Kabanata 9

46 4 4
                                    

Si August ay tumayo sa kanyang kinauupuan at naglahad ng kamay sa ina ni Sandro. Nagpakilala siya bilang aking abogado at sinabi na rin niya kung ano nga ba ang aming intensyon sa aming pagpunta dito.

"Mrs. Zamora ako si Atty. August at alam niyo naman po bakit kami nandito para pag-usapan natin yung tungkol sa lupa nila Adie."

Tinanggap ng ina ni Sandro ang kamay ni August. Kahit na sinabaypa niya na ang pag-uusapan ay tungkol sa lupa hindi pa rin mawala ang galak sa kanyang mga mata. Para bang walang halaga ang lupa sa kanyang nararamdaman ngayon dahil sa aming pagbisita.

"Sinabi sa akin iyan ni Sandro, ang akala ko ay si Adie lamang ang pupunta rito, hindi man lang ako nasabi ng batang ito na may kasama pala si Adie." Tinapik niya pa ang balikat ng kanyang anak.

"Abogado siya ni Adie at matagal na rin kaming magkakilang dalawa." Sagot ni Sandro sa kanyang ina.

Hindi ko alam kung kailangan nga ba namin mapapag-usapan ang tungkol sa lupa dahil gusto ko ng umuwi.

"Oh, bakit hindi mo man lang ito ipinaalam sa akin?"

"Abogado lang naman siya ni Adie." Narinig kong malamig na sagot niya.

Bigla na lamang natawa si August sa sinabi ni Sandro na akala mo ay may mali siyang narinig.

"Huwag kang ganyan, Sandro." Paninita ng kanyang ina dahil sa kanyang sinabi.

Kung tutuosin walang masama sa kanyang sinabi pero ang paraan niya ng pagkakasabi ay nakakawalang galang. Nangungutya.

"Sanay na po ako sa anak niyo, Ma'am. " sinamhan pa ng pagtawa ni August ang kanyang sinabi.

Sa kanilang kilos na dalawa ay masasabi kong ilang beses na rin silang nagkasama dahil alam na ni August ang kanyang ugali.

Binulungan ko si August na kung maaari ay simulan na namin talakayin ang tungkol sa lupa. Habang tumatagal ay mas lalong hindi nagiging maganda ang pakiramdam ko.

Tumango siya sa akin kaya naman ay binalingan niya ang mag-ina at nagsabi na kung maaari ay mapag-usapan na ang lupa.

"Nalaman namin na magpapatayo kayo ng resort dito din sa batangas pero ang ilang parte ng lupa ay mayroong ibanngnagmamay-ari, kundi sila Adie." Paunang sabi ni August sa kanila.

Mataman lamangnakikinig kami sa kanyang mga sinasabi. Nakita kong bahagyang tumango ang ina ni Sandro.

"Iyan na nga ba ang sinasabi ko sayo Sandro, ang iyong balak ay gagawa ng problema." Umiling ang kanyang ina bilang hindi pagsang-ayon sa kagustuhang mangyari ni Sandro.

"May hawak na titulo si Adie na nakapangalan sa mga magulang niya ang lupa at dahil wala naman na sila ay si Adie ang siyang may karapatan dito."

Mas naging seryoso na ang usapin. Tanging si August at ang ina lamang ni Sandro ang nagsasalita. Siya ay nasa isang tabi lamang at nakikinig.

"Nagkaroon kami nuon ng kasunduan ni Vicente tungkol sa lupa niya. " ang sabi ng ina ni Sandro.

"But Ma'am Cynthia kung wala kayong patunay na nagkaroon kayo ng kasunduan ng ama ni Adie ay hindi niyo maaaring galawin ang lupa."

Tumango lamang ang kanyang ina habang nagpatuloy sa pagpapaliwanag si August sa maaaring mangyari.

"Kung hindi natin 'to mapapag-usapan ay maaaring makasuhan ang pamilya ninyo." Seryosong sabi ni August.

Ngumisi bigla si Sandro sa kanyang sinabi at umayos ng upo at nag de kwatro sa aming harap.

"Ano namang ikakaso ninyo? Sinabi naman na namin na mayroong kasunduan noon pa man." Naghahamon niyang sabi sa amin.

Mistake To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon