Ang babaeng nagngangalang Angela Delos Reyes, isang dalagang Pilipina. Napakatalino at sakto lang ang ganda, yung tipong hindi nakakasawang tignan. Simula noong siya'y lumuwas ng Maynila upang doon mag-aral ng Kolehiyo. Nagsimula ang pagiging adik n...
'Luluwas na pala dito ang kapatid kong si Angela. Pagdating niya dito ipapakita ko sa kanya ang mga MV (Music videos) ni Freid. Tingnan ko lang kung hindi siya mabaliw sa sobrang gwapo! Kyaaaahhhhh!!! Iniisip ko pa lang mukha ni Freid mababaliw na ata ako!'
Naputol ang pag-papantasya ko nung marinig ko na may nag-door bell.
*Ting! Dong!*
"Sandali lang!" lumabas sa silid upang pagbuksan ang kapatid.
"Angelaaaaaa!!!!"
"Ateeeeee!!!"
Niyakap ang isa't isa.
"Namiss kitang bansot ka!"
"Anong bansot?! Ayan kasi di ka masyado nagbibisita don sa probinsya kaya ayan bansot pa din tingin mo sakin! Hmp!" pagmamaktol niya habang kinukuha ang mga bagahe sa taxi.
"Tsk! Di ba sabi ko naman sayo, busy ako. Sa katapusan ng buwan nalang sabay tayo umuwi ng probinsya. Tulungan na nga kita!"
"Mas mabuti pa.."
"Ano ba naman kasi tong mga gamit mo, ke dami dami. Sinabi ko naman sayo na may mga damit ako dito na hindi na magkasya sakin.."
"Tumaba ka kasi, may jowa ka na siguro kaya di kana nagbibisita sa bahay.."
"Uyyy! Wal----" may naisip na paraan. "Ayy oo nga sis may jowa nako! Actually papakilala kita sa kanya mamaya! Hihihihi!!!"
"Sabi na nga ba eh! Mapepektusan ko talaga yang lalaking yan.."
Ilang sandaling pagliligpit ay dumeretso na sina Angela at Julian sa silid.
"Ito na bansot, papakilala ko na sayo.." sabay kuha sa phone.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"
Meet my jowa.." Kinikilig habang pinasa ung phone.
O_O Angela's Reaction.
*speechless*
"Oh diba? Di ka magsisisi kung magiging bro in law mo yan.. Kasi sa sobrang gwapo mabibilaukan ka na.. Wag mo kong agawan ahh!"
"Tsk! Gwapo nga.. Pero Imposible na jowa mo yan.."