PART ONE - Donation

365 19 12
                                    

"Doc.! Mag-do-donate po kami ng Skeleton dito sa Anatomy Laboratory! ^__^"  Natatawang sabi ni Kristine sa prof. namin sa Anatomy. Aware ako na inaasar na naman nila ako, pero ayos lang sa akin, aminado naman ako na mukang skeleton talaga ang gusto ko sa University na to..

Yeah.. You read it right, muka syang skeleton, tawag ko yan sa kanya, pati na rin ng mga kaibigan ko. 

 Tinatawag namin sya sa ganon para walang ibang maka-alam na sya ang tinutukoy namin..

FLASHBACK

Sa bus lang naman kasi nagsimula  ang lahat eh nagsasakay pa kasi ako ng bus pag-pasok ng school, medyo malayo pero sakto lang para sa akin. 

Nakasanayan ko na, na sa tuwing nag-hihintay ako ng bus ay lumilingon ako sa likuran ko para makita kung may kakilala ako. Pero may isang guy sa may hulihan ko ang nakapag-catch ng attention ko, hindi dahil gwapo sya or whatsoever pero dahil muka syang maangas at mayabang.

In short mukang masama ang ugali nya. Sa tingin ko ay Culinary ang course nya sa same University na pinapasukan ko. 

Hanggang sa may bus na, maraming nag-hihintay kaya naman, kanya-kanya ring unahan pag-akyat. 

Akala ko judgemental lang ako na akala ko masama ugali nya, yun pala totoo, Akala ko gentleman sya,.. Maka-crushan ko na dapat sya nun eh, kaso na-turn off ako sa kanya, kahit man lang kasi by manner nalang nya ginawa na paunahin ako kase schoolmates naman kami, eh hindi, nauna pa syang umakyat dun.

>.<

Sobrang naiinis ako ngayong umaga na 'to kasi, another ungentleman na naman ang nakasakay ko.  

Yeah, inis ako sa mga walang manners na lalaki kagaya nya, standing pa naman kami ngayong umaga.

Syepre pag dating ko ng classroom, ano bang bago?? Late na naman ako. Kinwento ko agad yun sa mga kaibigan ko.. 

--

"Ano? Ituro mo na kung sino yung ungentleman na nakasakay mo kanina..." 

"Haha! H'wag na, yaan nalang natin yung lalaki na yun..." 

--

Nasundan pa yun ng maraming  araw, na palagi kaming nagkakasakay, hindi ko ba alam kung bakit everytime makakasakay ko sya, at matatapat ako sa likudan nya ay lumilingon sya, ayoko sanang maging feeling o mag-assume pero kung babae ka, mararamdaman mo ang nararamdaman ko.

Yan kasi ang hirap sa mga babae eh, konting moves lang, binibigyan na agad ng meaning, parang google, lahat may meaning.

Alam ko naman na hindi ako ang nililingon nya. Ewan ko ba, o baka ayaw ko lang mag-assume dahil alam ko ang magiging sunod ay ma-hu-hurt lang ako.  Pero sa pagkakataon na ito.. Parang may kakaiba na kong nararamdaman na hindi masyadong kagandahan..

Hindi naman agad jump sa "Gusto level".. Crush palang.

Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw kong maging "feeler" eh!

----

 "Guys.. Dumaan na yung crush ko, nakita nyo? Hahahaha!" Tuwang-tuwa akong pinag-titripan ang mga kaibigan ko. Hindi ko kasi sinasabi sa kanila na sya na yung bago kong crush, ayokong sabihin kasi baka asarin lang ako ng mga yan..

Ayoko lang, minsan kasi masarap din sa pakiramdam na kinikilig ka, pero hindi alam ng iba.. 

"Ha? Dumaan na? Nakakainis ka naman, kung kelan nakadaan na, tsaka mo palang sasabihin.. Sino ba kasi yun? Ayaw pa kasi ituro..."  

My Anatomic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon