Kabanata 5

70 19 11
                                    

Nasa sasakyan pa lamang kami ay tanawan na agad ang ilang lamesa sa labas ng cafe ni Mrs. Gonzales. May iilang business man akong natanaw na aking kilala at ang iba ay ngayon ko lamang nakita.

Nang nakapagpark na kami ni Gretha ay bigla nalamang kinabahan ako lalo na sa aking damit ngayon. Sabihin pa nating mga propesyonal na tao ang aming makakasalamuha ngunit nandun pa din ang pangamba na mabastos ako. Kahit na may iilan akong nakita na halos makita na ang kaluluwa kumpara sa aking damit ay di ko pa rin maiwasan na maconscious sa aking itsura ngayon.

"Let's go na. Mukhang ang dami talagang kilala ni Mrs. Gonzales pagdating sa business." Sabi ni Gretha habang naglalakad kami papalapit sa cafe.

Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit ay sinalubong na kami ni Mrs. Gonzales. Kita sa mukha niya ang pagkatuwa nang makita kaming dalawa ni Gretha.

"Come here, ladies. Both of you look fabulous today!"

Inilalayan niya kaming dalawa papasok sa kanyang store. Kapansin pansin ang mga magagandang ayos ng bawat lamesa at ang ilang ilaw na siyang nagpaganda pa lalo sa buong lugar.

May iilan kaming nakasalubong na nakakilala kaya naman ay munting pagngiti ang na lamang ang aming naisagot ni Gretha sa tuwing may makakakilala sa amin.

Dinala kami ni Mrs. Gonzales sa isang lamesa na puno ng business men mga nasa sampung tao ang mga nakaupo sa pabilog na lamesa. Isa isa niya kaming ipinakilala sa mga business men.

"Adie is the architect of my cafe. And her partner, Gretha the engineer."

Nakipag kamay kami sa bawat business man na nasa upuan. Ang bawat galaw ko ay naging kontrolado lalo na puro lalaki ang nasa mesang ito.

"Oh, that's a great partneship. Pareho pang magaganda." Puri sa aming dalawa ng isang di gaanong katandaang lalaki sa kanang bahagi namin.

Napahawak na lamang ako sa siko ni Gretha upang maging senyales na siya na lamang ang sumagot sa lalaki. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Simpleng papuri pero may malalamin na kahulugan.

"Thank you so much!" Ngumiti pa si Gretha sa lalaki.

Dahil sa naging sagot ni Gretha ay mas lalong natuwa ang mga kalalakihan. Gustuhin ko mang makaalis na sa aming kinalalagyan ay biglaan na lamang kaming iniwan at pinagkatiwala ni Mrs. Gonzales sa mga kalalakihan dito.

"Adie, right?" Tanong sa akin ng isang lalaki sa aking kaliwang bahagi na mukhang nasa mid-thirties.

"Ahm, yes. But you can call me Adira" magalang na sagot ko sa kanya.

Mas gusto kong tawagin akong Adira ng iba dahil ang tumatawag lamang sa akin na Adie ay yung mga taong malalapit lamang sa'kin.

"So, are you willing to accept a project? I want you to do one of my house in tagaytagy. If it's okay to you." Nag-ooffer na agad siya ng isang project.

I don't think na tatanggapin ko iyon. Lalo na sa mga tingin na ipinapakita niya sa akin.

"I'm sorry, pero masyadong marami pa po ang aming on going projects but I would think about it."

Kailangan ko pa ring maging magalang kahit malagkit siya kung tumingin sa'kin.

Habang ako'y naasiwaan na sa aking kinalalagyan ay si Gretha naman ay kayang kayang sakyan ang kanyang kausap. Sanay si Gretha sa mga lalaki kaya naman hindi ako nangangamba na mabastos siya dahil makakagawa agad siya ng paraan.

"Why not set our meeting? I guess it's okay with you kahit sa hotel ko na lang." Pagsuswestyon niya.

Meeting? Seriously, ganun ba talaga 'ko gusto nitong lalaking ito? Sinabi niya pa talaga na sa hotel niya.

Mistake To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon