Kabanata 11

17 4 1
                                    

Lumipas ang ilang buwan at unti-unti kong nakikilala si Sandro. Madalas kaming magkita kapag nagkakasabay kami sa library ang pinagtataka ko nga sa lalaking iyon ay hindi naman siya nagbabasa ay pumupunta pa rin siya dun.

Si Drixie naman ay laging bukang bibig si Sandro halos araw-araw niya ata nababanggit ang pangalan nito at alam kung ano ba ang mga bagong nangyayari kay Sandro.

Hindi ako nabibigyan ng pagkakataon na masabi sa kanya na nakakasama ko si Sandro at nakakausap. Dahil kapag sasabihin ko na ay laging hindi natutuloy, minsan ay biglang maiiba ang upasan namin o di kaya ay nagmamadali siya.

Ngayong hapon ay hindi muli ako nakasabay kay Drixie dahil sa dami ng dapat kong gawin. Mayroon kaming group project kaya naman kailangan kong mag-aral ngayong hapon at pag dating sa gabi ay itituloy ko ang parte na dapat kong gawin sa aming grupo.

"Adie..." Kinakalabit ako ni Sandro.

Simula ng magkakilala kami ay unti-unti siyang nagiging makulit, paminsan-minsan gusto niyang lagi ko siyang kinakausap at nagkukwento kung anong ginawa ko buong hapon.

"Wag ka nga munang makulit kapag nagtagal ako dito mas lalong hindi kita papansinin." pagbabanta ko sa kanya.

Tinigil niya ang pagkalabit sakin pero heto siya at nakayuko sa aking harap na para bang inaway ko siya.

"Sandro, pahanap naman nito." inabot ko sa kanya ang maliit na papel kung saan nakalista ang apat na librong hihiramin ko.

"Bakit ako? Diba ayaw mong nandito ako at kasama mo?" Nagtatampong sabi niya at bumalik muli sa pagkakayuko.

"Bilis namam na, oh. Tsaka wala akong sinabi na ayaw kita dito, sabi ko lang wag kang magulo para matapos agad ako at makausap kita."

Tinignan niya muna ako bago kinuha ang papel na aking hawak at mabilis na tumayo sa kanyang kinauupuan.

Binilisan ko ang aking pagbabasa at pagsusulat ng mga keywords para matapos agad ako. Alam ko naman na kapag hindi agad ako matapos ay hindi ko makakausap si Sandro at magtatampo ulit siya. Ang hirap pa naman niyang amuhin.

"Bakit ba ang dami laging kailangang libro? Ang bibigay pa niyan." Nakasimangot niyang sabi sa akin

"Ang laki ng katawan mo tas nabibigatan ka dyan. Paano pa kaya ako?"

Sa edad kasi naming ito matangkad at maganda ang pangangatawan niya kaya nakakapagtaka kung mabibigatan siya sa apat na libro. Tsaka nasabi niya rin sa akin na kaya gumanda ang katawan noya ay dahil pupumta siya ng gym at kahit dito ay mayroong gym sa kanilang bahay. Kaya hindi maiitatangging lamang siya sa mga kabataan ngayon.

"Hindi ako nabibigitan pero para sa katulad mo mabigat na yang apat na libro. Kung lagi mo kong kasama walang problema."

Hindi naman pwede yun.

"Kapag nakasama kita palagi siguro'y madaming magagalit sakin. Alam mo bang lagi kang usap-usapan ng mga kaklase ko, halos mabaliw na nga sayo yung iba pati kaibigan ko gusto ka."

Tinuon ko ang sarili ko sa pagbabasa. Hinayaan ko siya sa aking harap kung ano man ang sasabihin niya.

"Wala naman akong pinapansin sa kanila. Tsaka ang tanong gusto ko ba sila? Ikaw lang naman, ha."

Hindi ko agad naintindihan ang kanyang sinabi. Nagtaka ako sa gusto niyangiparating.

"Anong sabi mo?" Pagpapaulit ko sa kanya.

Tinignan niya lamang ako at tinaasan ng kilay.

"Ilang buwan na tayong magkakilala?" Imbes na sagutin niya ako ay nagtanong lamang siya.

Mistake To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon