Chapter 14: Mico's Mad

36 0 0
                                    

IANNA'S POV

Mabilis na lumipas ang isang linggo at nakalipat na din kami sa bahay ni Franco na para sa amin pala talaga nakalaan. Nakita ko din ang effort ni Franco sa anak niya. Sinusundo niya ito araw araw sa school at lagi din niya ito pinapasyal.

Ako naman naging abala sa trabaho ko. Marami kasing mga projects na dapat imonitor, lalong lalo na ang projects ng AGC. Personal ko itong tinututukan, kasi isa ito sa pinakamalaking project namin sa kasalukuyan.

Still hindi ko pa din nakakausap si Mico, at kami naman ni Coleen very formal lang kung mag usap. Hindi ko magawang kausapin sila ng masinsinan. Alam ko na dapat hindi ko na ito pinatagal pa. Kailangan lapitan ko na sila, pero hindi ko alam kung paano. Gustong gusto ko kausapin ang bestfriend ko. Gusto ko siya lapitan para makipag ayos na. Ayoko ng ganito, hindi ako sanay. I try to call and to text him so many times pero wala ako response na nakukuwa dito. Kaya hinayaan ko muna siya, alam ko pag malamig na kakausapin din niya ako.

Nagpasya ako na puntahan siya sa opisina niya. Nasa isang company lang kami, head architect siya ng Howards. Dumiretso ako sa architect department para kausapin siya.

"Good Morning Ma'am" sabay sabay na bati nila sa akin. Nakita ko agad si Mico, nakita ko din ang pag iwas niya ng tingin sa akin.

"Can I talk to you privately?" direktang sabi ko sa kanya. Naramdaman siguro ng mga tao na may hindi magandang nangyari sa amin, kaya nagsi iwas na din ang mga ito.

"Not now Ianna." malamig na sagot nito.

"I want to talk to you as your boss!" matapang na sabi ko sa kanya. Ginamit ko na ang posisyon ko para makausap ko siya.

"Ok. Now what do you want to talk?" sabi nito na hindi man lang tumitingin sa akin. Abala pa din ito sa pagtingin sa plano na hawak nito. Wala din itong balak na ayain man lang ako sa loob ng opisina niya. Ano gusto niyang mangyari mag usap kami dito sa harap ng mga tauhan niya.

"I said privately Mico." medyo nagtaas na ako ng boses.

"Wala naman tayo dapat pag usapan regarding sa work Ianna. I know naman kung bakit nandito ka. Hindi ako tanga." shit galit talaga siya. Punong puno na din ako. Hindi ko na alam gagawin ko. Umiinit na din ako, gusto ko na siya patulan.

"Bakit ganyan ka tigas ang puso mo Mico, bakit ayaw mo man lang ako pakinggan kung bakit nagawa ko yun. Please give me a chance para magpaliwanag."

"Oo matigas talaga ang puso ko, hindi kasing lambot ng puso mo." tinalikuran na niya ako.

"Huwag kang bastos Mico, naguusap pa tayo."

"Wala na tayo dapat pag usapan pa Ianna."

"Ano gusto mo mangyari kalimutan na lang lahat? Kalimutan na lang pagkakaibigan natin?" kaunti na lang bibigay na ang luhang pinipigilan ko.

"Sayo nanggaling ang mga salita na yan at hindi sa akin. Kung ano ang gusto mo bahala ka. Muka naman masaya kana at kumpleto na ang pamilya mo. Hindi mo na ako kailangan pa." tuluyan na itong umalis sa harapan ko. At tuluyan na din bumigay ang luhang pinipigilan ko.

Sa loob ng opisina ko ibinuhos lahat ng luha at sakit na nararamdaman ko. Bakit ganun siya, hindi ba siya masaya para sa akin? Ano dahilan niya. Hindi ko siya maintindihan, kahit anong pilit hindi ko siya makuwang intindihin.

"Coleen, please come to my office now." tawag niya dito sa line.

Tahimik na dumating si Coleen sa loob ng opisina niya. Ilang segundo na ang lumipas pero wala pa din nagsasalita sa aming dalawa.

"Coleen" tawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin na hindi nagsasalita. "Ano ba dapat kong gawin? Hirap na hirap na ako Coleen. Hindi ako sanay ng ganito. Kayo lang ni Mico ang mga kaibigan ko, tapos ganito pa tayo. Alam ko na concern lang kayo sa akin, alam ko masyadong mabilis ang mga naging desisyon ko pero Coleen ginawa ko lahat ng ito para sa anak ko. Kung nakikita ninyo lang sana kung gaano ka saya si Inno ngayon maiintindihan ninyo ako. I swear hindi ko ginawa ito para sa sarili ko, ginawa ko ito para sa anak ko.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon