Kabanata 3

115 37 8
                                    

Sa nakalipas na araw ay inakala ko na hindi namin mapapagtagumpayan ang aming nakaraang project. But then, everything's turn out to be perfect, lahat ng problema na nagdaan ay nahanapan namin ng lunas.

Isa sa mga kilalang bussines owner ang isang pumili sa'min upang itayo ang isa sa kanyang cafe. From the very beginning ay naging mabusisi ang aming proyekto. Mula sa design, sa gamit nagagamitin, construction at sa paggawa ng furniture ay tinutukan namin nang maiigi.

Isa itong big break kung tatawagin para sa'min. Dahil kilalang personalidad ito sa pagdating sa business partikular pagdating sa mga kilalang cafe sa bansa. At kung makikita ng marami ang gawa namin ay mas lalo kaming makikila.

"Your work is perfect! I already expect na maganda ang kakalabasan nito pero pinahanga niyo pa rin ako." Papuri sa'kin at sa aming gawa ni Mrs. Young, ang owner at kilalang business woman.

She already check the whole place and she got fascinated sa mga design at lalo na pagdating sa furniture. Ang furniture ay sarili naming design pero ito ay aming pinasadya sa aming supplier.

The problem in the employees ay hindi agarang nasolusyonan ngunit dahil may sapat kaming empleyado ay nagawa pa rin namin tapusin itong trabaho. Kahit ako mismo naging tutok dito at ang ilang naghahandle sa design team at sa supplier ay naging focused din dito.

"We're really glad na nagustuhan niyo po ang aming gawa. Well, actually hindi namin to magagawa without the help of our construction team, sila talaga ang may gawa nito."

She just smile at me.

Kung tutuusin nga ay maganda nga talaga ang mga design na nagawa namin. Masarap din sa pakiramdaman na naabot namin ang gusto niya.

"Well, that's true but I really want to thank you, dahil nakita ko talaga na ikaw ang tumutok for the designs. Then, you always came here, I thought you'll just supervise your workers but you literally help them. Pati sa pag pintura."

Hindi ko alam na pati pala iyon ay kanyang napansin. But helping my workers ay isang normal na trabaho na lang sa'kin dahil madalas ko iyong gawin. Helping them is another advantage sa'min, bumibilis na ang gawa ay mas nagkakaunawaan pa kaming lahat.

Nagpasalamat lamang muli ako sa kanya sa pagtiwala sa'min na gumawa ng isa sa kanyang cafe. Sa susunod na linggo gaganapin ang opening ng kanyang panibagong store at ang aking team ay naimbitahan din sa pagsasalo salong magaganap.

"Sure ma'am, dadalo po kami." Pagtanggap sa kanyang alok.

It's our pleasure to join the opening cafher cafe. After all, ang dami rin naming nagpakapagod upang matapos ito agad within a month. Kahit na sabihin na isa lamang itong cafe ay mahirap pa rin itong gawin lalo na sobrang detelyado ng mga design na gusto niyabg makita. We don't complained with that dahil trabaho namin na gawin ng tama kung ano ba ang nais ng aming client.

"Oh, that's great. I'll expect you to come, huh. Ipapakilala rin kita sa iba ko pang business partners para kayo rin ang kunin nila."

Sa sinabi niyang iyon ay sobrang galak ang aking naramdaman. That's why I love it when we done our project lalo na pagnagustuhan talaga ng client, because they help us para makakuha pa ng ibang client.

Natapos ang aming trabaho para sa araw na ito. Dahil natapos na namin ang cafe na aming tinatrabaho ay ang ibang project naman ang aking bibisitahin. Ang iba ay nabisita ko na nuong nakaraang araw ngunit may isa pa akong dapat pang gawin at dahil wala si Gretha ay ako na rin ang gumagawa ng iba niyang trabaho o hindi naman kaya ay ang kanyang sekretarya.

"Ma'am, pupunta po ba kayo sa construction ng resort sa batangas?"

Tanong sa akin ng aking sekretarya.

Isinasalansan ko na lamang ang ilang folder na aking naayos, ang karamihan dito ay ang mga designs na kailangan namin ginawa para sa susunod na project.

"Oo, bakit gusto mo bang sumama?" Pabirong tanong ko sa kanya.

Alam kong ang pinaka inaayawan nila ay ang pagpunta sa malayo upang tignan ang mga nagawa ng aming mga trabahante.

"Hala.. ayoko nga" sinabayan niya pa ito ng pag-iling.

Samantalang ako naman ay natawa lamang sa kanyang sagot.

Kahit naman ako ay ayoko ng ganung bagay ngunit kailangan talaga kahit pa nakakapagod iyon.

"Pero ma'am papasok din ba kayo bukas? Gagabihin na kayo sa daan pagnagkataon."

Hapon na ngayon at kung babyahe ako ay siguradong gabi na ko makakaratibg sa aking pupuntahan lalo na kung maabutan ako ng traffic.

"Kailangan. Hindi ako pwedeng umabsent bukas, si Gretha wala kaya kailangan kong tutukan ang iba pang project."

Hindi naman siguro ako mapapagod ng sobra kung mag-uuwian ako. Maaaring, madaling araw na ko makauwi at ilang oras lamang ang aking magiging tulog pero ayos na iyon.

Dalawang linggo nang wala si Gretha, inaasahan ko na sa makalawa ay makakauwi na siya. Hindi naman gaanong mabigat ang gawain ngayo  ngunit sunod-sunod ang mga project na on going kaya kailngan ko ng katuwang kahit papaano.

"Nako, masyado mo nang pinapagod ang sarili mo. Payong kaibigan lang, huh. Wag puro trabaho ang unahin mo paminsan minsan masarap din magliwaliw."  Then, here she goes.

Casandra is not just my secretary, kaibigan ko rin siya pero mas bata siya sa'min ni Gretha.

Kahit naman gustuhin kong magliwaliw ay hindi ko magagawa mas uunahin ko ang mas mahalaga. Kung magliliwaliw lang ako maaaring maging malaki ang epekto nito sa trabaho ko. Sayang lang.

"Hayaan mo kapag nagkaroon ng party ang firm natin, dun ako magliliwaliw."

Ngumiwi lamang siya sa aking sinabi. Alam ko naman ang gusto niyang tukuyin ay yung magsaya ko na walang kaugnayan ang firm.

Nang matapos namin ayusin ang aming gamit at linis ang mga kalat sa opisina ay nagdesisyon na kaming umalis. Si Casandra ay uuwi na samantalang ako sa pupunta pa sa batangas.

Naglakad ako patungo sa aking sasakyan pagod man ako ay hindi ko maaaring ipagliban ang aking pagpunta sa batangas.

Habang nagmamaneho ng aking sasakyan ay nagpatugtog na lamang ako upang hindi ako kainin ng antok. Mga isa't kalahating oras ang aking ibabyehe ngunit kung maabutan ako ng traffic ay paniguradong higit dalawang oras pa ako makakarating sa aking destinasyon.

Hindi gaanong kalala ang traffic sa nadaanan ko at nakalipas ang ilan pang minuto ay naging maluwag na ang daloy ng trapiko. Mas maganda ito hindi ako aabutin ng gabi.

Samantalang habang binabagtas ko ang daan papunta sa batangas ay hindi ko maiwasang usisain ang kanina pang nasa likuran kong sasakyan. Simula ng pag-alis ko ay nakasunod na ito sa akin kahit nagbago ako ng lane ay ganun din ang kanyang ginawa. Sa una ay nakakabahala ngunit napagtanto kong walang masamang tao ang gagamit ng isang Jaguar na sasakyan.

New model, huh. Kung masamang tao ang nasa loob ng sasakyang sumusunod sa akin ay siguradong kanina pa siya gumalaw ngunit wala naman. Mas maganda pa ang kotseng meron amg taong iyon kumpara sa kotseng meron ako ngayon, kaya't sino ba naman ang mangangamba. Sandali, mukhang totoo namang masang tao ang laman ng sasakyang iyon. Zamora boy. Akala niya siguro hindi ko mapapansin ang pagsunod niya.

Kung gusto niya kong sundan, sige lang.

Inapakan ko ang gas upang bumilis ang takbo ng aking sasakyan. Dahil wala gaanong sasakyan sa daan ay malakas ang aking loob na magmaneho nang mabilis.

If he really wants to follow me, then pagbibigyan ko siya pero pahihirapan ko muna siyang masundan ako.

I'm not a typical woman na bibigay sa kanya. Not me.

Mistake To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon