SEBASTIAN CRUZ 12

31 5 0
                                    

                                                                        Authors Note

Dahil po sa walang sawang pagsuporta niyo sa story ko. I dedicate this story to @akosiQlut. Friend thanks for supporting and commenting my story. I appreciate it alot. Thanks again.

Sa mga gusto pong magpadedicate sa story ko. Just pm me in my Wattpad Account and also please do commenting and voting. Thanks <3 <3 <3

Guys! Sorry at ngayon lang ako nakapag-updates may nangyari kasi na hindi maganda sa akin kaya kailangan ko munang magfocus sa sarili ko. By the way may bago akong story "The Hidden Treasure of Lewis" suportahan din po natin ito. Salamat ng marami..:-))

Dahil sa tig-isa sila ng sasakyan ni  Christian at Sebastian. Naisipan namin na Si Christian kay Pia. At ako naman kay. Ano kilala nyo na.. kay Sebastian para naman may kasama sila sa kani-kanilang sasakyan. At pumayag naman sila Nanay at Tatay don. Kaya.. This is it. Agad na umandar na ang sasakyan at sinundan nalang namin sila nanay. "Pano yan Allison? Alam na nila!" nakangiting sabi habang nagmamaneho ng sasakyan. "Ha? Ang alin?" tanong ko. "Na.. Manliligaw mo ako. Atsaka pabor si Nanay at Tatay sa akin pati na si Ken." sabi nito ulit. "Wow ha? Nakiki Nanay at Tatay na ha?" sabi ko. "Eh.. Totoo naman eh. Magiging manugang ko na sila." sabi nito ulit. "Hahahaha!! Hindi pa nga kita sinasagot eh! Tsaka na kapag sinagot na kita. Malay mo hindi kita sagutin? Ano?" sabi ko.

"Hindi mo ako sasagutin? Imposible yun Allison. Kilala na kita no! If i know crush mo na talaga ako nung nagkakilala tayo." sabi nya. Ang hangin din talaga nito? Kala mo kung sino ^_^ (kinikilig)

"Ano? Crush kita? Baka ikaw nga yun eh. Na Love at first sight ka sakin no?" sabi ko.

"Hahaha! Galing mo din no? Parehas lang naman tayo na inlove sa isa't-isa." sabay kindat. "Wag mo nga akong kindatan! Baka mainlove ako sayo ng todo eh?" sabi ko habang kinikilig. "Sige na po! Titigan na lang gusto mo?" seryosong sabi. "Titigan mo ko? Baka makabangga tayo ng sasakyan no." sabi ko. "Eh pwede ko naman tong ihinto eh. Ano?" sabay hinto ng sasakyan. At dali-daling nakipagtitigan sa akin. Ilang minuto din syang nakipagtitigan sa akin. Oo maganda ang mata, lalo na ang labi nya. Tapos ang linis pa ng mukha. Nakipagtitigan sya ng bigla nyang na akong hahawakan bigla akong napapikit... Eto na bayun? Ang bilis naman ata? Bahala na....  "Yung eyeliner mo nalulusaw na! Punasan mo na!" sabay bigay ng panyo. Agad akong dumilat! "Ha?" tanong ko.

"Bakit ka nakapikit? Ahh.. Kala mo may gagawin ako no?" asar nya.

"Ha? Hindi ako nakapikit." alibi ko.

"TH ka talaga ha? Kala mo meron." asar nya. "Hoy hindi ahh? Hindi kaya." sabi ko. "Wag kang mag-alala, Kapag naging tayo rerespetuhin kita gaya ng pagrespeto ko sa magulang mo. Ganun kasi kita kamahal eh." banat nya. "Boom Kilig! Hahahaha! Halika na nga! Baka mahuli pa tayo sa bahay." sabi ko. Agad namang pumayag si Sebastian at pumunta na kami sa aming bahay. Buti nalang at hindi kami nahuli para hindi nahalatang humiwalay kami.

Sa wakas at nakarating na din kami sa bahay. Sakto naman na hindi nila napansin na nawala kami ng ilang minuto. At pumasok na kami sa bahay. Ang ganda ng bahay ngayon ha? Talagang may banner pa na "Congratulation Allison Marie Gonzales" mukhang pinaghandaan ng mga pinsan ko ang pagdecorate sa aming bahay. At nandun din si Lewis sa kusina na naghihintay na din sa amin. "Maligayang pagbabalik sa inyo! Tara tuloy kayo." sabi ni Lola. Nakalimutan kong bahay pala namin to at ako pa ang nahiya. "Magpahinga muna kayo at matatapos na ang luto namin." sabi ni Lola at pumasok sa kusina. "Nay! Diba bahay natin to? Nahiya kasi ako sa sabi ni Lola! Para kasing hindi natin bahay." sabi ni Ken. At tinawag nya si Lewis.

"Ako nga din po eh! Nahiya ng sobra kasi parang hindi nyo bahay." sabi ni Pia. "Magaling lang talaga silang magdecorate kaya ayun. Hindi mo mamukhaan yung bahay." sabi ni Nanay. Mga ilang minuto din at lumabas si Vicky sa kusina. "Luto na ang mga ulam! Tara na kain na tayo. Gutom na ba kayo? Tara na!" sabi bi Vicky. Agad kaming pumunta ng kusina at nakita ang aming handa. Wow! Ang daming pagkain. Gutom na gutom na ako. Agad kaming umupo sa aming upuan sa wakas at napuno din itong lamesa namin. Ang saya para bang isang buong pamilya kayo. "Para sa tatlong Graduate natin kila Pia, Christian at si Nene! Cheers!" sabi ni Tatay. "Cheers!" sabi ng lahat. "Nene!" sabi ng isang boses. "Sino yun?" at hinahanap ko kung saan nanggagaling ang boses. "Nene!" at nilingon ko ang katabi ko si Sebastian. "Nene! Kay gandang pangalan. Himala kasi hindi Maria?" asar nito. "Sasapakin kita dyan." sabi ko na natatawa. Kumain kami ng marami. Ang sarap ng hinanda nila Vicky at Lola mukhang pinaghandaan talaga nila.

SEBASTIAN CRUZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon