Franco's POV
Kahit isang segundo hindi nawala sa paningin niya si Ianna. I want to kiss her, to hug her. Sobrang miss na miss ko na siya.
Kitang kita niya ang galit sa mga mata nito. Ang pangnginig ng mga kamay nito at hindi nito mapakali. Hindi siya papayag na hindi sila makapag usap na dalawa ngayon. Kailangan malinaw na niya ang lahat lahat dito. At gagawin niya ang lahat para bumalik lang ito sa kanya.
Hindi na niya pinahaba pa ang presentation. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay makausap ito. Kita niya ang biglang pagtayo nito, at hinarangan niya agad ito. Wala siyang paki alam kahit pag tinginan sila ng mga tao.
Hinawakan niya ito sa braso para pigilan. Nagulat ito sa ginawa niya.
"Let me go Franco. Huwag na huwag mo ako mahahawakan." sigaw nito sa kanya.
"Mag usap tayo Ianna."
"Wala tayo dapat pag usapan pa Franco." sabay lakad nito palabas.
Hinabol niya ito, pero pilit pa din itong kumawala sa kanya. Pinagtitinginan silang lahat ng mga empleyado niya.
"STOP IANNA. I said I want to talk to you!!!' sigaw na niya dito. At tumigil naman ito. Hinatak niya ito papasok sa kanyang room. Ayaw niyang marinig ng kahit na sino kung ano man ang paguusapan nilang mag asawa.
"DAMN YOU FRANCO." sabay tulak nito sa kanya. Galit na galit ang mga mata nito na tumingin sa kanya. Naiintindihan niya ang galit nito. Pero gagawin ko lahat para makapag usap kami. Kahit murahin pa niya buong pagkatao ko. I deserved it. Im asshole....
"Sige Ianna, saktan mo ako.... hindi kita pipigilan. I deserved it...." hinawakan niya ang kamay nito para ihampas sa katawan nya. Para kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ng asawa niya sa kanya. "Nabulag ako ng sobrang selos, na brain wash ako, nagpaka tanga ako. Hindi ako nakinig sa paliwanag mo. Alam ko na lahat Ianna. Na set up tayo ni Kyala. Fuck...... I want to kill her." sabi niya sa pagitan ng pagpatak ng kanyang luha.
"Oo Franco napaka tanga mo. Sinayang mo ang lahat." tuluyan ng umagos ang luha sa mga mata nito. Gustong gusto niyang yakapin at ikulong ito sa braso niya. "Sinayang mo lahat, pinag laban kita, minahal kita higit pa sa sarili ko, pero banalewala mo lang. Huli na lahat para baguhin pa ang nakaraan. Wala na tayo magagawa pa Franco."
"No Ianna, mahal kita at walang nagbago. Gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin." sincere na sabi niya dito.
"Let me go Franco. Palayain mo na ako." paki usap nito sa kanya.
"Hindi Ianna. Kahit kailan at kahit ano gawin mo hindi ko ibibigay ang gusto mo."
"Limang taon na ang lumipas Franco, limang taon ako nag dusa. Marami ng nag bago, hindi na ako ang dating Ianna na minahal mo. At kahit kailan hindi kita mapapatawad sa lahat ng ginawa mo. Huwag kang umasa na mamahalin kita ulit." hilam na sa luha ang mata nito. Masakit marinig ang lahat ng sinabi niya sa akin. Hindi ko napansin and luhang tumulo sa mga mata ko.
"DAMN IT......." tuluyan na siyang bumigay. "Ianna lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako. Please sabihin mo sa akin..... please gagawin ko ang lahat." paki usap niya dito.
"I want DIVORCE Franco." direktang sabi nito.
"NO....... NO..... Hindi.....Please....... Huwag lang iyan Ianna. Iyan lang nagiisang pinanghahawakan ko sayo. Para masabi ko na akin ka lang." pagmamakaawa niya dito.
"Franco please gusto ko ng katahimikan. Hayaan mo na ako. Pakawalan mo na ako. Para mo ng awa..... Nakikiusap ako sayo." lalong bumuhos ang mga luha nito.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
RomanceMy First Love, my everything. Si Franco Miguel Atienza. Ang nagiisang lalaking minahal ko. At lalaking nagparamdam sa akin ng sobrang pagmamahal. Na dahil sa pagmamahal na yon, nagdulot ng isang hindi magandang karanasan. Karanasan para mapalitan an...