SEBASTIAN CRUZ 6

68 11 1
                                    


                      DJ POV

" Nandito ka lang pala DJ eh, Kanina pa kita hinahanap." hingal na hingal na sabi ng isang producer. " Bakit po ba? May problema po?" tanong kong sabi. " " Kanina ka pa hinahanap ni Direk para sa Next Scene nyo ni Patricia." sabi nya. " Ahh.. Sige po pupunta na po ako." sabi ko. " Sige na DJ mauna na ako ha?" sabi nya. " Sige po Sir." Agad ko namang pinatay ang cellphone ko, At agad naman akong naglakad papunta sa set ng biglang may tumatawag sakin. "DJ! Wait." sabi ng isang babae. Hindi ko masyadong maaninag ang babaeng tumawag sa akin,  Dahil sa hindi ako masyadong pamilyar sa mga iba't - ibang mukha kinausap ko ang babaeng nakatayo sa madilim na lugar. "Sino ka?" sabi ko. Agad namang tumawa ng malakas ang babae sa dilim. "Ako to si Patricia, Natakot ka ba? Hahahaha!!" pang aasar nito. Hindi ko sya pinansin at agad ulit akong naglakad, ng bigla nalang nagsalita si Patrixia "Sama ka sa amin bukas ha?" sabi ni Patricia. Agad naman akong humarap sa kanya at. "Saan naman yun?" tanong ko. "Nakalimutan mo na bang magcecelebrate ng Birthday si Direk? Invited ka, ako at ang buong set." sabi nya. "Pag iisipan ko." sabi ko. "Bahala ka, Nga pala alam mo bang marami ang naghahanap sa iyo na press? And na break natin yung record for The Highest Grossing Movie na " Now and Forever " You should be there, para makapagpasalamat tayo sa lahat ng fans nating walang sawang sumusuporta." pagalit na sabi nito. "Nabasa mo ba yung tweet ko?" tanong ko sa kanya. "H-Hindi, Bakit anung meron dyan sa tweet mo?" nagtatakang sabi. "Humingi lang naman ako ng apology sa lahat ng fans na nabigong makita ako sa Celebration or Party. At marami naman ang naniniwala at nakakaappreciate sa tweet ko, Kaya wala kang karapatan na pagalitan ako. Okay? sabi ko sabay lakad ulit papuntang set. Agad naman sanang magsasalita si Patricia ng biglang...

"Hoy!! Kayong dalawa, Kanina pa kayo tinatawag ni Direk.

( Alarm Clock Ringing 9:00 am )

Nagising nalang ako sa tunog ng aking Alarm Clock, Puyat na puyat!

"Hhaayyy!! Inaantok pa ko, Matutulog na muna ulit ako." Agad naman ulit akong natulog. Nagdaan ang ilang minuto ng naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin. "Attee!! Gising na, Lalabas pa natin si Lewis diba? Attee!! Gising na." sabi ng isang bata. Hindi ko pa din pinapansin ng biglang nararamdaman kong may dumadagan na sa akin. Na aking ikinagising. "Arraayy!! Keenn!! baba na!! "Arraayy!!" namimilipit kong sabi. Si Ken pala ang  batang kanina pa'y gumigising sa akin. "Labas na natin si Lewis ate." pagpupumilit ni Ken. "Eto na po!! Bababa na si Ate ha? Hintay ka lang sa baba ahh?" sabi ko. Si Lewis ang Golden Retriever naming aso, Tuwing Sabado kasi nilalabas namin sya sa bahay para maglakad lakad at the same time mapa check up nadin. Agad naman kaming naglakad lakad sa subdivision kasama si Ken at si Lewis. "Mukhang hindi mo kaya ha?" tanong sa akin ng lalaki sa subdivision habang naglalakad. "Salamat nalang po, Kaya ko po ito, Sanay sanayan din po kasi eh.." sabi ko ng may paghihirap sa aking ngiti. Pano ba naman eh , Ang bigat nitong si Lewis ang hirap pasunurin mukha na akong  karwaheng tangay tangay ng isang deer sa gabi.  Ang hirap, Kaya sabay talaga kami ni Ken kapag kinuha itong si Lewis, Kasi malamang tatangayin itong si Ken.

"Okay naman si Lewis, walang problema sa kanya. Ang isusuggest ko lang ay papayatin itong si Lewis dahil sa sobrang taba nito. May tendencing hindi kasi sya makakilos dahil sa sobrang bigat nya ha?" sabi ng veterinarian. "Naku Doc! Mukhang ang hirap papayatin itong si Lewis kasi po sya ang kumukuha ng pagkain nya eh, tinutumba nya yung sako ng pagkain nya tapos dun kakain ng madami."  sabi ko.  Matalinong  aso talaga itong si Lewis eh. Kung  nagshowbiz lang siguro to, Talbog nito yung mga  ibang aso sa network. Eh hindi eh, kaya tiyaga tiyaga lang kay Lewis. Agad ko naman tinignan ang oras sa aking relo. "1:00 pm" may Friendly Date kami ni Christian mamaya, Exciting..

Agad naman kaming nakauwi galing sa Check Up nitong si Lewis.

"Kamusta daw?" sabi ni Nanay. "Okay lang po sya Nay, Kelangan muna ni Lewis na magdiet eh." sabi ni Ken. "Tama ba yun NENE?" sabi sa akin ni Nanay. "Opo Nay! Diet Diet din pag may time, Sabi ng Vet." sabi ko. Agad naman akong nagpaalam sa Nanay at Ken na pupunta ako sa Kwarto. "This is it!"

SEBASTIAN CRUZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon