*Check multimedia box for Manager Jamie's photo*
Freid's POV
'Ang weirdo naman ng babaeng yon.'
Hinarap ko na ang mga fans ko na nagsisigaw na palitan siya. Pero hindi ko alam kung bat ayaw ko.
Parang interesting kasi ang babaeng yon.
After ng concert, binalikan ko agad si weirdong babae.
"Psst!" tinapik ko siya.
"Ay butiki!" bahagya pa siyang nagulat sa pagkakatapik kong yon.
"Pfft!" bahagya pa akong natawa kasi takip-takip niya pa din mukha niya kahit wala ng camera.
"Hoy! Anong nakakatawa huh?!" sigaw niya.
"Alisin mo nga yang shirt sa mukha mo. Nangangamoy bunganga na yan.."
"Ang kapal mo naman! Ambango kaya ng bunganga ko!"
"Whatever! Maghanda ka na, kasi mag shoshoot na tayo sa Boracay tonight.."
"Ano?! Magshoshoot?!"
"Narinig mo naman pala, magtatanong ka pa.."
"No! I mean, hindi pwede! baka makita ako sa TV.."
"Malamang! Alangan namang sa Radyo!"
"Hindi nga pwede!"
"Wala ng ayawan.." saka hinatak ko siya pasakay sa limousine.
"Ano ba! Magagalit yung ate ko. Wala pa siyang kaalam-alam dito!"
"Sasaya din yun, kapag nakita ka niya sa TV.. Kasi malaking achievement na yon para sayo.. Feeling artista ka na.."
Angela's POV
'Kailangan kong makatakas! Hindi naman yung date ang nais ko! Kundi yung free ticket! Pucha!'
"Pwede bang iba nalang?" tanong ko sa isang staff.
"Nakoooo! Miss! Hindi na pwede kasi mahirap na maghanap ng ipapalit sayo. And also, sobrang higpit ng oras ni Sir Freid.."
"Asar!"
"Alam mo, sa dinami dami ng fan ko. Ikaw lang ata ang tumangging maka-date ako?" sabat niya.
"Hindi naman sa tinatanggihan kita, it's just.. Hindi pa ako nakapagpaalam sa kapatid ko.."
"Okay, that's not a problem.." hinablot niya ang phone ko saka mukhang naghahanap sa numero ni Ate.
"Ate Julian right? Eto ba?"
Kinuha niya ang number ni Ate saka tinanong ang pangalan ko.
And dinial...
"Hello.. This is Freid Coleman.. And I am with your Sister Miss Angela Delos Reyes.. We're going to Boracay for a date. Okay bye.."
'Whut the?! Hindi man lang nakapagsalita ang ate ko..'
Ilang segundo lang ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay Ate.
"Hoy! Napakaswerte mong bansot ka! Bat di kita nakita sa concert?! Ikaw pala yung nanalo! Akala ko ba na-ooahan ka sa kanya!? Bat ganun?! Ang unfair mo!"
Since wala akong load di ko siya mareplyan. Mas mabuting alam na niya kung san ako ngayon at kung saan ako papadpad.
Ilang oras na byahe ay nakarating na kami sa destinasyon kung saan kami sasakay sa private plane ni Freid.

BINABASA MO ANG
My Idol was a Bad Boy
Teen FictionAng babaeng nagngangalang Angela Delos Reyes, isang dalagang Pilipina. Napakatalino at sakto lang ang ganda, yung tipong hindi nakakasawang tignan. Simula noong siya'y lumuwas ng Maynila upang doon mag-aral ng Kolehiyo. Nagsimula ang pagiging adik n...