Chapter 1

4 0 0
                                    

*Check multimedia box for Angela Delos Reyes photo*

Angela's POV

Mabilis kong nilock ang pinto ng kwarto ko. Saka dali-daling kinuha ang phone ko sa bulsa.

..........

...........

...........

............

~Mama calling~

Halos mawalan ako ng hininga nung mapagtanto ko kung sino ung tumatawag.

'Akala ko pa naman yun na eh!'

Sinagot ko ang tawag ni Mama.

"Hello Ma?"

"Oh anak, antagal mo atang sinagot ang tawag ko? Nakakaabala ba ako sayo?"

"Hindi naman, Ma.."

"Kumusta na pala kayo ng Ate mo jan?"

"Okay lang naman ho.."

"Mabuti naman.. Sana anak pagbutihin ninyo ang pag-aaral jan sa Maynila. Gusto ko makausap ang Ate mo.."

"Opo.."

Lumabas na ako ng silid upang ibigay kay ate ang cellphone. Kaso bigla kong naalala ung wallpaper ko sa phone. 😣😣😣

"Ahh.. Ma.. Ke ate ka nalang po tumawag bibigay ko nalang po numero niya.."

"Aber?! Paano yan? Eh alam mo naman ang signal dito sa atin.. Kaya nagabihan ako sa pagtawag sa iyo kasi kung san san nako pumatong makakuha lang ng signal.."

"Ay sige po.. Pero sandali lang po ah.."

"O sya sge, bilisan mo baka maubusan na akong pangtawag anak.."

"Opo."

Dali-dali kong pinalitan ang wallpaper ng phone ko.  Nilagyan ng Password ang File manager.

Saka binigay kay ate ang phone.

"Ate, si Mama.." abot ko kay ate.

"Hello, Ma! Kumusta......"

Nag-cr muna ako kasi di ko kinaya ang ingay ni Ate.

Tinakpan ko yung inidoro saka umupo.

Di ko maiwasang mag-pantasya.

Iniisip ko na, nagkita kami ni Freid sa Concert niya. Saka ako ang napili para kantahan niya sa gitna ng stage, sinayawan. Hanggang sa hinalikan niya ako sa lips. O diba?  Bongga kiss agad. Pagkatapos ay binuhat niya ako papunta sa back stage and dumiretso sa private room niya saka nag love-mak-----.

'Wth?! Ano ba tong iniisip ko?! Erase! Erase!'

Napailing-iling ako sa naisip kong yun. Kaya tumayo nako at hinarap ang sarili sa salamin. Tas bigla nalang akong natawa sa sarili ko.

'That's impossible to happen..'

Saka tinapik ang sariling pisngi upang matauhan sa katotohanan. 

Lumabas na ako ng banyo. Nakita ko si Ate na nasa sala uli. Habang hawak-hawak ang phone ko. Kumbaga parang hinahalungkat niya.

"Hay nako! Kahit halungkatin mo pa lahat jan.. wala kang makikita.. Kilala na kita Ate.."

"Paanong makikita? Eh may password! Gaga!"

"Hahaha! Syempre aware nako sayo!"

My Idol was a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon