Pababa na siya ng eroplano ngayon. She was scared, para lang siyang tinatangay ng hangin. Manhid ang pakiramdam niya. Almost 6 years ngayon na lang siya ulit bumalik sa Pilipinas. Hindi niya alam ang mangyayari sa kanya ngayon dito. Ang nararamdaman niya ngayon ay malaking takot. Takot para sa Pamilya niya. At takot para kay Inno. Kung siya lang ang masusunod hindi na siya babalik na Pilipinas. Masaya na siya ngayon sa America, maganda at sucessful ang buhay niya doon. At madalas nasa America din ang Pamilya niya. Madalas mag stay ang Mommy niya at si Inno doon. Ngayon na lang hindi gaano dahil kailangan mag aral ni Inno.
Pinilit ko si Mommy na sa America na lang pag aralin si Inno, pero hindi ito pumayag. Ayaw nito na lumaki ang bata sa America, dahil liberated daw ang mga tao doon. Baka kung ano lang daw ang matutunan ng bata. At sumang ayon naman ako sa kanya.
At ngayon may nangyaring hindi inaasahan. Na ako lang ang makaka resolve ng problema. Kaya napilitan akong bumalik ng Pilipinas.
Nakasakay siya ngayon sa isang taxi. At naalala niya ang sinabi ng Mommy niya.
Flashback:
Kagagaling lang niya ng trabaho ng may tumawag sakanya longdistance from Philippines. Her Mom.
"Hija, you need to go back here immediately." bungad nito agad sakanya.
"Why Mom! May nangyari ba?" How's Inno?" tanong niya agad. Nakaramdam siya ng hindi maganda.
"Inno is fine hija. But he needs you now." sagot nito.
"Why Mom? What happen to him?" kinakabahan pa din siya
"Francine Mikaela knows Inno now. Hind isinasadyang nagkita kami sa isang mall kasama ko si Inno that time. And she asked me about Inno. At sa unang tingin pa lang niya sa anak mo alam na niya kung sino ito. Nakiusap lang ako sakanya na huwag niya ipagsasabi muna kahit kanino at sinabi ko nakailangan muna na magusap kayo." mahabang sabi ng Mommy niya.
Nanginig siyang bigla sa sinabi ng Mommy niya. Si Inno ay anak niya. At si Francine naman ay kapatid ng ama nito. Ang malaman ng ama nito ang hinding hindi niya mapapayagan. I need to talk to Francine. At alam ko maiintindihan niya ako.
"Uuwea ko agad diyan Mom. Please talk to Luis Carlo na siya muna ang pumalit sa akin dito at ako muna ang mag takeover ng business natin diyan." nakapagdesisyon na siya na sa Philippines muna siya para maalagaan niya personally ang anak niya.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
RomanceMy First Love, my everything. Si Franco Miguel Atienza. Ang nagiisang lalaking minahal ko. At lalaking nagparamdam sa akin ng sobrang pagmamahal. Na dahil sa pagmamahal na yon, nagdulot ng isang hindi magandang karanasan. Karanasan para mapalitan an...