SEBASTIAN CRUZ 1

224 16 3
                                    

PROLOGUE:

Nakatulala at halos mapaiyak yan ang aking reaksyon ng malaman kong hindi pabor ang mga magulang ni DJ sakin. Wala nga namang mapapala sa akin ang mga magulang ni DJ sapagkat isa lamang akong teacher. Alam ko kasi na sa ganyang kalakaran mayaman lang ang sa mayaman at mahirap lang ang dapat sa mahirap. Halos pagtakluban na ako ng langit at lupa sa balitang aking nalaman.

" Tama na yan Allison " sambit ni DJ sa akin sa isang Fast Food Chain. " Sige ka baka pumangit ka nyan? Wag mo nalang dibdibin yun baka wala lang sa mood yun." Pagpapatawa nya sa akin. " Marami pang pagkakataon , matatanggap din ni Mommy yung relasyon natin, Sabi mo "Never Lose Hope" Eh ikaw ata nawalan ng hope eh." Patawa na namang sabi. Oo yan lagi ang sinasambit ko kapag dumadaan kami sa ganyang problema, pero ewan ko ba ? Nawalan na yata ako ng hope eh. Pinipilit pa din akong patahanin ni DJ dahil iyak ako ng iyak. Ikaw ba naman ang makarining ng hindi ka tanggap ng magulang ng mahal mo? Hindi ka kaya iiyak ng bongga ? Pero gumaan na din ang loob ko kaya naging okay na siguro ako. "Tama ka dyan DJ, Never lose Hope kaya natin to. Hintayin lang ng mommy mo gagawin ko ang lahat magustuhan lang nya ako." Nakangiting sabi ko sabay yakap sa kanya.

" Yan ang Girlfriend ko palaban hindi umaatras, maganda pa kapag laging ngumingiti. Anu order na tayo? Nagugutom na ko eh." Sabay ngiti ulit sakin." Hay naku DJ kung hindi lang kita Boyfriend at mahal matagal na siguro kitang iniwan." Hanga din talaga ako kay DJ kasi hindi nya ginagawang big deal ang lahat, Sabi nga nya " Kung gusto may paraan, kung ayaw may dahilan." Kaya siguro ang lakas ng fighting spirit namin kasi nakakahawa ang isa't isa. " Sige na DJ order ka na ng food. " Utos ko sa kanya ng nakangiti. " Yung CokeFloat large tapos Chicken thigh part at spicy yun with extra rice tama ako diba? " Ngiti sakin. " Wow DJ ha? Bago yunsayo ha ? Alam mo na yung gusto kong order kapag nagfafast food tayo ha ? " paloko kong sabi. " Syempre Allison sabi nga kapag alam mong sya na, Alam mo na din yung mga dapat na paborito nya, Kasi FOREVER na tayo diba ?" Sabay kindat. "Oo na po Mr. Cruz, baka naman matunaw ako agad sa sobrang titig mo sakin? Order ka na po ng hindi na ko matunaw pa lalo sa kakatitig mo," Sabi ko habang kinikilig.

Habang naghihintay kay DJ, nakatanggap ako ng isang mensahe sa aking cellphone na galing kay Patricia. " Pwede ba tayong mag-usap? Dun sa dati nating pinagkita alas otso ng gabi. " Anu na naman kaya ang sasabihin ng babaeng yun ? Napaisip ako ng malalim habang binabasa ko ang text ni Patricia. " Eto na po ang order ni Mrs. Cruz isang Cokefloat large, Spicy chicken thigh part at isang extra riccceee. " paasar na sabi. " Kain ka po ng marami ha? baka magkasakit ka nyan, ayaw kong nagkakasakit ka eh. " " Magkakasakit ata ako kasi wala yung isang G sa kinakain ko ngaun, yun pa naman ang inihahain sakin ni nanay tuwing kumakain kami ng sabay " pabiro ko na namang sabi sa kanya. " Ahhh.. yung Glow ? oo nga noh, hayaan mo Mrs. Cruz yun naman ang kailangan kong malaman yung 3G na yan. " " Hahahaha!!! Sabi mo yan Mr. Cruz ha? aabangan ko sau yan. " Natatawang sabi. " Sige na Mr. Cruz kain na tayo."

