Chapter Five

249 13 71
                                    


Kausap ni Leanne ang kanyang ama sa cell phone. Nasa probinsya kasi ang pamilya niya. Nakatira lang siya sa inupahang apartment kasama si Marco.

"Opo, 'Tay. Pag-uwi ko po, dadalhin ko po iyong medals ko para makita n'yo. Galing ko kaya ano. Mana ako sa inyo e."

"May ganong pambobola ka pa, anak. Hindi mo na ako madadala sa ganyan. Maiba ako, anak. May manliligaw ka ba diyan? Aba, e 'wag ka basta-basta magpapaligaw ha. Ipakilala mo muna kay Marco ha."

"'Tay, hindi po ako nagpapaligaw. May mga nangungulit pero ayoko po."

"Bakit ayaw mo anak?"

"Basta po, ayoko pa po."

"Kung sabagay, e may tamang panahon para sa bagay na iyan. Teka, iyong sinusumbong mong si Zyren, ginugulo ka pa ba noon?"

"Medyo po, pero hindi naman po masama. Mabait naman din po iyon at kaibigan ni Marco kaya wala kayong dapat alalahanin sa kanya. Power trip lang talaga po ang dahilan kung bakit kami nag-aasaran."

Nakita niya si Zyren na nakatayo na naman sa may pintuan ng classroom at tila inaabangan siya.

"'Tay, tatawag na lang po ako ulit. May klase na po ako e. Sige po."

"Sige, anak. Mag-ingat ka palagi diyan ha."

"Opo, 'Tay."

Papasok na siya ng classroom nang harangin siya nito. Nilagpasan lang niya ito. "Ang laki ng trash can sa pintuan ah," pang-aasar pa niya.

Nagulat siya nang biglang hinalbot nito ang kamay niya. Dumukot ito sa bulsa at isinuot sa braso niya ang anklet na kinuha nito sa kanya noon. Bakit ba di niya maiwasang tingnan ang mukha ng kumag na ito? Mukhang di na niya nagugustuhan ang nararamdaman.

"Ikaw lang ata ang Dean's lister na mahina ang IQ. Ang anklet po ay isinusuot sa may talampakan at hindi sa braso."

Tinitigan siya nito. Dahilan para mas makita niyang mabuti ang mukha nito. Bakit ngayon ko lang naa-appreciate na gwapo ka nga naman pala?At parang mas gumagawapo ka ata.

"Alam mo, takot ko na lang na masipa mo pa ang mukha ko. At ayokong sabihin mo na tsinatsansingan kita. Ikaw na lang ang maglipat niyan kung saan mo gusto. Mas maganda siguro sa leeg!"

Inirapan niya ito. "Anong tingin mo sa akin? Aso?"

"Oo," walang-habas na tugon nito.

Biglang may tumawag sa pangalan ni Zyren dahilan para malingat ito. Sinamantala niya ang pagkakataon. Binuhusan niya ng konting tubig at baby powder ang upuan nito. Matapos malingat ay bigla nga itong umupo.

"Damn it! Anong ginawa mo?" biglang tayo ni Zyren sabay pagpag ng behind nito. Naka-itim na pants pa naman ito kaya halatang-halata ang mantsang iniwan ng powder at tubig.

"Wala akong ginagawa dyan ha. Kasalanan mo na yan kung eengot-engot ka minsan!" patawa-tawa pa siya.

"Ikaw talaga napaka-childish mo! Nakakapikon ka na!" Hinalbot nito ang neck tie ng uniform niya.

"Mr. Castillo, how come you can execute brutality with your female co-student?! Nakakahiya ka, you're supposed to be the role model of the students but your acting like an elementary bully!" biglang hirit ng Law professor.

Haha. Ikaw naman ang bully ngayon, Zyren!

Nataranta si Zyren na agad binitawan ang neck tie niya. Bigla itong bumaling sa professor. "No Ma'am. I'm...I'm just...just..." nag-isip ito ng dahilan ngunit parang mental block na ito.

Love Story by Headlines (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon