"Kailangan ba talaga nating gawin ito?" duda na si Leanne sa kanilang ginagawa para sa project nila.
Noong una, pinilit siya ni Zyren na kaibiganin ang anak ng may-ari ng isa sa pinakamamahaling restaurant sa bayan nila. Naalala pa niya ang sinabi nito. Akitin mo, kung hindi magiging effective ang pakikipagkaibigan lang. Ang mahalaga makuhanan mo ng video ang kusina ng restaurant. Wala nga namang pwedeng pumasok ng basta-basta sa kusina ng isang first class na restaurant. Gumawa pa sila ng isang hidden video cam para magawa iyon. Kailangan kasi nila iyon para sa ginagawa nilang feasibility study.
At ngayon, nasa ibang hotel na naman sila.
"Wala namang masama sa ginagawa natin, ah," sagot nito habang papasok na sila ng isang first class hotel.
"Duda talaga ako sa iyo. Noong una pinagmini-skirt mo ako para sa mukhang timang na anak ng may-ari ng restaurant tapos ngayon, ano na naman ito?"
"Eh, sa type na type ka ng timang na iyon. Nag-took advantage lang naman ako. Kung bading iyon, malamang ako ang dumiskarte."
"Sabihin mo, natutuwa ka talagang pagtripan ako. over naman itong kapalit ng paggawa mo ng portfolio ko. Kung hindi lang ito project-"
"Sshh..." He gently place his finger in her lips. "Never kong inisip na pagtripan ka. Sorry, kung inisip mo na ganon ang gusto kong mangyari. Kaya pwede bang tumigil ka sa katatalak mo!"
"Ayoko ng idea mong ito!"
"Wala naman tayong gagawing masama. Don't worry, beybs." Ibinigay nito ang sweetest smile sa kanya. " Magche-check-in lang naman tayo, eh." Kumindat pa ito.
At natural, balik eksena ang maepal niyang puso. Di na ata niya maiiwasan ang damdaming iyon. Malamang ay makakasanayan na niya iyon sa tuwing madidikit siya dito.
"Alam mo, ang kapal ng mukha mo! Pasalamat ka, disenteng lugar ito. Dahil kung nagkataong hindi, bugbog sarado kang uuwi ng bahay n'yo!" Inis na inis na reaction niya.
Tahimik lang siya habang nakikipag-negotiate si Zyren sa receptionist. Maya-maya lang, lumapit na ito sa kanya.
"Who told you na makakauwi pa tayo? Here's the key, 8th floor, room 803."
"Manyak ka talaga!" Hinampas niya ng dalang bag si Zyren. Hindi na siya nakapagpigil.
"Aray ko! Teka, nagbibiro lang ako. Ano ka ba? Natatakot ka ba sa akin? Feeling mo naman pagsasamantalahan kita? No way ano! Sayang lang genes ko sa'yo!" sambit nito sa kanya habang ayaw pa rin niyang tigilan ang paghampas dito. Naglalakad na sila sa hallway ng 8th floor.
"Aba, di ba't isa kang closet manyak na gentleman at wholesome! Lahat ng Eba matatakot sa mga kalahi mo! Subukan mo lang gawin iyang laman ng utak mo, mawawala ka sa mundong ito bago mag-gabi," tugon niya habang binubuksan ang pintuan ng silid.
Ngiti lang iginanti ni Zyren sa sinabi niya. Kinuhanan agad ni Leanne ng video ang buong silid. Wala siyang pinatakas na bagay. Bawat sulok at bawat detalye ay tiniyak niyang nakuhanan niya bago i-off ang videocam.
"Well, nakikita ko na ang kalalabasan ng project natin," sabi ni Zyren.
"Paraisong hotel at restaurant! Higit pa dito, syempre. Ganda dito, ano. Magkano nga pala ang share ko sa gastos."
"Don't mind it."
"Hindi pwede. Dapat share tayo sa gastos."
"Sabihin na lang nating ito ang bawi ko sa pang-aakit mo sa anak ng may-ari ng restaurant!" Natatawa pa ito habang sinasabi ang linyang iyon.
BINABASA MO ANG
Love Story by Headlines (Published under PSICOM Publishing, Inc.)
Teen Fiction"Pag pinakasalan mo ako, magkakaroon ka ng asawng gwapo, simpatiko at romantic. At higit sa lahat, wala ka nang makikitang handang maging punching bag mo habambuhay. Handa akong ma-deform ang buong katawan ko kung doon ka masaya!" Away.... asaran...