Maaga silang nakarating sa AGC. May mga sumalubong sa kanilang staff para mag assist sa kanila. Dumiretso sila sa isang conference room. Kagaya niya noong una, humanga din si Mico at Coleen sa kagandahan ng buong building. Ang stracture at decoration ay napaka ganda. Napaka linis at moderno.
"Atienza Group of Company huh?" makahulugang sabi ni Mico.
"Related ba ito sa husband mo Ianna?" bulong ni Coleen sa kanya.
"I dont know Coleen. Never ko pa na meet si Mr. Atienza. Tanong ko din yan sa isip ko kung related siya dito sa AGC. Ang alam ko kasi noon ang name ng Company nila Atienza-Lim Corporation. Baka naman ka apliyido lang niya. Sabi ni Greg last time sa akin, nandito daw si Mr. Atienza sa Contract signing kaya malalaman din natin kung sino siya." medyo kabado niyang sabi.
Tuloy tuloy lang sila sa paglalakad papuntang conference room. Naghihintay na daw ang mga board member ng AGC. Sa pangunguna ni Greg.
Pag bukas namin ng pinto, naka upo na ang lahat. Tahimik lang silang nakatingin sa aming lahat.
"Nice to see you again Ms. Howard." bati sa akin ni Greg.
"Nice to see you to Mr. Smith." ganting bati niya dito. Pinakilala sin niya ang dalawang kaibigan niya na hindi pa nito na meet. "I would like you to meet my friend/secretary Coleen Lao, and our senior Engineer Mico Garcia."
"And guys I want you to meet Mr. Greg Smith, OM of AGC." Nagkamayan ang tatlo.
Isa isa na din kami ipinakilala sa mga board member. Wala ako narinig na CEO/President. Ibig sabihin wala pa dito si Mr. Atienza. Iba ang tibok ng puso ni Ianna. Para siyang kinakabahan at hindi mapakali. Biglang nagsalita si Greg.
"Nagtataka siguro kayo kung bakit wala dito si Mr. Atienza. May emergency kasi nangyari sa isa namin factory na personal niyang tiningnan. Hindi siya makakasama ngayon dito sa contract signing natin. Pero nauna na siyang pumirma, ngayon ang mga board member na lang at ang Howards ang hinihintay natin." masiglang sabi ni Greg sa lahat.
Nagtataka man si Ianna hindi na niya makuwang magtanong. Sumabay na lang siya sa agos ng usapan. Tahimik at maayos naman na tapos ang contarct signing. Nagpaalam na din sila sa Staff nga AGC.
Paglabas nila tinawagan ni Ianna si Francine. "Hello Mika."
"Ianna napatawag ka." sagot nito.
"Yes, busy kaba today?" tanong niya dito.
"Hindi naman. Why?" sagot nito.
"May small celebration kasi ang buong team ko. I want you to invite sana. Para ma meet na din ang other friends ko sa America. Kung okay lang sayo." sabi niya.
"Ofcourse Ianna. And gusto ko din kita makasama. Marami pa tayo hindi napag kukwentuhan right? San naman?" tanong nito.
"I'll txt you na alang kung saan." sabi niyo.
"Okay see you then. Bye..." pinutol na nito ang usapan nila.
Bumalik muna ang buong team sa office ng Howards bago dumiretso sa bar. Naligo at nagpalit muna ng damit si Ianna para mas comportable siyang kumilos. At umuwe muna ang dalawa niyang kaibigan para na din makapag palit ng damit.
Nagtxt siya kay Francine para sabihin dito kung saan ang place at kung anong oras sila magkikita.
FRANCO'S POV
Nasa madilim siyang bahagi ng conference room kung saan nagaganap ang Contract signing ng Howards at AGC. Sinadya niyang hindi magpakita kay Ianna. Hindi pa siya handang harapin ito. Magulo pa ang isip niya, at gusto niyang planuhin ang lahat.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
RomanceMy First Love, my everything. Si Franco Miguel Atienza. Ang nagiisang lalaking minahal ko. At lalaking nagparamdam sa akin ng sobrang pagmamahal. Na dahil sa pagmamahal na yon, nagdulot ng isang hindi magandang karanasan. Karanasan para mapalitan an...