Fastforward.
Mag iisang taon na kami ni Aye at balak ko siyang surpresahin.
At balak ko na rin siyang ipakilala kila tita bilang aking nobya.Hindi na ako makapag hintay na dumating ang araw na masasabi ko sa lahat ng taong akin siya.
Tanging si kris lang ang nakakaalam ng totoong relasyon namin ni aye.
Nagpatulong ako sa kanya na bumuo ng plano para sa darating na first anneversary namin.Isang linggong preparasyon ang ginawa namin ni kris para lamang mabuo ang plano at maging succesfull ito.
Hindi naman kami na bigo dahil naayon sa plano ang naging desenyo ng lugar kung saan namin gaganapin isang taong pagmamahalan namin.Sulit lahat ng pagod at hirap ko para sa isang surpresang gagawin ko.
Halos wala ng natirang pera sa mga ipinapadala ni mama dahil naubos ko na para dito.Pero hindi ako magsisisi makita ko lang siyang masaya sa araw na yun ay maligayang maligaya na ako.