Press Conference
Freid's POV
Pagpasok namin sa venue sobrang dami na ng Paparazzi na nag-aabang sa labas ng pinto na sunod-sunod akong binibigyan ng madaming tanong pero di sila makalapit samin dahil may mga body guards ako.
Habang hawak-hawak ko sa kamay si Angela at hinihila para siyang temang kasi nakapaa pa din siya. *facepalm*
Huminto kami sa banda na wala na masyadong tao.
"Suotin mo nga yang sapatos mo." reklamo ko.
"Wag na.. Mahihirapan lang ako ehh.." sagot niya.
Di nako sumagot saka kinuha ang sapatos at pinasuot sa paa niya.
"Hoy ano ba!" reklamo niya.
"Don't worry.. I am here to guide you." saka siya inalalayan.
Pagpasok namin sa room. Bumungad agad samin ang napakadaming cameras saka mic. At mga flashes ng cams.
Sinilyapan ko ng tingin si Angela halos takpan na niya mukha niya kasi nasisilaw siya sa mga flashes.
"Please stop taking pictures.." sabi ko sa ibang reporters.
Sumunod naman na sila.
"Hindi na tayo magpaligoy ligoy Mr. Freid.. Totoo ba ang issue?" Tanong sakin ng isang reporter.
"Yes.." sagot ko. "The issue is real, she's my girlfriend. And soon to be my loveteam.."
Tumatango-tango lang ang mga reporters saka nagsulat ng statement sa maliit nilang sulatan.
"Paano na po ang CamFreid fan?" tanong ng isa pang reporter.
"Ako na po ang bahalang ipaintindi sa kanila."
"May pag-asa pa ba kayong magbalikan ni Ma'am Camila?" Tanong ng isang reporter.
"Hindi ba kabastos-bastos ang pag-usapan ang bagay na yan sa harap ng girlfriend ko?" inis kong sagot.
"I'm sorry Mr. Freid, pero madami pa din pong fans niyo na hindi naniniwala na girlfriend niyo po ang babaeng yan----"
"Oo nga!" singit ng isang fan na nakapasok tapos binato si Angela ng itlog.
Pero hinarangan ko ito at sakin natapon ang itlog.
Halos manlambot ang babae nung tinignan ko siya ng napakatalim.
"Guards! Palabasin niyo ang isang yan!" sigaw ng manager.
Umupo na ako saka hinubad na ang vest ko na natapunan ng itlog. Kita ko pang inalalayan akong maghubad ni Angela pero tinapik ko kamay niya saka sinenyasan na umupo uli.
"About that, if some people don't believe our relationship. Then be it. We don't f*ckin care. We have our own lives." inis na inis na sagot ko.
Pero di pa din nagpatinag ang mga reporters at kita pa din sa mga mukha nila na hindi sila naniniwala.
'Well, don't have a choice. So it's time for me to do it..'
Hinarap ko ang mukha ni Angela sa mukha ko. Saka hinalikan siya.
Alam kong gulat siya sa ginawa ko at halos di siya makahinga.
'Then I need to tell the magical word..'
Inalis ko na ang labi ko sa labi niya. Kita ko pa din ang pagkagulat niya.
"I love you, Babe.." then I hugged her.
"Now? Are you satisfied?!" sigaw ko.
"No!"
"What the?!!" Tumayo nako saka hinila si Angela na nakatunganga pa din.
Angela's POV
Halos hindi ako makapaniwala sa ginawa niya.
'Hinalikan niya ako?!'
'Waaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh!!'
Tulala pa din ako habang hila-hila pa din ako.
*Snap* *snap*
Bahagya niya pang pinipitik pitik ang dalawa niyang daliri sa mukha ko upang magising ako sa katotohanan.
"Hey, hey.. Listen.." sabi niya sakin.
"Huh?" nagtataka pa din ako. Mukha kasi akong nalashing sa halik niya.
He rolled his eyes. "It's just a kiss.. And it's part of our plans.."
"Ahh-uh.." wla pa din sa wisyo kong sagot.
"Hoy!! Makinig ka nga!" sigaw niya na ikinagulat ko pa.
"Oo.. Yes? Bakit? Anyare?" parang tanga kong tanong.
Napa-facepalm siya.
"So, here's the deal. Those kiss, those I love you, anything! That I treat you so sweet. It is part of our plan. And don't ever think anything about it.. If you fall, You fail.. Understand?!"
"Yes.." napayuko ako.
Akala ko naman kasi totoo kaya natulala ako. Ikaw ba naman kasi ikiss ka ng idol mo tas with matching i love you pa. Sino ba naman ang hindi mawawala sa katinuan. Ansakit nga lang di totoo lahat acting lang pala.
'Haaayyss!'
Mngr. Jamies POV
Nakita ko ang dalawa na nag-uusap kaya nilapitan ko na.
"Angela.. Please be ready for tomorrow. I mean both of you.. We will start our first shooting.."
"What?!." sabay nilang tanong.
"Hindi pwede, wala pa akong karanasan.." sagot ni Angela.
"Yes! That's a good news!" maligayang sagot ni Freid saka inakbayan si Angela. "Kaming bahala sayo. We are a good teachers.."
"Get in.. Pupunta na tayo sa Paris.." sabi ko sa kanila.
"Wooaahhh! Paris! Hellcome back to myself!" saka hinila si Angela papasok ng Van.
"P-Pero yung mga gami---" pigil ni Angela kay Freid.
"No need, it's all settled.." sagot ko.
"See?! Si Manager pa! Nese kenye ne lehet!" pagbibiro ni Freid.
Tumawa nalang din ako kahit corny yung joke, di kase na gets ni Angela yung joke ni Freid kaya di natawa.
'But to be honest, Freid was so Jolly and corny when he meet Angela. Hmm.. So weird.'
BINABASA MO ANG
My Idol was a Bad Boy
Novela JuvenilAng babaeng nagngangalang Angela Delos Reyes, isang dalagang Pilipina. Napakatalino at sakto lang ang ganda, yung tipong hindi nakakasawang tignan. Simula noong siya'y lumuwas ng Maynila upang doon mag-aral ng Kolehiyo. Nagsimula ang pagiging adik n...