Chapter 10:

47 0 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang restaurant malapit sa building ng Howards.

"Ianna what do you want?"

"Anything Franco. You choose."

"Okay."

Tinawag nito ang waiter at halos lahat ng menu ay in order nito.

"Franco ano toh? Mauubos ba natin yan? Ang dami dami niyan."

"Tsk...Basta kumain kana lang. Kung hindi natin maubos hayaan na lang natin."

"Wala ka pa din pinagbago Franco."

"Ako pa din ito ang lalaking sobrang nagmamahal pa din sa iyo Ianna. At kahit kailan hindi magbabago yun."

"Ano pag uusapan natin Franco? Ano yung sasabihin mo?"

Pagiiwas niya sa usapan. Mahirap marinig muli sa kanya ang mga salita na iyon. Hindi ako handa, at kailanman hindi ko na ulit siya mamahalin.

"Its about what happen 6 years ago."

Kinuwento lahat lahat ni Franco ang mga nangyari. At ang lahat ng ginawa ni Kyla sa kanila. 

"Shit.... She ruined are life." iyak siya ng iyak sa lahat ng mga narinig niya. 

"Hush Sweetheart."

"Walang kapatawaran ang lahat ng ginawa ng hayop na babae na yon. Sinira niya ang buhay ko. Halos mabaliw ako sa lahat ng ginawa mo non. Sobrang naging meserable ako. Pagbabayaran niya lahat. Wag na wag siyang magpapakita sa akin. F*CK I WANT TO KILL HER!"

"Pagbabayaran niya lahat ng ito pangako ko sayo Ianna." 

"Napakalaki na nagawa niyang kasalanan sa akin. Sa mga paghihirap na pinagdaanan ko, kung alam mo lang Franco." tuloy tuloy pa din ang luha sa mga mata niya. Masamang masama ang loob niya sa mga narinig niya. Biglang naisip niya si Inno. Ito na ba yung panahon para ipakilala ko si Inno kay Franco. "Puwede mo ba ako samahan ngayon may pupuntahan lang tayo."

"Kahit saan Ianna." 

Sabay na silang tumayo, at pumunta ng Parking lot ng restaurant. 

Mahaba habang ang naging biyahe niya. Tinatahak nila ngayon ang school kung saan nag aaral si Inno. Buo na ang loob niyang ipakilala ito kay Franco. Naging biktima din ito ng pagkakataon kaya wala ng dahilan para ipagkait ko pa ang anak ko dito. 

Pero, sa lahat ng nalaman ko, panahon na din ang nagdikta na hindi kami sa isat isa. Kasi nasubukan ang pagmamahalan namin. Nawala ang pagtitiwala, nabalutan ng maling hinala, at paghuhusga. Kailanman hindi ko matanggap ang physical at emotional na sakit na naranasan ko sa kanya. 

Hanggang dito na lang siguro kami......... Oo hanggang dito na lang........... Dahil tapos na ang lahat. 

Pagkadating namin sa school inaya ko muna siya na umupo sa silya na naroon. Hindi pa kasi time ng out nila Inno. May 30 minutes pa para maghintay. Narito kami sa upuan kung saan ako madalas naghihintay sa kanya. Kaya alam kong lalapit dito ang anak ko. 

"Franco!" tawag niya dito. 

"Hmm" sagot naman nito. 

"A-alam ko nagtataka ka siguro kung bakit kita dinala dito. Pero mamaya malalaman mo din kung bakit kita dinala ngayon dito.......Franco, Gusto ko sana malaman mo na, tanggap ko na, matagal na, ang lahat ng ginawa mo sa akin. Ang lahat ng mga nangyari, gusto ko sana linawin sayo na hanggang kaibigan na lang kaya ko ibigay sayo. Sana maintindihan mo ako." tama lang siguro na maging straight na ako sa kanya. Para hindi na din siya umasa. At gusto ko din maging okay kami para sa anak namin. 

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon