Marahang binuksan ni Leanne ang pinto. Isang ginang ang sumalubong sa kanya. Ito siguro ang mama ni Zyren.
"Magandang hapon po," bati niya.
"Good afternoon din," nakangiting bati ng ginang sa kanya. "I hope ikaw na si Leanne."
Nagulat siya sa sinabi nito. Totoo nga atang hinihintay siya ni Zyren o baka naman isinumbong na siya ni Zyren sa mama nito kaya siya hinihintay ng ginang. "Ah, opo."
Ngumiti pa lalo ang ginang. "Goodness! Thank you at bumisita ka na. Pag nagising iyang anak ko, pwede bang pakainin mo siya? Ayaw kumain e hinihintay ka niya hanggang sa makatulog na siya ulit nang hindi kumakain."
"Ho?" Nag-aalalang binalingan niya si Zyren na natutulog sa kama. May benda ang kaliwang braso nito na siyang nagtamo ng sugat. Ano na namang iniisip ng isang ito at ginawa pa akong excuse para hindi kumain?
Pinaupo siya ng ginang sa isang upuan sa tabi ng kama ni Zyren. "Okay lang ba na humingi ng pabor hija?"
"Ano po iyon?"
"Pakibantayan muna ang anak ko. Kukuha lang ako ng gamit sa bahay."
"Sige po." Ibinilin ng ginang ang pagkaing ipapakain niya kay Zyren kung sakaling magising ito.
Maya-maya pa ay sila na lang dalawa ni Zyren ang nasa silid. Walang choice si Leanne kundi ang panoorin ang pagtulog nito. Ngayon lang niya napagnilay-nilayan ang napakaraming bagay. She really didn't hate this guy. Siguro sa tagal ng pang-aasar nito sa kanya ay nasanay na lang siya sa ganong klase ng treatment nila sa isa't isa. In fact, this guy was really a good guy after all. May mga pagkakataong mabait din naman ito sa kanya. She just kept ignoring those facts kasi mas nabibigyan niya ng atensyon ang kaepalan nito sa buhay niya.
And he's really a good-looking guy. Parang ang sarap-sarap haplusin ng gwapo nitong mukha. Bigla niyang naalala nung niyakap siya nito. Nagulat siya nang biglang kumabog ang puso niya. Kinapa niya ang kaliwang dibdib. Mabilis ang heartbeat niya habang minamasdan niya si Zyren na tahimik na natutulog. Oh no, am I? Naalala rin niya ang sinabi ni Marco kanina. In love ba ako sa'yo? Iyon ba ang gustong sabihin ng pinsan niya? At bilang sagot, dumoble ang kabang naramdaman niya.
"Leanne!"
"Ay, in love!" Nagulat siya sa biglang pagsambit ni Zyren ng pangalan niya. Hindi na niya namalayan na nagising na pala ito dahil na rin sa lalim ng iniisip niya.
Tumawa ito. "I can't believe this. Andito ka nga. Bakit ngayon ka lang dumalaw sa akin? Kahapon pa kita hinihintay," tila nagtatampong sambit nito.
"Bakit mo ako hinihintay?" Tumayo siya para ipaghanda ito ng pagkain.
"Magpapaalaga ako sa'yo."
Maang na binalingan niya ito. He just teasingly smiled at her. "Ha?"
"Dapat inaalagaan mo ako. Kawawa nga ako e, wala man lang akong girlfriend na mag-aalaga sa akin," parang batang ungot nito.
"Eh bakit kasi hindi ka manligaw para magka-girlfriend ka? Hindi iyong ako iyong pinagtitripan mo." Inalalayan niya itong makabangon. "Dahan-dahan lang." Inayos niya ang unan para maging mas comfortable ito.
"Thanks. Eh, natakot na akong manligaw mula noong nakatikim ako ng "unang ligaw-unang basted syndrome" sa'yo. Well, I'm thinking na lahat ng babae ba-basted-in lang ako. So why waste time courting?"
BINABASA MO ANG
Love Story by Headlines (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Teen Fiction"Pag pinakasalan mo ako, magkakaroon ka ng asawng gwapo, simpatiko at romantic. At higit sa lahat, wala ka nang makikitang handang maging punching bag mo habambuhay. Handa akong ma-deform ang buong katawan ko kung doon ka masaya!" Away.... asaran...