SEBASTIAN CRUZ 3

77 11 1
                                    

SEBASTIAN CRUZ 3

 

“ That’s the wrap to everyone.” sabi ng isang photographer. Senyales na tapos na ang isang mahabang shooting para sa isang magazine, Halos maraming tao sa labas para makita ang pinaka - sikat na couple sa bansa. Kung may “ KathNiel ( Kathryn and Daniel )“ meron din naman “ DonCia ( Donald and Patricia ) “ Ang pinakatitilang couple sa buong bansa. “ Salamat po uli sa inyong lahat.” sabi ni DJ para makuwi na sa kanyang bahay. “ Aalis ka na agad? Hindi ka ba sasama samin para magcelebrate sa successful projects natin?” tanong ni Pia. “ Hindi muna Patricia nagpaalam naman ako sa manager ko eh, Masama lang pakiramdam ko.” pagtanggi nito. Ayaw kasi nyang sumama sa mga ganyang celebration kasi ayaw nyang makisalamuha sa mga plastic na tao.

Araw ng sabado at inimbitahan ko si Pia sa bahay para maghanap uli ng mga taong kanilang i memeet sa eyeball. “ Good Morning po Nay, Tay at Ken.” bati ni Pia sa aking mga magulang, Magaang na kasi ang loob ng mga magulang ko kay Pia kasi si Pia pa lang ang kaisa isang tao na naimbitahan ko sa bahay namin. “ Good Morning din sayo Pia, kumain ka na ba?” tanong ni nanay. “ Opo kumain na po ako.” sagot ni Pia. “ Sige pahintay na lang si NENE pababa na yun.” NENE yan ang palayaw ko sa bahay, Hayy! Grabe makalumang panahon talaga. “ PIA!!” nagmamadaling bumaba sa hagdanan. “ Halika na samahan mo ko sa kwarto may papakita ako sayo.” nagmamadaling hinila ni Allison si Pia papuntang kwarto. “ Look Pia may makikipag meet sakin bukas, Sama ka ha?” habang pinapakita ang message ng lalaki sa kanya through facebook. “ Oo naman ayokong ma miss yung opportunity mo, Siguraduhin mong matino yan ha? Baka mamaya problema yan.” tanong nito. Ilang beses na kasi kaming naloko ng mga siraulong nakaka eyeball ko. Minsan kasi poser lang, minsan naman kami ang nagbabayad ng bill, minsan naman kami pa ang nawawalan ng pera. Ang dami na talagang paraan para makapang loko yung mga sira-ulong yun. 

“ NENE.” tawag sakin ni nanay sa baba. “ Bakit po nay?” sagot ko. “ May bisita ka, bilisan mo.” sabi ng pasigaw. “ Bisita? Sino kaya yun Pia?” tanong nito sa kanya. “ Baka si Christian, alalaallalala!!! “ natatawa at may pang aasar. “ Eto na po.” Bumaba ako ng kwarto at pumunta agad kay Nanay. “ Nay sino po?” tanong ko. “ Kilala ko? Kilala ko? Eh kilala ka daw eh.” sabi nito. Ng bumukas ang pinto ng bahay. “ Hi Allison!” natulala ako ng nakita ko sya. Sheett!! Ang pogi nya ngayon. “ Siya na ba? “ pabulong ko ng paulit ulit. Ewan ko ba parang tulalang tulala ako. Hanggang sa tinapik ako ng Nanay ko. “ Hoy NENE! Hi daw. “ “ Hi Christian! Tara pasok ka.” agad naman naming pinatuloy sya sa bahay namin. “ Ayos Allison ha? NENE ka pala dito ha? Nangaasar na sabi. “ Sige lang asarin mo ko uupakan kita.” nagbabantang sabi. Sakto din na bumaba si Pia sa kwarto para puntahan kami. At pinakilala ko si Christian sa Nanay at Tatay ko kasama si Ken. “ Nay, Tay, Ken eto nga pala si Christian Luke Davis at 4th Year College na din sya ng Bachelor of Elementary Education.” pakilala ko sa kanya. “ Ate Boyfriend mo ba yan?” tanong ni Ken. “ Bakit NENE buntis ka na ba? Kaya sya nandito para sabihin nyo sakin yan? Nanginginig na sabi sabay iyak sa asawa nya. “ OA naman si Nanay.. Parang friend lang boyfriend na agad? Malayo pa yun.” sabi ko. “ Maganda yun, ng nagkakaliwanagan tayo.” sabi ni nanay sabay tigil sa iyak. “ Opo! Promise yun magkaibigan lang po kami ni NENE.” sabi ni Christian ng may pang aasar. “ Mabuti naman, kailangan nyo munang magtrabaho bago kayo magpakasal ha?” sabi ni Itay sabay alis habang kumakanta ng “MY WAY” natatawa na lang si Christian ng sinamahan namin ni Pia sa kwarto.

Nagkwentuhan kami sa lahat ng bagay kasama na kung saan kami papasok sa aming tinatahak na trabaho. Si Pia babalik sa lugar kung saan sya natutong mag aral, Si Christian naman magpupublic sya kasi mataas ang sahod ng public kesa sa private. Ako naman balak ko munang magtutor para makaipon at mag Masteral sa aking kurso. “ Oh kumain na muna kayo ng meryenda.” hatid ni nanay na may kasamang fresh juice. “ Wow naman Allison ang bongga naman ng meryenda natin.” natutuwang sabi. “ Kaya nga eh, parang tataba yata ako dito kapag dito na ko nakatira eh.” naguutong sabi. Tuwang tuwa ako ngayon kasi nakasama ko sila. Lumipas ang ilang oras at umuwi na sila sa kani- kanilang pupuntahan. “ Christian! Pahatid nalang ako kay Pia sa sakayan ha?” Utos ko sa kanya. “ Sige ba Allison, Salamat ulit ha?” “Naku wala lang yun. “ Bye Allison.” sabay nakipag cheeks to cheeks. “ Ingat kayo ha? “ at nagpaalam na ko sa kanila.

Kinabukasan... Araw ng Eyeball namin at agad kong tinawagan si Pia sa kanyang cellphone upang malaman kung makakapunta sya. ( Cellphone Ringing..) “Hello Pia!” “Hello Allison.” “Makakasama ka ba mamaya sakin?” tanong ko. “ Oo naman Allison anong oras daw ba?” tanong nito. “ Alas 8:00 ng gabi sa isang restaurant sa taguig. “ sabi ko. “ Okay sige pupunta nalang ako sa bahay ninyo para sabay na tayong pumunta dun ha?” sabi nya. “ Sige ba! Okay sige Bye..:D” sabi ko. Agad naman akong nagbukas ng facebook ko para makahanap ulit ng imemeet. Nagsearch ako sa google ng mga beautiful names for men. Nakakita din naman ako at agad kinuha yung no. 1 dun. ( SEBASTIAN CRUZ ) pumili syempre ako ng mga mukhang matitino sa ganung pangalan.

Ilang minuto din kaming naghihintay sa meeting place. “ Ang tagal naman Allison san na daw ba sya?” nayayamot na sabi. “ Malapit na daw sya sabi nya.” Grabe ha? Kami pa talagang girls ang naghihintay sa kanya. Hanggang sa lapitan na kami ng waiter. “ What’s your order maam?” “ Water muna please, may hinihintay pa kami eh.” sabi ko na nababagot na din. “ Okay Maam.” sabi ng waiter. Napaka special talaga nun ha? Ang tagal nya talaga i swear. “ Kaya nga Allison, over sa special talaga.” sabi nito. Hanggang sa may lumapit sa kanilang guy na nasa 40’s na ang hitsura. “ Allison Marie Gonzales?” patanong na sabi. “ Yes Speaking?” sagot ko. “ By the way I’m Juanito Dela Cruz and I’m the one who’s in the facebook to have an eyeball with you.” sabi nya. Natulala ako ng nakita ko yung naka chat ko sa facebook, as in malayo yung hitsura nya marahil siguro poser na naman to. Naku naman Allison another problema na naman. “ Hi Juanito!, My real name talaga is Rowena Naquita and nice to meet you.” plastik kong ngiti at nakipag shake hand sa kanya. “ Rowena? What a beautiful name.” sagot nya ng nakangiti. “ OMG Allison! Grabe makatingin wagas talaga.” bulong nito. Agad ko namang hinawakan ang cellphone ko at pinatunog ang isa sa mga playlist ko para mapagkamalang may tumatawag sakin. “ Hello! Yes Po! Anu po?” napasigaw ako at saktong nakakuha ng atensyon sa buong restaurant. “ Yung mama ko nasa ospital? O sige po pupuntahan ko po. “ umiiyak ako ng umiyak. “ Pia halika na, samahan mo ko sa ospital si nanay, si nanay.” At humagulgol pa ako sa iyak. “ Rowena what happen?” tanong ni Juanito. “ I’m really really sorry talaga, Next time na lang po.” sabi ni Pia at nadulas pa sa sabing “PO”.

Tinatahak namin ang Edsa para makapunta sa Ospital. “ Dito na tayo Allison.” sabi ni Pia, At nilagpasan ang ospital at tumungo sa Edsa“ Hoy! Bakit ka lumagpas?” nagtatanong. “ Hoy Allison laspas na tayo.” sabay batok sakin. “ Hahahahah!! Hoooohh!! Sabay bukas sa bintana ng sasakyan at naghihiyaw. “ HINDI MO KO MAIISAHAN, HINDING HINDI!!) “Ano bang problema mo?” tanong na naman ni Pia. “ Wag mong sabihin na....” nanghinala. “ Tama ka dyan Pia!! Nagpanggap lang ako noh, ayoko namang gawin yun kaso nga lang sinungaling yung lalaking yun. 40 plus years old na pala yun. Sorry na lang sya at ako ang nakaharap nya.” sabi ko. “ Grabe ka Allison nadali mo ko dun. Akala ko totoo na, Whooaaa.. Kinakabahan pa naman ako sa nangyari sa nanay mo. Ikaw na Best Actress ito korona.” sabi ni Pia. sabay abot sa ulo ni Allison. “ Si Best Actor nalang ang kailangan ko.

Gabi na pero tinatahak pa din ng driver ko ang Edsa. Pagod na pagod ako sa shooting namin sa probinsya ng Cebu, dahil sa sobrang bored ko naisipan kong buksan ang Facebook Account ko. “ You have 1 Friend Request.” basa ko. At agad ko namang binuksan kung sino to. Dahil na din sa sobrang init naisipan kong buksan muna saglit ang bintana ng kotse ko, Maya maya “ HINDI MO KO MAIISAHAN, HINDING HINDI!!” agad akong nagulat sa aking narinig pagbukas ng bintana. Nagsisigaw na babae parang nakawala sa kung anung relasyon meron sya nun. Agad din akong napangiti. “ Grabe tong babaeng to oh.” natatawa. “ Allison Marie Gonzales “ yan ang pangalang nagrequest para maging friend ko. Agad ko namang inaccept marahil siguro natuwa ako sa babaeng  narinig ko kanina. Mukha din itong cool na isa sa mga katangiang gusto ko. “ Sir nandun na po si Madam sa bahay niyo.” sabi ng driver ko. “ Kaya nga , pakibilisan na lang po.”

SEBASTIAN CRUZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon