Kinabukasa, maagang nagising si Inno. Sa sobrang excited niya diretso siyang tumakbo palabas para puntahan ang Mommy niya sa room nito.
"Mom.... Mom... wake up!........ Mom wake up na po....." niyuyogyog ni Inno ang Mommy niya.
"Baby, maya na. Inaantok pa si Mommy." nakapikit niyang sagot sa anak.
"But Mom, may promised ka sa akin diba?" kulit pa din ng anak niya.
"Later na lang baby, tulog pa naman ang mga tito at tita mo eh." biglang niyakap niya si Inno at pinilit na ihiga. "Sleep ka ulit baby, tabihan mo si Mommy. Please........." pilit niya sa anak niya.
"Im so excited to see them Mom. Please wake up. Lola Lena prepared breakfast for us." pilit siyang hinihila ng anak niya. Wala na siyang magawa sa pagkukulit nito. Napilitan na siyang bumangon at pumunta ng C.R. kahit sobrang antok na antok pa siya.
"Mom, faster......" sigaw ng anak niya sa labas ng banyo. Ang kulit talaga sobra. Manang mana sa pinagmanahan tsk tsk.
"Wait baby..... 5 minutes more." hirap naman gumalaw pag sobrang sakit ng ulo. Naparami din kasi ang nainom nilang lahat. Kaya ito ramdam ko ang hangover.
"Fine Mom. Gisingin ko na silang lahat. Breakfast is ready na po...... Bye Mom." mabilis na itong tumakbo. Wala na ito paglabas niya, pipigilan pa sana niya ito na huwag muna gisingin ang mga bisita nila. Pero hindi ito magpapaawat. Kanina pa ito kating kating gisingin sila.
Pag labas siya ng kuwarto niya, narinig niyang maingay na sa labas. Naghahabulan si Mico at Inno. Mukang si Mico ang unang binulabog ng pilyo kong anak. Nangingiti siya sa paghaharutan ng dalawa. Naghahabulan ang dalawa papunta sa guest room kung saan naroon si Coleen at Mika.
Sabay binuksan ng dalawa ang pinto at sumigaw.
"Yaaaahhhhhhhh" sigaw ni Inno at Mico. Sabay lundag sa Kama.
"Tita wake up!!!!!!" niyugyog ni Inno sabay si Francine at Coleen. At sabay pa ang dalawa na nagtakip ng unan. Ayaw pansinin yung dalawang nangugulo.
May binulong si Mico kay Inno. At sabay pa nangiti ang dalawa sa kalokohan na naisip.
Biglang sabay na kiniliti nila ang dalawang natutulog.
"Waaaahhhhhhh"
"Yaaaahhhhh"
Tawa lang siya ng tawa habang pinapanuod yung apat na naghaharutan. Walang nagawa si Mika at Coleen. Napilitan na din silang tumayo, hindi din naman nila kayang tanggihan si Inno. Tinalikuran na niya ang mga ito at pumunta sa kusina para tulungan ang Mommy niya sa paghahanda ng breakfast para sa mga kaibiga niya.
"Hija, huwag ka na makialam pa dito at matatapos na din kami. Nakahanda na ang mesa kaya tawagin mo na lang silang lahat para makakain na tayo." Mommy Lena
"Pababa na silang lahat Mom. Ginising silang lahat ni Inno. Haha. Malamang nagkukulitan pa silang lahat doon." natatawa niyang sabi. "Wow ang sarap naman ng niluto mo Mom, bigla tuloy ako ginutom." Fried Rice with Garlic, bacon, egg, hotdog, longganisa, bread, and Coffee.
Madalas kasi ang breakfast lang nila sa America is Continnental breakfast lang. Ngayon kaharap niya ang typical Filipino breakfast. Sakto naman at nandito na silang lahat.
"Guys, breakfast is ready." masiglang sabi niya sa mga ito. Masayang nagtatawanan at naghaharutan ang mga ito habang naglalakad palapit sa mesa. Rinig na rinig ang malakas na tawa ni Inno. Masaya siya nakikita ang anak niya na ganito kasaya.
"Mommy!!!" sabay takb ni Inno sa kanya sabay yakap. "Mom, Tito Mico told me we gonna go to Mall daw later. We can watch movie and play. Im so excited Mom. Tita Coleen and Tita Francine excited too Mom. Right Tita's?" masaya itong binalita sa kanya agad ang plano nila.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
RomanceMy First Love, my everything. Si Franco Miguel Atienza. Ang nagiisang lalaking minahal ko. At lalaking nagparamdam sa akin ng sobrang pagmamahal. Na dahil sa pagmamahal na yon, nagdulot ng isang hindi magandang karanasan. Karanasan para mapalitan an...