Chapter 4

4 0 0
                                    

Manager Jamie's POV

We're on our way sa room ni Freid para i-check kung ano na nangyayari sa kanila. But we're on live.

"Be ready, baka tulog pa si Freid sa oras na toh.. Kailangan nating ipakita sa mga viewers kung paano syang magigising.." utos ko sa mga staffs and camera mans.

Lumapit muna ako sa counter upang tanungin kung anong room si Freid. Saka dumiretso na.

Nung nasa harap na kami ng kwarto niya, katok kami ng katok kaso ayaw buksan. Dala ng kaba ipinabukas ko ang room niya. Pero pagbukas, iba ang bumungad sa amin.

Yung fan at si Freid magkayakap na natutulog. Halos mawala ako sa sarili ko nung ma-realize kong naka-live kami.

'Oh noooo! This is a big trouble!!'

Dali-dali kong tinakpan yung mga camera saka pinapatay.

"Mga estupido! Alam niyo na ngang wala yun sa eksena patuloy pa din kayong kumukuha!" sigaw ko sa kanila. "At ikaw namang host ka! Ang tanga tanga mo!"

Saka ako naupo sa kama at napahilamos ng mukha.

"Freid naman! Alam mo namang nakakasira yan sa career mo! Ano na lang ang sasabihin ng mga fan mo?!" saka ko siya inalalayang bumangon.

"Ang sakit ng ulo ko.." sambit niya lang.

"Nag-iinom ka na naman kagabi? At kasama mo pa talaga ang babaeng yan? Wow lang.. Hoy! Wag ka ng magtago diyan! Aalis na tayo dito!"

Angela's POV

'Buset! Ansakit ng likod ko sa pagkakahulog ko halos di ako makatayo!'

Napabangon nalang ako agad nung sinigawan ako ng Manager ni Freid.

"O-Opo Maam.."

Pababa na kami ng hotel bumungad agad samin ang napakadaming tao at mga interviewers na nag-aabang kay Freid sa labas.

Napakadaming fan na galit na galit sakin. Kung wala lang mga bodyguards si Freid baka pinatay na nila ako. Dahil hindi sila makalapit sakin tinapunan nila ako ng itlog, kamatis at kung anu-ano pa.

Marami ding nangungulit kay Freid na mga Paparazzi kung jowa ba daw nya ako.

Sa inis ni Freid hindi ko akalain ang sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako upang mapunta sa kanya yung mga tinatapon ng mga tao sakin saka nahinto sila sa pagtatapon.

"Kayong lahat! Mga wala kayong kwenta!!" binigyan niya ng matalim na tingin ang mga nandoon.

Nakita ko pang pinipigilan siya ng Manager niya pero di sya nagpatinag.

"Subukan niyo uli ang ginawa niyo sa kanya! Ako ang makakaharap ninyo! Kahit isang pitik pa yan! Kasi jowa ko siya!" halos matahimik ang buong paligid na kanina lang ay ang ingay-ingay.

Hindi ko lubos maisip na nagawa niya yun sakin. Eh, isa lang naman akong fan.

Hawak-hawak niya pa din ang kamay ko habang kami ay pasakay sa van.

Pagkasakay namin sinumbatan agad siya ng Manager niya.

"What do you think your doing Freid?!"

Imbis na sagutin niya ang Manager binalewala niya lang ito saka ipinikit ang mga mata. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang nakapikit ang mga mata nito.

My Idol was a Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon