FRANCO'S POV
Sunday night ng naka balik sila ng Manila, Philippines. Hindi matawaran ang sayang nararamdaman niya ngayon dahil nakapiling niya ng matagal ang anak niya. At may mga pagkakataon na nakapag usap sila ng asawa niya. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na tanggapin siya ulit nito. At gagawin niya ang lahat bumalik lang ang pag mamahal nito sa kanya.
Being a dumbass, hindi pa din siya makapaniwala na binigyan siya ng isang napaka gandang regalo sa buong buhay niya. Masasabi niya halos kumpleto na siya, kumpleto na ang buo niyang pagkatao. Ang mag-ina niya ang buhay niya. At gagawin niya ang lahat para dito. Babawi siya sa mga oras at panahon na hindi niya nakasama ang mga ito.
Pabalik na ako ng condo ko, hinatid ko muna ang magina ko sa mansyon ng mga Howards. At excited na din ako para bukas, alam ko matutuwa ang buo kong pamilya pag nakita nila si Inno. I know how much they wanted to have a grandchild.
Labis din ang tuwa ko na isinunod pa din ni Ianna ang anak ko sa akin. Dala dala nito ang pangalan ko.... Inno Miguel Atienza, my Inno. Hindi mawala ang mga ngiti niya habang paakyat ng condo niya. Naalala niya ang napag usapan nila ni Ianna kanina sa airport bago ang flight nila. Pinaalam niya dito na gusto niya ipakilala ang anak niya sa buong pamilya niya. At hindi din siya makakapayag na hindi kasama si Ianna.
FLASHBACK
"Ianna" tawag niya dito.
"Hmmp" sagot nito sabay harap sa kanya.
"Tomorrow, gusto ko sana dalin kayo ni Inno sa mansyon. My kaunting salo salo ang buong pamilya. At gusto ko sana ipakilala si Inno sa pamilya ko." sabi niya dito.
Matagal bago ito sumagot, parang ang lalim lalim ng iniisip niya. Hindi niya mahulaan kung ano susunod na sasabihin nito. Walang bakas na galit, at wala din bakas na pagkabigla, pero bakas sa muka niya ang pagkalito.
"Wala naman problema sa akin Franco na makilala ng pamilya mo ang anak ko, pero bakit kasama pa ako?" tanong nito sa kanya. Kaya pala matagal bago siya magsalita. Hays..
"You are my wife Sweetheart, pamilya pa din tayo sa batas at sa mata ng diyos. Kahit sabihin natin na hiwalay na tayo, sana ipakita natin kay Inno na buo tayo bilang isang pamilya. At umaasa ako na tatanggapin mo ulit ako." hinawakan niya ang mga kamay nito. "Please, pag isipan mo mabuti. Hihintayin ko ang sagot mo. Umaasa ako, at kahit kailan hindi ako mawawalan ng pagasa na mapapatawad mo din ako." hinigpitan ko ang paghawak sa mga kamay niya. Hindi ko talaga siya kayang basahin. Ang mga Mata niya na kahit kailan hindi ko makalimutan.
"Natatakot ako Franco, sobrang natatakot ako. Paano kung may dumating pang pagsubok sa atin? Paano kung hindi natin malampasan ulit? Yung tiwala ang wala sa atin Franco..... Madali kang mabulag, Hindi ka marunong makinig.. Paano ako makikisama sayo kung puro takot ang nararamdaman ko tuwing lalapit ka sa akin?"
"Pangako Ianna nagbago na ako. Hindi na ako yung dating immature at bingi sa mga paliwanag mo. Natuto na ako.... Natuto na ako sa lahat ng pagsubok ng pinagdaanan natin. Mahal kita Ianna, ikaw lang kaya ko mahalin at wala ng iba. And please tell me kung may Mali ako nagawa. Handa pa din ako magbago kung may mali pa din sa akin."
"Gusto ko subukan muli, para kay Inno. Pero takot ako...... takot na takot.... Takot na ulit ako masaktan, emotionally at physically. Paano ako makikisama sayo Franco? Paano kung lalapit ka pa lang sa akin kinakabahan na ako baka saktan mo ulit ako." mahina niyang sabi.
"I'm sorry Ianna.... I'm really really sorry, naging masama akong asawa sayo. Nabulag ako sa sobrang selos. Mahal na mahal kita. Masyado ako naging possessive sayo. Sana dumating yung araw na mawala yung trauma na yan. Sana mapalitan ulit ng pagmamahal ang lahat ng takot na yan. Please give me a chance. Please Sweetheart." I'm begging for her forgiveness. Gagawin ko ang lahat.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
RomanceMy First Love, my everything. Si Franco Miguel Atienza. Ang nagiisang lalaking minahal ko. At lalaking nagparamdam sa akin ng sobrang pagmamahal. Na dahil sa pagmamahal na yon, nagdulot ng isang hindi magandang karanasan. Karanasan para mapalitan an...