Kabanata 1

165 58 16
                                    


"What happened?"

Pambungad na tanong sa akin ni Gretha.

As always, she needs to interrogate me. She always do this, checking if I did something wrong.

Siguro'y nakasanayan niya ng may nagagawa akong mali sa tuwing biglaan na lamang akong mawawala ng walang paalam.

"Wala." Matipid na sagot ko.

Wala akong masabi sa kanya dahil di ko alam kung tama bang banggitin ko ang nangyari.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa condo ay yun agad ang tinanong niya. I know she's concern but I think it's not important to tell her what happened.

Tinignan niya akong muli, ngayon ay mula ulo hanggang paa niya akong binusisi.

Such an investigator.

"Wala talagang nangyari." Pag-uulit ko sa kanya.

Mukhang hindi niya pinaniniwalaan ang sagot ko. Ang hirap magsinungaling pagdating sa kanya.

Umismid lang siya sa akin at umupo sa upuang nakaharap sa akin. She's looking me intently. Akala ko tapos na siya sa pag-usisa sa akin.

"Okay, fine. Mukhang hindi ka naman magsasalita"

Bumuntong hininga na lamang siya.

"So?.."

I feel like may gusto pa siyang itanong sa akin.
Halata sa kanyang paninitig na may idadagdag pa soyang katanungan sa akin.

"Why you walkout earlier in the meeting?"

Hindi ko na naman alam ang tamang sagot. Ano nga bang dahilan ko? Wala.

Biglaan na lamang gusto kong mapag-isa. Gusto kong umalis, bumalik sa dati. Sa ilang taon kong tinatakasan pero heto hinihila lamang ulit ako. Pabalik-balik.

"I don't know, greth"

Look at her. Alam kong mauunawan niya ko.

Kahapon ay ang araw kung kailan nawala sa akin ang lahat. Ang kaibahan lamang ay magkaiba ang taon nito ngunit ganun pa rin ang epekto nito sa'kin. Hanggang ngayon ay naapektuhan pa rin ako.

Natatakot na naman ako. Bumalik ulit lahat ng pangyayari ng madilim na parte ng buhay ko. Ang parte ng buhay na gusto kong balikan ngunit natatakot na ko. Iyong mga araw na gusto kong balikan pero mismong ako ang siyang naduduwag sa isipang muli na naman mangyayari iyon, na kahit na balikan ko iyon ay walang magbabago.

Ngayon ko lang lubos na naunawaan na na nakukulong pa rin pala ako sa nakaraan. Kahit na malaya ako ngayon ay hindi pa rin ako tuluyang nakakatakas.

"Greth. They are back." Mahinang sabi ko sa kanya.

Tumingala ako at pinagmasdan ang kisame. I'm tired. Hindi ko alam kung bakit sa parehong araw ko pa nalaman na nakabalik na ang pamilya niya dito. Bakt bumalik sila?

Ang mga luhang kinatatakutan kong maranasan muli ay bumalik nang kusa. Umiyak ako habang nakatakip ang aking mga palad sa aking mukha. Gustuhin ko mang humupa agad ang mga luha ko ay hindi ko 'to kontrolado. Ang puso ko ang nasusunod, ang damdamin ko.

Naramdaman kong lumubog ang kanang parte ng akin inuupuan, senyales na tumabi sa akin si Gretha. Ang kamay niya ay hinahagod ang akin likod na para bang sinasabi sa aking ayos lang ang lahat.

Walang salita ang lumalabas sa aming dalawa. Hikbi at munting paghinga ko lamang ang maririnig. Ang iyak na dahil sa galit at takot.

Hindi ko alam kung anong mananalo, ang takot ko ba o ang galit ko sa kanila. Pinapanalangin ko na lamang na sana ay makabawi ako. Na hindi na muli mangyari kung ano mang ang nangyari sa nakaraan.

Dahil bawat detalye nuong araw na yun ay nakatatak sa aking isip. Mula sa malawak na lupain namin nuon, ang mga taong nakasama ko at ang lugar na dati ay kay ganda na nawala na lamang bigla.

Tunog ng aking alam clock ang gumising sa akin. Hirap akong idilat ang aking mga mata dahil sa aking pag-iyak kagabi.

Nakakapagod ang pag-iyak.

Bago pa man ako lumabas sa aking kwarto ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Isang simpleng light brown skirt ang aking isinuot na tinernuhan ng itim na longsleeve turtle neck. Kadalang nakalugay ang buhok ko ngunit sa araw na ito napagdesisyunan ko na itali ito ng buo. Wala akong inilagay sa akin mukha pwera lamang sa red lipstick at concealer, para matago ang itim sa ilalim ng aking mga mata at hindi mahalata ang aking pagkaputla.

Pagkababa ko ay dumeretsyo agad ako sa kusina. Nakita kong may dalawang mug na nakahanda sa lamesa.

Hindi na naman umuwi si Gretha sa bahay niya.

Isa sa katangian na gusto ko kay Gretha ay alam niya kung kailan ko siya kailangan. Kahit walang salita basta maramdaman kong may kasama ako, yun lamang ang kailangan ko.

Umupo ako sa gitnang upuan at sinimulang inumin ang gatas na itinimpla sa akin ni Gretha. I don't drink coffee or tea, gatas lang talaga. And gretha knows that.

Dahil pareho kaming hindi kumakain sa umaga ay gatas at kape lang ang aming inaalmusal. Masyadong mabigat para sa akin kapag kumakain ako sa umaga.

"Good morning!" Malakas na pagbati sakin ni gretha.

Base sa nakikita ko mukhang tapos na siya sa pag-aayos at mukhang kanina pa din niya nainom ang kanyang kape.

"Morning you too.."

Ngumisi lamang siya sa akin at nilagay ang dalawang mug sa lababo.

"Cold, huh" Natawa pa siya sa kanyang sinabi.

Tuwing umaga kasi ay tila isa akong robot. Hindi ko alam basta lagi akong walang ganang magsalita pag-umaga. Normal na ito sa akin.

Magkaiba kami siya magulo at ako naman itong seryoso.

"You know me."

Lumingon siya sa akin at mukhang may gustong sabihin. Hinintay ko siyang magsalita.

"I just want to inform you na may tumawag kanina."

Nagtaka 'ko kung bakit niya ako hindi ginising. Dahil sa tuwing may tumatawag para sa business ay agad niyang pinapasa sa'kin.

"Bakit di mo ko ginising? About business ba?"

Tumayo ako at binuksan ang ref upang maghanap ng pagkain na maaari kong dalhin sa opisina.

Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong nagtaka.

"Greth?" Tawag ko sa kanya.

Bumaling naman siya sa akin ngunit mukhang nagdadalawang isip siyang sabihin sakin kung anong napag-usapan nila ng kanyang kausap sa telepono.

"Ahmm.. Adie I think you need to call him."

Kumunot ang aking noo. Who? Sino bang sinasabi niya.

Our business partners? Or someone who's very important at para tawagan ko pa ulit?

Bumuntong hininga ako dahil wala akong ideya sa kanyang tinutukoy.

"Who?"

She didn't look at me but she answer my question.

"Him."

I don't get her. Ayaw niya pang deretsyohin kung sino ba ang kanyang tinutukoy.

"The guy on your past"

Tatanungin ko sana muli siya ngunit naunahan niya ako.

Hearing what she said ay nakuha ko agad kung sino ang kanyang tinutukoy. Umagang umaga ay tatawag siya sa'kin? Isa pang tanong ko sa aking sarili ay pano niya nakuha ang number ko?

Nasagot na din ang tanong ko at hindi ko alam kung anong kailangan niya sa akin.

I will not call him. He's not even a VIP. Bakit ko siya paglalaanan ng oras ko?

Mistake To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon