Chapter 5

3 0 0
                                    

Angela's POV

Pagkatapos kong permahan yung contract, paalis na sana ako sa harap ni Freid pero pinigilan niya akong makaalis.

"Wait.. Kailangan mo na din palang mag-ayos. Yung disenteng disente ka ahh!. May presscon tayong dadaluhan.. Pls hurry we're running out of time.." sabi niya sakin na ipinagtaka ko naman.

Napakamot pa ako sa ulo. "Ano? Ano ba yung presscon?"

"Maya ko na sasagutin kapag tapos ka na.. Magbihis ka na lang don.."

Tapos inalalayan ako ni Ate papasok sa silid niya.

"Hoy asungot kong kapatid! Tanga ka talaga noh?" ani niya saka sinara ang pinto.

"Tanga na agad? Di ko naman tlaga kasi alam kung ano yun?" sagot ko.

"Mabuti nalang talaga may Ate kang matalino.."

"Pfftttt.. Ano ba kasi yon?"

"Alam mo kasi, yung presscon. Para ring job interview.."

"Aber? Sino naman mag-iinterview sakin?"

"Malamang ang mga tsismosa't tsismoso sa showbizness.. Halerrr!"

"Ganun ba? So si Freid lang ang iinterviewhin? Di naman kasi ako artista.."

"Duhhh! Gaga ka talaga! Syempre kasali ka! About nga sa inyong dalawa yung interview.."

"Nakoooo! Pahamak talaga yung lalaking yun! Nadadamay pa ako sa kagaguhan niya!"

"Ohh! Tama na! Dami mo ng satsat mag-ayos ka na!" saka niya ako itinaboy palabas sa silid niya.

Pumasok na ako sa silid ko na di alam ang gagawin.

'hmmm? Anong klaseng damit naman ang susuotin ko?' 😓
'Hayysss! Bahala na nga lang!'

Hinalungkat ko lahat ng damit ko sa aparador. Wala akong makitang disenteng damit. Puro shirt at jeans lang ang meron ako.

'This is trouble!'

Wala akong choice kundi kumuha ng isang white plain shirt saka black jeans. Wala na kasi akong ibang damit.

Pagkatapos ay tinignan ang sarili sa full-length mirror.

So, ang kabuoan ko ngayon is, naka tuck-in yung shirt ko sa high-waisted jeans ko. Plus naka white shoes then tinalian ko buhok ko then nilagyan ko ng cap.

'Okay na siguru toh?'

Maya't maya papalabas na ako sa aking kwarto kaso nabagabag ako nung biglang pumasok si Ate Julian.

"Ohh my momayyy sissy?!! Yan ang susuotin mo?!"

"Oo bakit? Gulat na gulat ka ata sa ganda ko?" pagbibiro ko sa kanya.

"Oo inaamin ko, maganda ka sa sout mo ngayon. Pero mukha kang temang!! Magmumukha kang abubot ni Freid sa suot mo! Para kang isa sa mga staffs ni Freid! Jusmiyo!"

"Grabe nmn toh.. That hurts you know. Parang sinabi mo naman na baduy ako.."

"Yes you are! Wala kang sense of fashion!"

"Ang sakit ahh!!!"

"Mabuti nalang may dala akong mga dresses dito.. Alam ko babagay to sa kulay mong uling.."

"Tse! Porket naka-glutha ka ehh!"

"Shhhh! Manahimik ka nalang. Sekreto ko yan.."

Di na niya ako pinansin saka inilapag ang dresses sa kama ko.

"O ayan.. Wag ka na mag reklamo kung gaano ka-revealing ang mga yan. It's your time to shine. Ilabas ang nakatagong angking kagandahan ng lahi natin.."

"Mabuti naman at inamin mong mas maganda pako kesa sayo.."

"Diyan ka nagkakamali sissy.."

Di na ako umangal sa sinabi niya at ibinaling ang sarili sa mga damit na nakalapag sa kama.

Isang Peach, Carnation Pink, at Orange ang kulay ng mga damit.

Yung Peach dress simple lang ang design niya.

Off-shoulder siya tapos tas hapit na hapit sa balakang yung bottom part niya.

'Jusko wala pa naman akong pwet.' 😑

'Ayoko neto.. di bagay sakin..'

Yung kasunod naman ay yung orange dress.

Medyo revealing nga ang damit na toh. Crop top yung upper na kitang-kita ang mga tinatago kong bilbil saka mahaba hanggang paa yung bottom na parang salawal.

'Pssshh.. di ko bet..'

Lastly, yung carnation pink. Simple siya but yet sexy dress pa din.

Heart shape design yung sa may dibdib saka yung bottom mahabang salawal lang pero may slit sa right side na kitang-kita ang mahahaba kong legs.

So sa lahat ng sinukat ko, yung pinakahuli ang napili ni Ate. Pagkatapos ay minake-upan niya ako. Simple look lang daw, pero andaming pinapahid sa mukha ko.

Braided hair naman ang ginawa ni Ate tas nilagyan ng bulaklak ang tenga ko.

"Perfect!" biglaang sabat niya habang pinag-aralan ang kabuoan ko.

"Nagmukha ka ng tae sissy, ay este! Tao pala.. hihihi.."

"Tse!"

Pagkatapos ay may inilabas siyang shoe box.

"Yan ang suotin mong sapatos. Ingatan mo yan. Mahal ang bili ko diyan.."

Nung binuksan niya. Halos lumabas ang kaluluwa ko sa haba ng takong.

"Jusko po! Ang haba Ate! Di ko kaya yan.."

"Masasanay ka din diyan.. Basta wag mo lang sirain. Malilintekan ka talaga sakin.."

"Oo na!"

Natigil lang kami nung may marinig kaming katok.

*Tok Tok*

"Pwedeng pakibilisan ng konti? Late na tayo.." si Freid.

Kaya napilitan akong suotin yung mala-building na sapatos saka lumabas sa kwarto na parang robot kung maglakad habang nakakapit sa pader.

"Hihihihi.. Tara na.?" sabi ko kay Freid na parang natulala nung makita ako.

Naglakad na siya pababa. Hindi man lang ako inalalayan.

'Sigeeee! Pahirapan niyo pa akooo! Mga potek!'

Para mas mapabilis ang lakad ko hinubad ko yung sapatos saka nakapaa akong naglakad palabas.

Napa-facepalm nalang si Ate.

My Idol was a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon