SEBASTIAN CRUZ 4

75 12 1
                                    

SEBASTIAN CRUZ 4

 

( Alarm Clock Ringing 7:00 am )

Nagising ako dahil sa tunog na aking naririnig galing sa aking Alarm Clock. “ Himala at hindi ako tinawag ni Nanay para makapasok ngaun sa eskwela.” Sabi ko. Agad naman akong naligo at nagbihis ng school uniform at bumaba sa kwarto. “ Nasaan na kaya siguro yung mga yun? “ Nagulat na lang ako at nandun silang tatlo sa living room at nakangiti sakin na para bang may tinatago. “ Si Nanay at Tatay hindi ako ginising sa aking pagkakahimbing, baka malate ako nito.” Pagtatampo kong sabi. Hindi pa din sila sumasagot sa aking katanungan binigkas. Hanggang sa nagulat na lang ako na para bang may humampas sa likod ko. Agad akong napahiga sa sobrang lakas na paghampas sa akin. Nakita ko na lang sa aking harapan si Pia, duguan at may hawak na isang baseball bat. Dugo na galing sa akin na nagdulot kung bakit duguan si Pia. “ Piiaaa!! Bakit ?” tanong ko sa kanya. Hindi pa din sya nagsasalita hanggang sa pinaghahampas ako ni Pia na tuluyan ko ng ikinawala ng malay.

Nagising na lang ako at hindi ko maigalaw ang aking mga kamay at paa dahil sa sobrang gapos sakin. Nakita ko naman dun si Christian may hawak na para bang kutsilyo at nakatingin sa akin habang hinahasa ang kutsilyo.

“ Chhrriissttiiaannn.. Bakit?” nanginginig kong sabi. Hindi ako sinagot ni Christian bagaman lumapit sya sakin at isa – isa nyang pinagtatanggal ang aking mga daliri. Nagsisigaw ako sa sakit ng aking nararamdaman, kasabay nito ang pagtulo ulit ng marami kong dugo sa buo kong katawan at napasigaw. AAAAAAAHHHHHHHHH!!!

(Alarm Clock Ringing 7:00 am)

Nagising ako at hingal na hingal., Panaginip, isa palang masamang panaginip ang aking naranasan na akala ko’y totoo. Agad akong tumingin sa salamin at tinignan kong mayroon bang bagay sa akin ang nawala? “ Salamat naman.” Sa hinga ng malalim.

“NENE!! Gising na may pasok ka pa.” sabi ng nanay. Agad naman akong natuwa sa pagtawag sakin ni Nanay. Agad akong naligo at nagbihis ng school uniform. “ Naayyy, Taaayyy, Keeennn.” Sabay yakap sa kanila ng mahigpit. “ Anu bang problema NENE, may nangyari ba?” pagaalalang sagot ni Nanay sakin. “ Wala po, Mahal ko po kayo, mahal na mahal.” Sabi ko. Masaya ang nagging salo – salo naming nung umagang yun.

“ Alis nap o ako Nay, Tay, Ken.” Sabi ko ng may ngiti sa kanila. “ Ingat ka ha?” sabi nila nanay at tatay. “ Ingat ka ate ha?” sabi ni Ken. Naglalakad ako sa aming kanto papunta sa eskwelahan ng nakita kong naghihintay sa labas si Christian, Saktong nakita nya din ako. “ Good Morning Allison!” sabi ni Christian. “ Good Morning din Christian!” sabi ko.

“ Tara pasok na tayo. “ sabay kuha sa bag ko. “ Naku! Salamat ha?” pangiti kong sabi. Nakasakay na kami ng jeep ng makwento ko sa kanya yung panaginip ko kaninag umaga. “ Christian,!” tanong ko sa kanya. “ Bakit Allison?” nakangiting sabi sakin. “ Alam mo, nanaginip ako kaninang umaga nakakatakot, Tinanggal mo daw yung mga daliri ko sa kamay ko. Nakakatakot dalawa kayo ni Pia.” Kwento ko sa kanya. “ Hahahah!! Hindi ko naman magagawa yun, mukha ba akong masamang tao?” natatawang sabi. “ Kaya nga eh, panaginip nga naman. “ natatawang sabi ko. Ilang minuto din kaming nag-usap ni Christian, magaan na din talaga sa loob ko itong si Christian kapag kasama ko sya.

SEBASTIAN CRUZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon