Tumagal ng halos dalawang linggo ang aking paghihintay sa tawag ni August. Sinabi niyang siya na ang aasikaso upang makausap namin ang mga Zamora.
Kahapon lamang ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya. Sinabi niya sa akin na totoo nga ang balak ng mga Zamora at ang humahawak nito ngayon ay ang kanilang anak na lalaki na walang iba kundi si Sandro. Ipinaalam na rin niya na nakausap niya na ang sekretarya ni Sandro at pumayag itong makipag-usap sa amin.
"Ma'am, yung mga design po ay tapos na kailangan na lang ninyong aprobahan para maipresenta na namin sa kliyente natin."
Paliwanag sa akin ng isang interior designer namin. May isang hotel kaming proyekto ngayon. Ang bawat unit ang siyang gagawin namin at ang lobby nito. Kumbaga ay renovation na lamang dahil nakatayo na ang hotel.
"Ibigay mo na sa akin ang lahat ng design and within this day ay balikan mo." Paalala ko sa kanya.
"Okay po, ma'am."
Bumalik siya na dala ang mga print-out design. Ibinigay na rin niya ang flashdrive na naglalaman ng copy ng design upang kung may babaguhin man ako dito ay ako na mismo ang gagawa.
Ilang oras ang aking tinagal sa pageeksamina ng bawat detalye ng design na kanilang ginawa. Maganda ang bawat design at nang i-review kong muli ang request ng kliyente ay masasabi kong tama lamang ang gawa nila kaya naman wala na akong binago.
Dumating na ang araw na aming napagsunduan na makipag-usap sa mga Zamora. Ipinaliwanag naman sa akin ni August ang mga dapat namin alalahanin pagnng-usap na kami tungkol sa lupa. Dapat kong ipakita na ako ang totoong may-ari ng lupa at huwag magpadalos dalos sa gagawing desisyon.
Nagkita sa kami ni August sa opisina. Dahil pareho kaming may sasakyan na dala ay sinabi na lamang niya na sundan ko na lamang kung saang direksyon siya pupunta.
Laking pagtataka ko na papuntang batangas ang aming binabagtas. Habang patagal ng patagal ang aming binabyahe ay siyang pagsisimulang kumalabog ng aking puso.
Dahil hindi na ko mapakali ay tinawagan ko si August. Nakakadalawang ring pa lang ay kanya na itong sinagot at nilakasan ko ito upang hindi maging abala sa aking pagmamaneho.
"Bakit nasa batangas tayo makikipagkita sa kanya, August?"
"They requested it. Hindi ko sinabi sayo dahil baka umayaw ka at malayuan sa byahe." Paliwanag niya.
Nagtataka na ko kung bakit kailangang sa batangas pa kung si Sandro naman ay nasa Maynila.
"Sana pinakiusapan mo na sa Metro na lang. Bakit kailangan pa sa malayo."
"Again, request nila 'to. Sinubukan ko na naman pilitin na sa malapit na lang pero sila itong tatangging makipag-usap kung hindi sa batangas ang lokasyon."
Hindi na muli akong nakipagtalo sa kanya kaya naman binaba ko na rin ang aming tawag.
Hindi ko inaasahan na ang aming pupuntahang lugar ay isa sa pinaka huling lugar na ayokong mapalapit. Habang nasa biyahe pa lamang ay naramdaman ko na kung saan nga ba ako dadalhin ni August. Sa aming bayan.
Pilit iniwawaksi sa aking isipan na maaring sa bahay ng mga Zamora kami pumunta. Ngunit tuluyan akong nabigo ng matanaw ko na ang isa sa pinakamalaking bahay dito sa aming bayan. Kumpara sa ibang lugar sa batangas ay mas malayo at tago ito, hindi pa gaanong marami ang mga nakatayong istablisyamento.
Huminto ang aming mga sasakyan sa tapat ng malaking gate ng mga Zamora. Dahil para bang lumulutang ang aking isipan ngayon ay hindi kk alam kung ano ang dapat gawin.
Narinig ko na lamang ang pagkatok ni August sa binta ng aking kotse. Binaba ko ito at tinignan lamang siya.
"Bumaba ka na. Hinihintay na tayo."
Tumango lamang ako sa kanyang sinabi at kinuha ang aking bag. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang lumabas sa aking kotse.
Inilalayan kami ng isang katulong sa kanilang sala at pinaupo lamang kami sa tag-isang upuan. Walang pinagbago ang kanilang bahay ganun pa rin, ngunit kapansin pansin na ito ay alagang alaga. Ang mga gamit na nakalagay dito ay iyon pa rin ngunit ang pintura sa buong bahay ay binago kaya naman hindi mapapansin nino man na ito ay dati pang nakatayo.
Isang tikhim ang aming narinig sa aming likuran na siyang umagaw sa aming atensyon. Tumayo si August upang makipagkamay, gaya ng ginawa niya ay tumayo na rin ako. Nang nilingon ko ang kanyang kausap ngayon ay hindi ako nagulat pa na si Sandro ito. Hindi gaya ni August na nakipagkamay pa ay ako ay tumayo lamang sa kanilang gilid.
"So, nandito naman na ata ang lahat pwede na tayong magsimula?" Tanong ni August kay Sandro na ngayon ay nakatuon sa akin ang atensyon.
Isang kulay abong t-shirt ang kanyang suot at ang kanyang pambaba ay isang sweat short lamang. Para bang wala siyang inaasahang bisita sa kanilang bahay ngayon.
Nang magsalubong ang aming mga mata ay tinaasan niya ako ng kilay at tsaka ngumisi.
"Let's just wait for my mom. Pababa na." Ani ni Sandro
Kasalukuyan kaming magkaharap sa upuan habang nag-uusap sila ni August. Hindi ko alam kung tama ba ang aking hinala na magkakilala na sila ni August bago pa man kami makarating dito at hindi naman iyon malabo dahil pareho silang kilala sa kanilang propesyon.
Narinig kong may pababa sa kanilang hagdan kaya naman na alarma ako. Ako lamang ang tumingin sa bahagi ng kanilang hagdan salamantalang ang dalawa ay patuloy lamang sa kanilang pag-uusap.
Isang simpleng bistida ang suot ng ina ni Sandro. Gaya ng dati napakasimple lamang niya at walang kupas ang kanyang ganda kahit na siya ay may katandaan na.
Nang magawi ang kanyang tingin sa amin ay isang masayang ngiti ang kanyang ibinigay. Kita sa kanyang mga mata ang pagkagalak lalo na ng tignan niya ako. Samantalang, ako ay hindi makagalaw sa aking kinauupuan at hindi malaman kung ano nga ba ang aking nararamdaman. Ang pamilya nila ang naging dahilan kung bakit wala akong pamilya ngayon, ang realisasyong pumasok sa aking isipan.
"Adira, iha ang tagal mong hindi nagparamdam sa amin." Malumanay na kanyang sa sabi sa akin.
Tumangi lamang ako at tumayo sa aking kinauupuan. Ang akala ko ay hindi magiging maayos ang pagsalubong sa amin sa kanilang tahanan ngunit nagkamali ako.
Ngunit sa pagkakataong ito mas lalo akong hindi nakagalaw dahil sa kanyang biglaang pagyakap sa akin. Yapak na tila isa niya akong anak.
"Ngayon na lamang ulit kayo nagkasama ni Sandro." Ang kanyang bulong habang ako ay yakap yakap.
Walang lumabas na kahit anong salita sa aking bibig bagkus ay yumuko at muling upo na lamang ako. Bakit ganito niya ako ituring?
"Ma, may pag-uusapan tayo, hindi ba? Sinabi ko na sayo 'to ng pagkauwi ko." Wika ni Sandro sa kanyang ina.
Siguro'y naramdaman niya na hindi ako komportable sa lahat ng nangyayari ngayon. Sa sitwasyon namin.
"Tungkol sa lupain, hindi ba?" Tanong ng kanyang ina.
Hindi ako sumagot at na natiling pinagmamasdan lamang silang dalawa. Ang lupain lamang ang pinunta ko rito at hindi ako uuwi ng walang kasiguraduhan na akin pa rin iyon.
BINABASA MO ANG
Mistake To Love You
Romance[Highest Ranking So Far #786 in Romance] Natuto si Adira Quinn Vertine na tumayo sa kanyang sariling paa simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Ang parte ng buhay na gusto niyang makalimutan ngunit patuloy pa rin siyang hindi iniiwan nito. Aft...