Chapter 11: Perfect Family

41 0 0
                                    

 

Franco's POV

Hindi pa din ako makapaniwala na may anak na ako, sa lahat ng kasalanan at kasamaan na nagawa ko, binigyan pa din ako ng napaka gandang blessing. Si Inno, im so happy to have him. Ng yakapin ko siya, at ng nakita ko siya hindi maitatanggi na anak ko nga siya. Ramdam na ramdam ko na akin siya, dugot laman ko siya. At gagawin ko ang lahat para bumawi sa kanya. Maging isang mabuting ama. Ibibigay ko lahat ng mga pangangailangan niya. 

May lungkot din ako nadama sa puso ko.... Marami ako na miss sa buhay niya na hindi ko nagawa. Sana nandoon ako sa tabi ni Ianna habang pinagbubuntis niya ang anak ko. Sana naroon din ako sa tabi niya habang pinanganganak niya ang anak ko. Sana, kasama niya ako nagpapalit ng diaper, nagpapaligo at nagpapa dede sa anak ko. 

Laging nasa huli talaga ang pagsisisi. Kung hindi lang ako nag bulag bulagan, sana masaya kami bilang isang buong pamilya ngayon.

"D*mn my F*cking life. Aanhin ko ang maraming pera kung hindi naman buo ang pinangarap kong pamilya." para siyang tangang nagsasalitang mag isa habang umiinum sa condo niya. 

Frustrate na frustrate siya. Hanggang ngayon iniisip niya ang sinabi ni Ianna kanina. Humihingi ito ng divorce sa kanya. Pero f*ck, hindi niya kayang ibigay dito ang hinihiling nito. Ngayon pa na nalaman niyang may anak na sila. 

Kailangan ni Inno ng buo at masayang pamilya, at gagawin din niya ang lahat  para mabuo ang kanyang pamilya. At gagawin niya ang lahat para mahalin siya ulit ni Ianna. 

HONGKONG

Nandito na kami ngayon sa hotel sa Hongkong. Masayang masaya ang anak ko habang nasa daan pa lang kami kanina. Tuwang tuwa ako sa kasiyahan na nakikita ko sa mga mata nito. Kahit si Ianna ay masaya din. Lagi itong naka assist sa anak namin. Kitang kita ko ang pagiging mabuting ina nito. Nalaman ko din dito na hands on siya sa pagpapalaki dito.

"Daddy, can we go to Disneyland na po." tanong agad ng anak niya pag dating pa lang nila sa suite room nila. 

"Later baby, we eat lunch first muna para we have more energy." yumuko siya para kausapin ang anak niya. 

"Okay Dad." sang ayon naman nito. 

Tinapik na lang niya ang ulo nito. At humarap siya kay Ianna. 

"Ianna, magpa deliver na lang ba tayo dito ng lunch or sa restaurant na tayo?" tanong niya dito. 

"Dito na lang siguro, para habang hinihintay natin yung food, makapag ready na din tayo. Excited na anak natin, mainipin pa naman yan." sabi nito habang inaayos ang mga gamit ni Inno. 

"Okay fine." tumawag na siya sa receptionist para umorder ng food. 

Ianna's POV

"Daddy, sakay tayo dun." turo nito sa roller coaster.

"Baby, hindi ka pa puwede sumakay dun. Mag age limit ang puwede sumakay dun. Youre too young." paliwanag ni Franco dito. 

Biglang pout naman ni Inno. Hay ang baby ko sarap kurutin ang cute cute habang naka pout. 

"Okay Dad. Pero sakay po tayo sa lahat ng rides na puwede po ako ah." 

"Sure baby. Ngayon picture muna tayo ah." 

"Yehey gusto ko yan Dad, para maipakita ko sa mga classmate ko na may Daddy na ako. Lagi po kasi nila ako inaaway lalo na po si Gabby." biglang sumbong nito sa Daddy niya. 

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon