SEBASTIAN CRUZ 2

119 10 2
                                    

(Sa Kwarto) (Alarm Clock Ringing 7:00 am)

NENE!!.. " Gising na may pasok ka pa bawal ang malate. " sabi ni nanay.

" Andyan na Nay saglit lang " Sabi ko sabay patay ng Alarm Clock at dali - daling nagbukas ng facebook. " Feeling Excited - Good Morning Everyone, Good Morning madlang people kakagising lang, At ang ganda ng araw ngaun excited for the final exam later.:D" masayang pinost. " NENE anu ba yan? Kanina ka pa dyan ha?" Pasigaw na sabi. " Eto na po naligo lang kasi bababa na ko nay! " pasinungaling na sabi at nagmamadaling naligo at nagbihis ng school uniform at bumaba sa kwarto. " Good Morning Ate " sabi ni Ken na bunsong kapatid ko. " Good Morning din sayo bunso, pakabusog ka ha? " sabay halik sa matabang pisngi ng aking bunso. " Opo Ate " sabi nito.

Si Ken ang bunso kong kapatid at dalawa lang kami. Imagine 9 years old na sya at ako ay 23 years old, 14 years ang gap namin bago sya lumabas sa mundong ibabaw. Sabi kasi ni Nanay at Tatay na mahirap daw kapag sunod - sunod ang anak nila ng walang gap kahit ilang years? Sabagay mahirap nga naman talaga, Lalo na't present silang dalawalagi sa lahat ng Family Planning meeting na idinadaos minsan sa aming lugar.

" Oh NENE kain ka na, Kailangan kumpleto lagi ang kinakain mo araw - araw ha? Yung 3G (Go, Grow at Glow Foods) dapat nakakain mo, Ito gatas pampatibay ng buto." Aniya. " Nay! Alam ko na po yan. Araw - araw ko naman po yang ginagawa eh. Yung 3G ( Go, Grow and Glow Foods ) yan? Halos bata pa ko yan na ang hinahain mo sakin eh." Pasabi ko sa kanya. " Ayaw ko lang naman kasing magkasakit kayo " pagaalalang sagot. " Okay po! " Si Nanay kasi eh, masyadong conscious talaga pagdating sa health ng pamilya, Nutritionist kasi kaya hindi mo maipagkakaila.

" I wanna lay you down on the bed of roses, For tonight I sleep on the bed of nails " pasigaw na sabi. Kaya lahat kaming tatlo napatingin sa kanya. " Good Morning sa inyo Nak, Me! patimpla ng kape." sabi ni tatay. Si Tatay fan talaga ng mga Oldie Songs, minsan nga kinakanta nya yung kay Frank Sinatra yung "My Way" ibang rendition nya, sariling version nya talaga. " Nene hindi ka pa papasok? malalate ka na oh? " Sabay turo nya ng relo sa akin. " Oo nga pala ! Sige na Nay, Tay at Ken alis na ako ha?" Sabay halik sa pisngi nila.

" Kuya bayad po " abot ko ng 100 pesos. " Ne! wala ka bang barya dyan? Nakikita mo ba yung sign ko dito? "Barya lang po sa umaga" naiinis na sabi nito. " Ahh, Ehh wala po eh, Tignan ko lang po ulit " sabi ko habang naghahanap ng barya sa bag ko. " Kuya wala po talaga eh." malungkot na sabi ko. " Anung gagawin natin dyan? Bumaba ka nalang kaya, sa ibang jeep ka nalang sumakay baka may barya sila dun. " naaasar na sabi ni manong driver. " Hindi po ako pwedeng bumaba kasi malalate po ako sa final exam ko ngaun. sabi ko. " Hindi ko na problema yun " sagot ng naiinis na driver. Kinakabahan ako, kasi kung hindi ako makakapag exam ngayon siguradong babagsak ako sa subject ko. Kaasar naman si manong oh! " Eto po bayad nya." Sabi ng isang good looking guy na nagsave sakin para makapasok ako't makapag exam. " Salamat ha? " sabi ko ng may ngiti. " Okay lang yun sabi nung guy. " Naku hindi okay sakin yun basta babayaran kita " pagpupumilit kong sabi. Hanggang sa nakita ko na same university din kami nag aaral. " Tutal same University lang naman tayo, hahanapin na lang kita para bayaran kah. " nakangiti. Ilang minuto din kaming nag usap at bumaba na din kami ng jeep. " Manong Para po! Sige na salamat ulit ha? Promise yun " sabay ngiti nung guy, lalo syang gumwapo nung nakangiti sya.

Hindi pa pala ako nagpapakilala, Ako nga pala si Allison Marie Gonzales, 23 years old at 4th Year College of Bachelor of Elementary Education sa Victoria Academy, member din ako ng samahang NBSB ( No Boyfriend Since Birth ) at naniniwala sa kasabihang "Being single is not a sin, It's a choice" pero gusto ko na talagah kaso wala pa eh. Kaya naghahanap nalang ako sa Facebook yun lang kasi ang way para makahanap agad ako.:D

" Oh, late ka na naman Allison." sabi ni Pia. " Oo nga eh, Buti na lang at may savior akong nagsave sakin para makapasok at makapag exam ng finals natin eh." masayang sbi ko. " Oh? Sinu naman yun Allison?" Patanong na sabi. " Hindi ko nga natanong yung pangalan nya eh, ang sigurado ko lang ay same shoool lang lang tayo, Samahan mo ako mamaya ha? Hanapin natin sya." nakangiting sabi ko. " Oo ba, Allison karirin mo na yan ng magkaroon ka na ng boyfriend." pautong sabi. " Agad agad? Hindi ko pa nga sya nakikilala masyado eh, pero try padin natin." Ilang mintuto din kaming nag-usap ni Pia hanggang sa dumating na ang aming Professor para sa final exam.