Alas Dos na ng hapon at nakauwi na ako sa bahay upang magpahinga muna sa lahat ng bagay na nagyari sa akin sa araw na yun. Nakatulog ata ako ng ilang oras at nagising nalang sa ilang mensaheng natatanggap ko sa aking cellphone na galing kay DJ nag aalala. Sinagot ko naman ang mga mensaheng aking natanggap kay DJ. " Okay lang ako Mr. Cruz, napagod lang ako kaya siguro nakatulog ako sa kwarto ko. Fight kung Fight hindi susuko dibah? :D " Nakangiting sinend ang mensahe ko kay DJ. At agad agad akong naligo at naghanda para sa pagkikita namin ni Patricia.

DJ POV

Hindi din ako makapaniwala na nasabi ni Mommy ang lahat ng yon sa taong pinaka mamahal ko pa. Halos mapaiyak na si Allison sa lahat ng sinabi ni Mommy sa kanya habang umaalis sa bahay niya. Niyakap ko na lang sya habang nakasakay sa aking kotse para maramdaman nyang kahit hindi sya gusto ng mommy ko, malalaman nyang may nagmamahal sa kanya at ako yun. Nakarating kami sa isang Fast Food para kumain alas nuebe ng umaga. " Ang sakit sakit DJ bakit hindi ako tanggap ng mommy mo? Dahil ba sa wala syang mapapala sakin? Hindi naman yang yaman mo ang kailangan ko ha ? Umiiyak na sabi. " Wag mo nalang dibdibin yun baka wala lang sa mood yun " Pabiro kong sabi na may kasamang lungkot sa mukha ko. " Allison tahan na, baka pumangit ka nyan sige na smile ka na asan na yung sinasabi mong "Never lose hope?" eh ikaw pa ata nawalan ng hope eh." Pinapatahan habang hinahaplos ang kanyang likod.

Ilang minuto din ang nagdaan at naging okay na si Allison " Promise ko sayo DJ gagawin ko ang lahat magustuhan lamang ako ng mommy mo hintayin lang nya." nakangiting sabi habang pinupunas ang mga luha sa mukha. " Yan ang GirlFriend ko palaban at maganda pa.:D" "Order na ko ng food gutom na ko eh." paakit na sabi. "Basta yung gusto ha?" pautos n sabi ni Allison. " Oo ba ako pa, Pila na ko ha? " sabi ni DJ. Habang nakapila ako nakatanggap ako ng MMS Message galing kay Patricia nakita ko ang mga litratong nakahubad kasama si Patricia. Nagulat ako sa aking nakita at kinabahan sabay sunod ng isa pang text. " Miss mo na siguro ako no? Maganda ba yung picture natin? " galing kay Patricia. Agad ko namang pinatay ang cellphone ko at napatingin kay Allison , sakto din at napatingin din sya sa akin ng nakangiti. Habang hindi ako makatingin sa kanya ng maayos. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kumain na kami ni Allison at kinalimutan ko muna sa isip ko ang aking nakita.

Hinatid ko si Allison sa kanilang bahay pagkatapos naming kumain. " Pahinga ka muna Mrs. Cruz ha ? Baka magkasakit ka." sabi ko sa kanya ng may ngiti at hinalikan sa noo. " Naku ang sweet naman ni Mr. Cruz.. Opo magpapahinga ako ng maayos ng makita pa kita bukas.. Nakakamiss ka kasi eh." kinikilig na sabi sabay yakap sa kanya. " Oh sige na alis na ko Mrs. Cruz ha ? " " Ingat ka po Mr. Cruz "

Dali - Dali akong sumakay ng kotse ko at nag isip sa mga planong aking gagawin, Agad ko namang tinawagan si Patricia. (Phone Ringing) " Hello DJ napatawag kah? namiss mo na agad ako ha? parang nung isang araw lang nagsama tau. " sabi ng may pang aasar. " Hello Patricia pwede ba tayong magusap ngayon? " sinabi ko. " Ngayon? Hindi ako pwede ngayon kasi may lakad ako. Bukas na lang kaya tutal wala naman akong gagawin, Masosolo mo ako ng gusto mo." Nangaakit na sabi. " O sige bukas sa coffee shop sa taguig, alas sais ng gabi. " kumakalmang sabi. " Sige sige bukas, Bye DJ." nangaakit na sabi. (Call Ended). Nakauwi na din ako ng mga ilang oras din ang nakalipas at nagpahinga sa aking kwarto. Agad ko namang tinxt si Allison. " Kamusta ka na? Okay ka lang ba? " paulit ulit kong text sa kanya ng hindi naman sya nagrereply. Hanggang sa nakatanggap ako ng reply galing sa kanya. " Okay lang ako Mr. Cruz, napagod lang ako kaya siguro nakatulog ako sa kwarto ko. Fight kung Fight hindi susuko dibah? :D "

SEBASTIAN CRUZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon