Pagsapit ng Lunes ay may rosas nanaman sa upuan ko. Pero tatlo na iyon, at hindi na pula gaya ng natatanggap ko noong isang linggo. Matingkad na dilaw ang mga kulay nito. Sa pagkakaalam ko, mahal ang ganitong klase ng rosas, hindi na tigbebente.
"Bitch," dinig kong bulong ni Samantha sa likod nang ipinatong ko yung rosas sa aking bag. Alam ko namang inggit lang siya kaya hindi ko na pinansin. Ang mga ganyang klase ng tao, hindi dapat pinapatulan.
Hindi ako inaantok ngayong araw dahil ini-airplane mode ko ang aking cellphone kahapon. Nakapagbasa ako ng Wattpad buong araw na hindi naiiistorbo kaya naman hindi na ako nagpuyat.
"'Roses are pretty but never quite as beautiful as you. Good morning, Jill,'" basa ni Faye doon sa note na nakasabit sa mga rosas. "Wooow," kinikilig niyang sabi "ang sweet naman."
Hindi ko nalang siya pinansin. Hindi naman kasi sweet yung nakasulat at wala parin itong connect sa rosas. Isa pa, wala itong pangalan kaya di na dapat pagtuunan ng pansin. Sa totoo lang, naduduwagan ako sa nagbibigay nito. Bakit kailangang ipatong lang sa aking upuan? Bakit hindi nya ako maharap?
Pagpasok ng guro namin sa Filipino, nagsitahimik ang lahat. Hindi pa sya nagsusuklay ng buhok at magkasalubong ang mga kilay. Isang tingin ko lang sakanya alam ko nang saamin nya nanaman ibubuntong ang galit at problema nya sa mundo.
"Okay! Kumuha ng isang buong papel! NOW!"
Makahulugan kaming nagtinginan ng mga kaklase. Alam na. Kaya ayun, buong period kami nag-essay exam. At para bang hindi pa sapat yung pinagawa nya, binigyan pa kami ng 10 items take home essay test. Halos magprotesta na yung kamay ko. Nakakainis! Kung may problema sya sa pamilya nya, sana hindi nya kami dinadamay! Ugh.
Dahil napagod ako, natulog ako sa Gen Sci. Ginising nalang ako dahil nagpa-summative test din si Ma'am. Buti nalang cold breeze at hot breeze lang 'yung lesson at may stock knowledge ako tungkol dun. Nagbulong bulong pa si Samantha sa likod ko nung nalaman na perfect ako sa test.
"Hmpf. For all I know nanggaya lang yan jan sa utu-uto na muchacha nya. Bobita kasi yan si Faye, nagpapagamit."
Umirap nalang ako. Kung hindi ba naman siya abnormal, pano nya iisipin na nanggaya lang ako gayong bagsak ang score ni Faye? Shunga.
Halos lahat ng klase nag-exam saamin. Kaya naman pagod na pagod ako mentally pag-uwi ko sa bahay. Buti nalang may chocolate cake sa mesa kaya may nalantakan ako. Agad rin ako naenergize matapos ubusin ang dalawang slice. Gaya dating gawi, tinapos ko muna yung mga assignment ko bago kunin ang cellphone at magbasa ng Wattpad. Nakakatuwa, ang bilis mag-update nitong author na sinusubaybayan ko kaya hindi ako nabibitin. Yung iba kasi kailangan muna sambahin bago magpaulan ng update. Famewhore daw ata tawag sa ganun.
Matapos ko basahin yung story, 11:30 na ng gabi. Ni hindi ko namalayan na gabing gabi na pala. Masyado akong naaliw sa pagbabasa, naadik na talaga yata ako. Nag-asikaso ako para makatulog na. Paghiga sa kama, saka ko tinanggal ang airplane mode para makita kung may nag text ba.
From: Gonzalo, Anna Faye
6:00PM
Jill, nasaan ka?
From: de los Reyes, Jack
6:24PM
Good evening, Jill.
From: Fuentebella, Pierre
6:56 PM
Hi :)
From: Gonzalo, Anna Faye
7:03PM
Jill? Naiwan mo yung notebook mo sa Fil.
From: Gonzalo, Anna Faye
