Chapter 2

4 0 0
                                    

*Check multimedia box for Julian Delos Reyes photo (Angela's sis)*

Angela's POV

*Plong*

1 message receive

Nagising ako nang tumunog ang phone ko. Saka binasa agad ang message.

'Please claim your ticket at Freid Chicken Restobar 10am ..  Please Be on time.. Thank you!'

Chineck ko agad ang oras.

'My gosh! 8am na! Tapos di ko pa alam kung san location ng Resto! Pucha!'

Dali-dali akong naligo saka nagbihis. I wear white shirt and high wasted skirt and black converse shoes. And nakacap tas sling bag. Pulbo konti saka lip tint.

Patakbo akong bumaba saka kumuha ng apat na sandwich na may peanut butter sa kusina. Kakainin ko habang nasa byahe.

Habang sinisilid ko ung mga sandwiches sa bag ko, napansin ako ni ate.

"Aber? San ang punta?" habang lugod-lugod pa din ang mata.

"Uhmm.. May project lang kaming gagawin ng mga kaklase ko."

"Project? Patingin ng ebidensya?"

"Ate naman? Ako nalang inaantay nila.. nakakahiya.."

"Ebidensya nga muna.."

"Wala ka bang tiwala sakin?"

"Pano kung sabihin ko sayong wala?"

"Oo na!"

Buti nalang naalala kong may pic pa pala ako sa mga old classmates ko na gumagawa kami ng project sa bahay nila.

"Oh ayan!"

"Penge number nyan.. Double check lng.."

"Ate naman eh! Di na ako bata!" Saka diretsong naglakad palabas.

Alam ko namang inaasar lang ako non.

Nag-taxi na ako papunta sa Resto.

Medyo malayo-layo nga.

....

Dahil sa traffic.

Umabot ako mga 9:30 am na. Buti at hindi ako na-late.

Buong akala ko pagpunta ko sa Resto andon agad kaso pinaantay pa ako. Baka kasi di ako makaabot sa concert.

So since, mag aalas-onse na. Kumain nalang ako mismo sa Resto ni Freid.

'Totoo, masarap ang mga putahe..'

Ayon sa mga waiters, si Freid daw mismo ang nagtitimpla and dinideliver lang sa knila pra lutuin.

'How wonderful that he loves cooking'

Mas lalo ko pa tuloy siyang nagustohan.

'Kung kami siguro ang magkakatuluyan ni Freid baka tataba ako sa sarap ng luto niya.. Ayiieeeee!'

Ilang oras lang ay hindi ko pa din nakukuha yung ticket ko. Kaya nagtanong nako sa mga waiter don.

"Kuya? Anong oras po ba makukuha yung ticket ko? Baka kasi di ako makaabot sa concert. It's almost 1pm na po tas yung concert is 2pm.."

"Ahmm..Maam, Pasensya na po. Masyado po naging busy ang mga staff ni Sir Freid. Ang sabi daw nila. Ipipick-up nalang daw po kayo dito sa Resto mismo.. no need ticket na daw po.."

My Idol was a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon