I already receive the invitation of Mrs. Gonzales. Talagang inaasahan niyang may dumalo sa'min para sa kanyang pagbubukas ng panibagong cafe. Nakatanggap pa ako ng mensahe sa kanya na ipinapaalala sakin na kailangang pumunta ako sa pagdiriwang na iyon.
I don't have problem in attending that event pero hindi ko alam kung anong dadamitin ko lalo pa at wala akong idea kung anong magandang suotin para sa ganung klaseng event. Ang event ay gaganapin ngayong linggo na ito at wala pa rin akong idea kung bibili ba ako ng damit o hindi na. Nakakahiya naman kasing pumunta na wala manlang kaayos ayos lalo na mga kilalang business men at women ang mga dadalo.
"Gretha, pahiramin mo naman ako ng damit, oh"
Pagkausap ko kay gretha. Nakauwi na siya nuong nakaraang linggo pa. Kaming dalawa ang siyang dadalo sa event na aking tinutukoy.
Tinignan niya lamang ako na parang di makapabiwala sa aking pakiusap.
"Seryoso ka? Parang wala kang pera, huh." Ngumisi pa siya sa akin.
Natawa na rin ako sa kanyang sagot. Ngunit alam naman niyang wala sa hilig ko ang bumili ng mga bagong damit para lamang sa isang event.
Dati nga ay nanghihiram lamang ako sa aking pinsan nuong kabataan ko. Kadalasan kasi na nagkakaroon ng simpleng pagsasalo sa'ming pamilya at nangangailangan ako ng magandang damit. Kahit sabihin ni Mama na bibilhan niya ako ng damit ay mas gugustuhin kong manghiram na lamang. Isang gabi lang naman ito masusuot.
Noung magkolehiyo at nagkakilala kami ni Gretha ay siya ang nagpapahiram sa'kin. Siya itong abala sa tuwing dadalo kami sa isang event, siya itong taga ayos sa akin. Hindi ko nga alam kung bakit ayaw akong pahiram ng masusuot ngayon.
"Bilis na pahiramin mo na 'ko." Panguso ako ng di sinasadya.
Akala ko naman ay mapapayag ko na siya dahil sa tono ng aking boses.
"Alam mo gusto kitang pahiramin pero kailangan mong magkaroon ng sariling gamit. Tulad ngayon kailangan mo ng damit, wala kang masuot kasi hindi ka bumibili. Hindi mo ba alam na investment din kung ituring yan ng ibang babae tas ikaw wala lang."
Totoo namang may iilang babaesng ginagawang collection ang mga magagarang damit pero para sa'kin talaga ay wala akong hilig sa mga ganung bagay. Kung investment naman ay mas magandang maginvest na lamang ako sa isang business nang sa gayon ay lalago pa aking pera.
"Eh, isang gabi ko lang naman iyon masusuot."
Bumuntong hininga ako upang makita niya na namomoblema na ako.
"Exactly! Isang gabi ka na nga lang magsusuot ng maganda hindi mo pa gagawin."
Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nilapitan ako. Hindi ko alam kung anong gagawin niya pero nang makalapit siya ay sinuri niya ang buong katawan ko.
"Oh, sige na nga. Ako na ang bibili ng damit para sayo para naman maexpose yang katawan mo."
Bigla na lamang niyang sabi. Tignan mo nga naman itong taong ito hindi nanghihinayang sa perang gagastusin.
"Wag na pahiramin mo na lang ako." Pamimilit ko sa kanya.
"Ako na ang bahala. Kung pahiramin kita ng damit ko ay baka wala kang magustuhan, noh."
Napatawa ko sa kanyang sinabi. Dahil kung ipagkukumpara kaming dalawa ay maikli siya kung manamit. Gusto niya ay yung mga damit na nakikita ang hubog ng kanyang katawan. Samantalang ako ay mas gusto ko ang mga damit na simple at hindi gaanong nakikita ang aking balat. Ngunit nasa uso naman.
Nagising ako sa tunog ng aking cell phone. Dahil weekend ngayon ay wala akong trabaho, ngayong araw din ang event ni Mrs. Gonzales.
"Hello"
BINABASA MO ANG
Mistake To Love You
Dragoste[Highest Ranking So Far #786 in Romance] Natuto si Adira Quinn Vertine na tumayo sa kanyang sariling paa simula ng mamatay ang kanyang mga magulang. Ang parte ng buhay na gusto niyang makalimutan ngunit patuloy pa rin siyang hindi iniiwan nito. Aft...