Chapter One

1K 25 22
                                    


"You can never win against me, Leanne."

Napakunot ang noo ni Leanne nang marinig niya ang tinig ni Zyren, ang kanyang ultimate competitor. Nasa labas sila ng election precinct kung saan ginaganap ang bilangan ng boto para sa presidency ng Student Council.

"Hindi pa tapos ang bilangan, Mr. Yabang kaya 'wag ka munang magsaya diyan," sambit niya dito.

He sarcastically laughed. "Sa tingin mo ba mananalo ka sa akin? Uy, babaeng amazona, madala ka naman. Highschool pa lang tayo, hindi ka na manalo sa akin sa council ngayon pa kayang college na tayo?"

Binalingan niya ito at tiningnan ng masama. Talagang pinapainit nito ang bunbunan niya sa kalagitnaan ng gabi. "Pwede ba kung mambubwisit ka lang naman e lumayo ka na lang sa akin. Kung nakikita mo, Mr. Castillo close fight ang laban natin. Better of, kabahan ka na."

Pero ang totoo, siya ang kinakabahan. Mukha ngang matatalo na naman siya. Ibig sabihin lang noon ay may isang taon na naman siyang magdudusa sa pang-aasar ng lalaking ito. Gusto na niyang mapababa ito sa administrasyon nito sa Student Council hindi dahil hindi maganda ang pamamalakad nito. Gusto lang naman niya gumanti. Mula pa kasi noong magkita ulit sila after nitong lumipat ng school noong high school ay palagi na lang siya nitong binubwisit. Naging hobby na nito ang sirain ang araw niya.

After all, that was rivals are for, to meet on a battlefield and won against the other. Kaso sa lagay nila ng ubod ng yabang na si Zyren, mukhang hindi niya matatalo ito kapag extra-curricular ang paglalabanan nila.

Ngumiti ito at nagkibit-balikat. "Yeah, a close fight pero hindi pa rin ako kakabahan sa lagay na iyan. Mauutak ang mga estudyante dito, amazona. Hindi sila pipili ng pasaway na kandidato dahil gusto nila ang gwapo at magaling tulad ko."

"Wow naman!" Exaggerated na lumayo siya rito. "Ang kapal ng mukha mo. Kahit isang metro pa ang layo ko sa'yo nararamdaman ko pa ang pisngi mo dito. Kapal! Lubayan mo na nga ako."

Nananadyang nilapitan pa talaga siya nito. Then he moved closer to her face. Matamang tinitigan siya nito. "Aminin mo na kasi, Leane. Kaya mo lang naman ako nilalabanan kasi hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap na hindi kita type, na ikaw ang huling babaeng papatulan ko, at hindi mo matanggap na mas gwapo pa rin ako sa long time manliligaw mong mukhang paa."

"Hindi mukhang paa si Jerick. Ikaw ang mukhang paa na may alipunga. At kailan ko pa pinagnasaang ma-type-an mo? Excuse me, hindi ako pumapatol sa tulad mong mukhang tipaklong. 'Wag kang mag-alala dahil kahit ikaw na lang ang huling lalaki sa mundo, hinding-hindi pa rin kita papatulan. At anong sinasabi mong gwapo ka? Kilala mo ba ang salamin? Humarap ka nga sa salamin at tingnan mo iyang pagmumukha mong mukhang insekto."

"Ikaw lang ang in denial na iappreciate ang kagwapuhan ko, alam mo ba iyon?"

"And so?"

"Siguro crush mo ako. At defense mechanism mo lang ang mag-deny." Exaggerated na naglungkot-lungkutan ito. "I'm sorry, Leanne pero di na talaga kita type e."

Nang-aasar na tumawa siya. "Pag nanalo ka dito, reregaluhan kita ng isang sakong kapeng barako para nerbyosin ka naman sa mga pinagsasabi mo-"

Natigilan siya nang mag-ingay ang mga tao sa election precinct. Mukhang may nanalo na.

"Congratulations, Mr. Zerino Gabriel Castillo. You will remain as our Student Council President," anunsyo ng election chairman.

Hindi na nagulat si Leanne dahil inaasahan na niya iyon. Isang taon na naman na magkakalakas ng loob si Zyren na asar-asarin siya dahil natalo na naman siya nito.

Love Story by Headlines (Published under PSICOM Publishing, Inc.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon