SEBASTIAN CRUZ 10

54 9 0
                                    

Araw ng linggo at masayang masaya ang gising ko. Makikita ko ulit si Sebastian Cruz. Agad naman akong pumunta ng banyo upang magsipilyo at mag-ayos ng aking mukha. Linggo at wala ang buong pamilya dahil sa nagsisimba sila. Bumaba ako ng kwarto at nakarinig ng ingay mula sa ibaba. Laking gulat ko at nandun sila nanay at tatay. “Hindi po kayo nagsimba?” tanong ko. “Baka mamaya na! Kailangan na muna naming asikasuhin yung mga ihahanda namin bukas. Dadating yung mga pinsan mo at ang lola mo.” sabi ni nanay. “Ano po si Lola?” sabi ko. “Oo bakit? Ayaw mo ba sa lola mo?” tanong ni tatay. “Hindi naman po! Naaalala ko lang yung dati eh, Kung pisil pisilin nya yung pisngi ko, kala mo wala ng bukas.” sabi ko. “Dati lang yun, Yung bata ka! Atsaka hindi na nya magagawa sa iyo yun. Kasi matanda ka na.” sabi ni nanay. “Teka! Yung mga kaibigan mo? Pupunta din ba?” tanong ni Tatay. “Opo! Si Christian at si Pia po!” sabi ko.

At pumunta ako sa living room namin. “lalalalalalala!” nakangiti, “Si Ate masaya ngayon. In love ata!” sabi ni Ken. “H-Hindi no! Masaya lang ako kasi Graduation Day na namin bukas.” sabi ko. “Naku Ate! Nagsisinungaling ka eh, Halata sa iyo.” sabay alis sa living room. Si Ken talaga, Alam na nya kung paano ako nagsisinungaling yung batang yun talaga eh. Nag-aabang ako sa text nila Pia at Sebastian kung saan kami magkikita ng bigla akong tinxt ni Sebastian. ^_^ Ayan na ang text nya. “Good Morning Allison! Saan ba tayo magkikita? galing sa text. At agad ko syang tinext sa meeting place na pupuntahan. “Hindi ko alam kung saan yun eh.” sabi. Nag-isip ako ng madali lang na pupuntahan nya ng biglang.. “Diyan na lang kita susunduin sa bahay nyo! Ano ba address nyo dyan.” sabi sa text. Nagulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya tinext ko na lang yung address para hindi sya maligaw. Agad ko namang tinext si Pia na dito na lang sa bahay kami magkikita.

DJ’s POV

 

“Aalis ka na naman DJ?” sabi ng mommy. “Yup! May pupuntahan lang po ako, Tapos magsisimba na rin.” sabi ko. “Parang napapansin ko na lagi ka nalang busy may nililigawan ka na no?” sabi ni mommy. “Wala pa po!” sabi ko. “Sabihin mo na sa akin katrabaho mo ba? Ka business partner? Wag mong sabihing..” sabi nya. “Mom! Kung meron ako, Matino syang babae at hindi sya yung mga pipitsuging iniisip mo. Alis na po ako.” sabay halik kay pisngi ni mommy. “Sabihin mo sa akin DJ ano?” pilit nya. “Were just getting to know each other.” sabay alis.

(DingDong!!)

“Good Morning Pia! Ang aga mo naman.” sabi ni nanay. “Si Alison po?” tanong ni Pia. “Ayon nagbibihis pa sa kwarto nya, Paso ka.” sabi ni Nanay. “NENE! Andito na si Pia, bilisan mo dyan.” pasigaw ni nanay. “Andyan na po! Saglit lang.” sabi ko. “Paantay na lang si Nene ha?” sige punta muna ako ng kusina. “Okay po Nay!” sabi ni Pia. Naisipan ko na din na bumaba ng kwarto para makita na itong si Pia. “Ang taray ng lola ko! Bihis na bihis ka ngayon ha? Saan lakad mo?” biro ni Pia. “Umayos ka nga Pia! Nasaan na kaya si Sebastian.” sabi ko. “Hala ka! Baka naligaw na yun.” sabi ni Pia. “Wag mo ngang sabihin yun, Baka magkatotoo eh.” nag-aalala kong sabi. Hinihintay namin si Sebastian ng lapitan kami ni Tatay. “Bakit hindi pa kayo umaalis?May hinahantay pa ba kayo?” tanong nya. “Opo Tay! Malapit na rin yun.” sabi ko. At narinig namin na may bumubusina sa aming bahay. “Ayan na sya Allison! Halika na! Alis na po kami.” sabi ni Pia. “Tay! Nay! Alis na po kami.” sabi ko. “Sige ingat mga anak ha?” sabi ni tatay. At umalis na habang kumakanta ng My Way.

“Buti naman hindi ka naligaw.” sabi ko. “Hindi naman eh, Traffic lang talaga dyan.” sabi ni Sebastian. “Alam mo bang alalang alala si Allison sayo, kanina pa! Asan na kaya yun.?” pabiro ni Pia. “Talaga Allison? Nag alala ka?” sabay ngiti. “Hay naku! Hindi no! Halika na!” sabi ko. Agad kaming pumasok sa itim na kotse ni Sebastian. “Hmm! Ang yaman ng amoy” pabiro ni Pia. “Brand New pa ang amo’y kakabili mo lang no?” sabi ko. “Hindi! Matagal na ito sa akin. Malinis lang talaga ako sa gamit. Kaya mga mukhang bago lang ito.” sabi ni Sebastian. Alis na tayo ha! Sabay tugtog ng “Sunday Morning”

SEBASTIAN CRUZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon