Kabanata 7

51 9 27
                                    

Nabalitaan ko ang plano ng mga Zamora sa lupain. Ito'y nagibg usap-usapan ngayo  dahil nagpaplano raw ang pamilya nila na magtayo ng isang resort. Dahil kilala sila ay kumalat agad ang usaping ito.

"Ano bang pwede kong gawin? Base sa narinig ko halos buong lupain yung gagamitin nila."

Kausap ko ngayon ang aking abogado. Nang mamatay ang aking mga magulang ay saakin naiwan ang titulo ng aming lupa. Kaya naman nagsikap ako na umangat upang magkaroon ng pagkakataon na mabawi ang buong lupain sa mga Zamora.

Nasa isang restaurant kami ngayon upang pag-usapan kung kailangan pa ba namin gumawa ng kaso sa kanila. Kung tutuosin ay dapat may kaso talaga dahil inaangkin nila ang hindi sa kanila. Ngunit maipinapayo sa akin ng aking abogado na makipag-usap na lamang sa kanila.

I don't even get his point. Gusto niyang makipag-usap ako para hindi angkinin ang lupa ko samantalang ako naman ang nagmamay-ari nun. Kung sino man ang dapat makiusap ay sila iyon at hindi ako.

"Gaya ng sabi ko sayo mas maganda na magkaroon muna tayo ng maayos na usapan sa kanila."

Kinuyom ko ang aking kamay upang matago ang nararamdaman kong inis.

"Bakit kailangan kong makiusap, kung sa simula palang ay akin na yung lupa na iyon. Pangalan ng mga magulang ko ang nakalagay sa titulo." Pangangatwiran ko sa kanyang suwestiyon.

Kung hindi niya ako matutulungan sa problemang ito ay sa abogado na nila Gretha ako hihingi ng tulong. Inaakala ko pa naman na totoo ang mga sabi sa kanya na isa siyang magaling na abogado pero ang kanyang ideya ay hindi ko nagugustuhan.

"Sayo nga ang lupa pero alam natin na merong parte na kanilang binayaran sa iyong ama."

"Wala pa sa kalahati ng lupa ang binayaran nila. Wala rin akong alam kung mayroon bang patunay na nagkasundo sila ng ama ko."

Totoong wala akong alam kung mayroon bang legal na kasunduan ang aking ama sa mga Zamora. Kung wala silang magiging patunay ay malaki ang tyansa ko na angkinin na lamang ang buong lupain.

"Gusto ko lang na ipaalala sayo na masyadong malakas ang gusto mong banggain. Sabihin na nating wala silang patunay o kung magkaroon man ng kaso at mapanalo natin iyon, hindi natin masasabi ang mangyayari sa susunod."

Alam ko ang gusto niyang sabihin sa akin na kahit na malakas ang magiging laban namin ay mabigat ang kakalabanin namin kung sakali. Ngunit ganun naman talaga, kailangan kong sumugal at lumaban. Ayokong makipag-usap sa kanila, ayokong makita kahit sino sa kanila dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa kaya.

"Kung makikipag-usap ba ko mas malaki tyansa na matilig yung pagpapagawa ng resort nila?" Umaasa ko na ito nga ang mas magandang opsiyon.

"Maybe. But possibility na madadaan ito sa usapan lang ay malaking advantage. Hindi na natin kailangan maghintay ng matagal o gumastos ng malaking halaga."

Huninga ako nang malalim upang kalmahin ang aking sarili. Napahawak na lamang ako sa aking ulo na para bang bigong bigo ako. Pinag-iisipan kong mabuti kung tama ba ang magiging desisyon ko. Sana.

"Kung yun ang mas madaling paraan, sige. Basta kailangan nandun ka rin." Paninigurado ko sa kanya.

Napatawa siya nang mahina sa aking sinabi at umiling. This guy, kahit propesyonal siya ay hindi halata sa kanyang kilos.

"What? Anong masama sa sinabi ko?" Pagtatanong ko sa kanya dahil 'di siya matigil sa pagtawa.

"Para kang bata na maliligaw, eh. Malamang sasamahan kita baka bigyan ka ng malaking halaga bumigay ka kaagad."

Kita mo nga naman itong lalaking ito, ang lakas lang mang-inis.

"Magiging kasing yaman din nila ako. Soon."

Sinabi ko sa kanya. Wala naman masamang maghangad na masabayan sila lalo na nagsisikap ako nang husto.

"I know, kaya nga proud ako sayo. Dati lang isa kang iyaking kolehiyala." Sabay ngisi niya.

Tinignan ko siya nang masama sa kanyang muling pang-aasar.

Dati pa man ay magkakilala na kami ngunit hindi kami gaanong magkalapit. Madalas ko siyang nakakasalubong nuon sa university. Mas lalo ko pa siyang napansin dahil kay Gretha na hinahangaan siya.

Natapos ang aming usapan ay saka pa lang namin napagpatuloy ang pagkain. Nahiya pa ako sa kanya ng siya ang magbayad ng aming kinain samantalang ako itong nagpatawag sa kanya upang makapag-usap kami. Dahil daw isa siyang lalaki ay hindi siya pumapayag na ang babae ang magbayad ng kinain niya. Kaya hindj na rin ako nakaangal pa sa kanyang gusto.

"Adie, ako na bahalang kumausap sa kanila para mapadali tayo. Don't worry, okay?" Paninigurado niya sa akin.

Sa totoo lamang ay nagdadalawang isip pa ko sa ideyang ito. Ngunit alam kong maasahan ko si August pagdating sa ganitong bagay, lalo pa at kilala siyang abogado kahit matanda lamang siya sakin ng limang taon.

Tumango ako sa kanyang sinabi at nagpasalamat.

"Salamat" nginitian ko siya bago bumeso at makapasok sa aking sasakyan.

Pagkapasok ko sa aking opisina ay ang naabutan ko ay si Gretha na prenteng nakaupo at mukhang naiinip na. Wala na naman siguro siyang trabaho at nandito siya.

"Finally!" Madamdaming sigaw niya na sinabayan pa ng pagtaas ng kanyang dalawang kamay na akala mo may sinasamba.

"Anong meron?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

Inilagay ko ang aking bag sa gilid ng mesa at umupo na rin sa aking upuan.

"Kanina pa kita hiihintay para makibalita sa meeting mo kay Attorney."

Habang tinatanggal ko ang aking heels na suot ay siya naman itong pagrereklamo niya dahil sa tagal ng kanyang paghihintay dito sa loob ng aking opisina.

"Ano ba gusto mong malaman yung pinag-usapan namin o yung kausap ko kanina?"

Ayaw pa kasing sabihin nang diretsyon na makikibalita lang siya tungkol kay Attorney August at hindi sa pinag-usapan natin.

"Syempre, yung interesting." Sabi niya agad sa akin.

"So, yung pinag-usapan nga namin tungkol sa lupa?" Paninigurado ko sa kanyang tinutukoy.

Napangisi ako sa kanyang naging reaksyon. Tinignan niya ko na para bang sinasabi na unawain ko ang tinutukoy niya.

"Walang pagbabago. Matalino pa rin kung mag-isip."

Tinignan ko siya at kita sa ekspresyon niya ang pagkabigo. Bumuntong hininga siya at lumingon sa akin.

"Adie, ang gusto kong malaman ay kung may pagbabago ba sa mukha niya, sa katawan niya o di kaya baka may kasama siyang babae, baka nangbabae na yung lalaking iyon."

"Paregong wala ang sagot ko." Maikli kong sagot sa napakahaba niyang pagpapaliwanag sa akin.

Akala ko ay ayos na sa kanya ang aking sagot ay hindi pa rin pala. Nagtanong pa muli siya sa akin tungkol sa lalaking iyon ngunit sa bawat sagot na ibinibigay ko sa kanya ay lagi siyang mukha g bigo.

"Adie, hindi ka naman ata marunong tumingin ng lalaki." Sabi niya pa sa akin.

Babae ako malamang kaya ko namang suriin ang lalaki. Hindi nga lang ako tulad ng iba na halos lahat ng parte ng katawan ng lalaki ay titignan at magbibilang ng mga bagay na pasok sa kanilang panlasa.

"Kung hindi ako maruong, eh anong tawag mo kay- "

Napahinto ako sa akning sasabihin dahil para bang mali ang aking masasabi ngunit si gretha naman ang siyang nagtuloy nito.

"Kay Sandro..." mapang-asar niyang sabi na may kasamang pagngisi at pagturo sa akin.

Napangiti na lamang ako sa kanyang ginawa. Sa reaksyon niya lamang ako natuwa at hindi sa kanyang sinabi.

Ngunit may isang bagay akong napatunayan ngayon. Siya pa rin pala. Siya pa rin ang magpapangiti sa akin kahit na sa sitwasyong ito.

Mistake To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon