Chapter Four

268 11 56
                                    


"Ano na naman 'to?" Agang-aga ay maagang pambubuwisit ang natanggap ni Leanne. Pagbukas niya ng locker niya ay isang maliit na picture frame na may picture niya ang bumungad sa kanya. May itim na kandila doon at voodoo doll. Asar na asar na kinuha niya ang note doon.

Love my welcome gift, beybs? Muwaah!

"Zyren!!!!"

"Uy, ano iyan?" usisa ni Crista.

"Bigay ni Zyren iyan. Siya lang naman ang maepal na kakilala ko e. Ang lalaking talagang iyon! Gagamitin ko sa kanya ang voodoo doll na ito e. Lalagyan ko siya ng kulugo sa mukha!"

Ang buong akala pa man din niya e titigil na ito na pagtripan siya dahil pawang naging mabait ito noong pumasok siya after one week siyang nawala. Maling-mali pala.

"Ikaw talaga friend. Ang sweet n'yo ni Zyren. Sana mauntog na kayo pareho."

"Ano kamo?"

"Ay wala!" umiiling na sambit nito.

"Gagantihan ko ang lalaking iyon. Nasa'n ba iyon?"

"Postpone mo muna iyan, 'day! Nasa Baguio si Fafa Zyren. Youth Conference daw."

"Bakit mo alam iyan? Ikaw ha, isusumbong kita sa pinsan ko. Stalker ka ni Zyren ano?"

Pabirong sinabunutan siya nito. "Loka ka. Appointed events coordinator na kaya ako student council."

"Kelan ang balik niya?"

"Next week pa."

"Ay ganon? Di bale, I have one week to peacefully ruin his image." Tumawa siya ala mangkukulam.

"Anong gagawin mo? Nakakatakot ka."

Binalingan niya ang kunot-noong si Crista. "Secret."

She planned her crime carefully. Kung talagang ayaw ni Zyren na tigilan siya, puwes hindi siya ang tipo na susukuan ito. Matira sa kanila ang matibay. Matagal-tagal na rin niyang hindi nagagamit ang cariño brutal niya dito at nangangati na ang kamay niyang regaluhan ito ng pasa pag balik nito. The battle was officially on.

Nasa kalagitnaan pa siya ng planning sa utak niya nang lapitan siya ni Jerick.

Dramatic na humahangos na lumapit ito sa kanya. "Totoo ba? Patay na patay ka na naman kay Zyren? Nagkahiwalay kayo at nagkabalikan?"

Napamulagat siya. "Ha?"

"Iyon iyong nakalagay sa headline ng freedom board. Si Zyren mismo ang nagsulat nung press release. Totoo ba? Bakit siya? Ang tagal ko ng nanliligaw sa'yo ah."

"Ano? Tumabi ka nga." Pinalayas niya ito sa daraanan niya. Dali-dali siyang nagpunta sa freedom board. Marami ring usisero ang andon.

Lalong naningkit ang mata niya nang makita ang picture nila ni Zyren sa loob mismo ng kitchen ng in house hotel. Iyon iyong mga sandaling hawak ni Zyren ang kamay niya.

"Leanne, totoo ba iyang nakikita ng beautiful eyes ko?" tanong ni Crista. "Akala ko ba punishment nyo yan? Bakit mukhang hindi naman kayo punished. Sweet ha."

"Uuuuuyy..." panggagatong pa ng mga tao roon.

"Tse!" Lalong nanlaki ang mata niya sa nabasang tag-line. She just admitted she likes me... so all guys, back off. Leanne is mine. "Hindi totoo iyan! Ang kapal ng mukha!"

Love Story by Headlines (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon