng thank you si Rei. Oo na, siya ang nag-lead sa grupo pero hindi naman siya ganun kagaling. Mapapel na, mayabang pa!
"Congrats, dude!" Nag high five sila ni Pierre.
"Thank you!" ani Rei.
Bumaling sakin si Pierre. "Galing mo, Jill! O, meryenda ka muna," doon ko lang nakita na may hawak siyang supot ng McDo.
Hindi na ako nag-inarte dahil gutom ako. Inabot ko iyon at ngumiti. "Salamat, Pierre! Nag-abala ka pa." Nasa gymnasium kasi kami ngayon, dito ginanap ang program at contest. Yung McDo nasa bayan pa, dalawang sakay mula rito.
"Wala 'yun basta para sa'yo." Medyo namula siya, ang cute!
"Uy!" tapik ni Rei kay Pierre. Nakita kong nakanguso siya. "Ba't ako wala?" reklamo niya.
"Ba't kita bibilhan? Nililigawan ba kita?" tumawa si Pierre at umiling. Ang cute talaga ng isang 'to!
Tinignan ako no Rei na syang kinainis ko. Tinitingin tingin nito? "Kita mo yan. Hindi mabait si Pierre, Jill. Nagmamagandang loob lang yan sa nililigawan. Samantalang ako na best friend..."
Binatukan siya si Pierre. "Sira ka talaga! Wag mo nga ako siraan kay Jill! Mamaya hindi ako sagutin e."
Tumigil ako sa pagnguya ng fries. "Hindi ako nagpapaligaw di ba? Wala akong sasagutin," pag sabat ko kasi pinaparinggan nanaman ako. Tss, parang hindi nakakaintindi.
"Basted! San ka ngayon?"
Tumawa si Rei at naasiwa ako dun kaya naglakad na ako palayo. Uupo muna siguro ako sa bleachers. Hindi pa kasi tapos ang awardings kaya hindi pa pwede lumabas ng gym.
Kinuha ko ang coke at nilagok iyon. Hindi ko alam na uhaw na pala ako. Sabagay, mahirap talaga sumayaw at kumanta ng walang tigil. Nasa kalagitnaan na ako ng pag-inom ng tabihan ako ni Celine.
"May iba nang nililigawan si Dane," mataray na sabi nya sakin. Anong problema ng isang 'to?
"Tapos?" sabi ko sabay kagat sa fries. Alam ko na iyon kaya hindi ako nagulat, wala rin naman akong pakialam.
"Sinasabi ko lang sa'yo. Pakipot ka pa kasi sakanya, nakahanap tuloy ng iba," mataray na sagot niya. Hindi ko nagustuhan yung to ng pananalita nya kaya hinarap ko siya.
"Alam mo Celine, wag ka sakin magalit kung may ibang gusto nanaman ang best friend mo. Una sa lahat, wala akong pakialam. Ikalawa, kung gusto mo siya edi sabihin mo. Hindi yung pumapayag kang maging tulay nya sa kung sino sino. Mukha kang shunga."
Nanlaki yung mata nya sa sinabi ko. "Hindi ko gusto si Dane!"
Inirapan ko siya. Yeah, right. Masyado namang halata dini-deny nya pa. Kulang ata sa turnilyo ang ulo ng babaeng 'to. Huminga ako ng malalim. Deep breaths, Jill, wag mo siya awayin.
