Alas-siyete na ng gabi nang matapos ang training ni Leanne sa Aikido Club niya. May pinaghahandaan siyang martial arts tournament kaya panay din ang training niya. She promised her father that she would return with a gold medal after the tournament in Korea.
Papalabas na siya ng gusali nang mamataan niya si Zyren na nakaabang na naman sa kanya. Kahit medyo malayo pa ito sa kanya, malinaw sa kanya ang gwapong mukha nito. Oo na, gwapo nga ito. Pero sa paningin niya ay isa pa rin itong tipaklong na nag-anyong tao at alagad ni Satanas na may sungay at buntot na ang misyon ay sirain ang araw nya.
Peste! At bakit na naman ito nakaabang?
"Leanne!" agad nitong inihara ang sarili nang tinangka niyang iwasan ito. Dumipa pa ito para masiguradong hindi siya makakatakas.
"Bakit na naman ba?" naaasar na tugon niya. "Inayos ko na po ang tie ng uniform ko. Pwede ba, paraanin mo nga ako. Marami pa akong gagawin at wala akong oras para sa isang non-sense student na pakalat-kalat dito sa campus!"
"Non-sense student? Oh, probably you're talking about yourself. Hubarin mo!" agad na utos nito.
Exaggerated na napayakap siya sa sarili. Pinandilatan niya ito. "What?! Manyak ka talaga!" Di na siya nagpapigil pa. Inundayan na niya ito ng suntok at dahil mukhang nabigla ito ay di ito nakailag. Tumama ang kamao nya sa kaliwang pisngi nito. Nakuha nila ang atensyon ng mga estudyanteng ang hobby ay ang manood ng live action movie.
Madaling nakabawi si Zyren sa nangyari. "Ano ka ba? Bakit ka basta-basta na lang nanununtok? Ang dumi ng isip mo! Pinapahubad ko lang ang suot mong color pink at mint green na anklet! Bawal yan sa campus kapag hindi wash day! Pasalamat ka, babae ka at pinsan ka ng best friend ko dahil kung hindi-"
"Uupakan mo rin ako? Hoy, Mr. Castillo hindi ako natatakot sa 'yo!"
"Hubarin mo na sabi!"
Napilitan si Leanne na tanggalin ang suot na anklet. Ibinato niya iyon sa mukha nito. "O, lamunin mo ang anklet ko!" Papaalis na sana siya nang hablutin nito ang kanyang braso.
"Hep! May offense ka pa! May pasa ang pisngi ko!"
"Oh, good! Eh ano ngayon kung may pasa ang pisngi mo? Ipapa-discipline office mo ako? Sige, tara. Ireklamo mo na nasuntok ko ang President ng Student Council ng walang kalaban-laban!"
"Hindi yon ang gusto ko. Mag-sorry ka!"
Ang kapal ng mukha! Wala ka na ngang ginawa guluhin ang mundo ko. Ako pa ang magso-sorry sa'yo? "Nek-nek mo!" binawi niya ang kanyang braso at mabilis na naglakad papalayo dito.
"I CAN'T believe that woman! Pinaglihi ata siya sa violence ng nanay niya-Aray!" Napangiwi si Zyren nang dampian ng school nurse ng yelo ang napinsalang pisngi niya.
Tumawa si Crista. "Pasensya ka na sa best friend ko. Above boiling point lang naman ang asar niya sa'yo kaya ayan lumalabas ang cariño brutal niya."
"Cariño brutal? Eh kaya naman pala walang magkamaling pumatol diyan sa kaibigan mong iyan e. Sinong siraulong lalaki ang magkakagusto sa kanya?"
"Ikaw. Ikaw lang naman ang nagkagusto sa kanya e," natatawa pa ring tugon nito. "Ay meron palang isa pa, si Jerick."
Tiningnan niya ng masama ito. "Alam mo, magsama kayo ng boyfriend mo. Wala na kayong ginawa ni Marco kundi ipagpilitan ako sa babaeng amazona na iyon. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko na talaga type si Leanne?"
Umiwas lang ito ng tingin waring hindi naniwala sa sinabi niya. "Sinabi mo e."
Magrereklamo pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto at humahangos na lumapit sa kanya ang isa pa niyang bangungot.
![](https://img.wattpad.com/cover/181890776-288-k223797.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Story by Headlines (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Ficção Adolescente"Pag pinakasalan mo ako, magkakaroon ka ng asawng gwapo, simpatiko at romantic. At higit sa lahat, wala ka nang makikitang handang maging punching bag mo habambuhay. Handa akong ma-deform ang buong katawan ko kung doon ka masaya!" Away.... asaran...