" Good Morning Sir." sabi ng kanilang kasambahay. " Good Morning din Manang, Si Mommy po ?" patanong na sabi ni DJ. " Naku Sir, umalis na po, may shooting po sya sa ibang bansa eh." sagot ng kanilang kasambahay. " Ganun po ba? Sige po tawagan ko nalang po sya. Salamat po ulit." sagot ko. " Sige po sir, Alis na po ako." " Sige po salamat po ulit." Matapos magtanong sa kanilang kasambahay pumunta si DJ sa kanyang kwarto at agad namang tumawag sa kanyang Mommy.

" Haayyy!!! Grabe ang hirap ng exam ngaun ha? May nasagot ka naman Pia?" tanong ko sa kanya. " Oo naman nagreview ako ng maayos makapasa lang sa finals na yan." sagot nito. " Tara na break na tayo, nagutom ako sa finals na yun eh." pagaanyaya nya. " Sige ayusin ko lang tong gamit ko." sagot ko naman. Agad naman silang umalis sa kanilang room para maag break sa ilang oras na finals. " Grabe naman yan Allison parang gutom na gutom ka nyan ha? Halos lahat ng plato mo puno ah!" paasar na sabi. " Walang bago dun Pia kailangan ko kasing makumpleto yung 3G (Go, Grow at Glow) na yun, Alam mo naman si Mommy health conscious." sabi ko. " Sabagay kahit pumunta nga ako sa bahay nyo busog na busog ako kasi ang daming binibigay ng mommy mo talagang kumpleto." sabi nito. Habang kumakain kami sa canteen nakita ko savior ko.

" Pia nakita ko na sya." pasigaw na sabi na halos mabulunan si Pia. " Sino ba yun Allison?" nagtatakang tanong. " Yung savior ko, andun sya nakapila." Hinintay nila ito hanggang sa naka order na ito ng pagkain at naghanap ng mauupuan para kumain. Hanggang sa nakita nya ako kumakaway sa kanya. At napangiti naman ito at tumuloy sa aming pwesto. " Kamusta na?" bungad nito. " Naku okay lang ako, eto nga pala yung bayad ko sa pamasahe natin kanina." sabay abot ng pera sa lalaki. " Naku! Sabi ko sayo wag na eh." pagtanggi nito. " Anu kaba eto na oh." sabay abot ko nito sa kanya at kinuha din nya. " Salamat ulit." nakangiting sabi ko. " Nga pala ako si Allison Marie Gonzales at eto nga pala si Pia Alexis Ruiz same kami ng course, Bachelor of Elementary Education." pakilala ko. " Hi!" sabay kaway naman ni Pia. " Ako pala si Christian Luke Davis at Bachelor of Elementary Education din yun course ko, Same lang pala tayong tatlo eh. Baka magkaiba lang tayo ng room." sabi nito ng may kabiglaan sa kanyang narinig. " What a small world Allison ung savior mo na sinasabi sa akin ay ka course lang din natin." sabi nito at saktong hindi naman narinig ni Christian. " Ha? Anu daw yun Allison? " tanong nito. " Ah.. Eh.. Wala yun wag mong pansinin yang si Pia, baliw lang minsan yan." Sabay takip sa bibig ni Pia. " Ganun ba? Sige kain na tayo." sabi ni Christian. " Grabe ha? Ang gwapo naman ng savior mo Allison , ikaw nah." pabulong nito. Sabay tingin ni Christian samin ni Pia. At ngiti na lang ang sagot namin sa kanya.

Natapos ang buong araw ng finals pero may other subjects padin ang kailangan naming paghandaan kasi hindi pa sila nagpapatake ng exam. Habang si Christian naman naghihintay sa gate ng schol. " Allison! Si Christian nandun sa gate, Hinihintay ka ata. Uuuyyyy!!!" kinikilig na sabi nito. " Grabeh ayusin mo yung buhok nakaladlad na baka maapakan." pabirong kong sabi. Naglalakad kami ng nakita kami ni Christian. " Allison, Pia! Sabay na ko sa inyo umuwi ha? Saan kaba nakatira Pia?" tanong nito sa kanya. " Ako sa kabilang kanto lang ako malapit lang kasi ako dito eh." sagot ni Pia. " Eto si Pia sa Pulang Bituin nakatira sasakay pa to sa jeep." sabi nito sabay kindat kay Allison. " Totoo ba yun Allison?" tanong nito. " Oo, Christian bakit?" tanong ko din. " Sakto lang pala eh, Dun din kasi ako nakatira sabay na talaga tayo nito." sabay ngiti.

Bumaba na kami ni Christian at naglalakad papunta na sa aking bahay. " Salamat ulit ha?" sabi ko sa kanya. " Anu kaba kanina ka pa nagpapasalamat sakin hindi ka pa ba napapagod?" sagot nito ng nakangiti. " Hahahaha!! Sige na nga!" " Dito na yung bahay ko Christian, Salamat sa paghatid ha?" sabi ko. " Walang anuman Allison." sabi nito. Papasok na ko ng pintuan ng sumigaw si Christian kaya napalabas ako uli ng bahay. " ALLISON! Nice to meet you." sabay takbo nito.

SEBASTIAN CRUZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon